A/N
Baka meron kayong masuggest na portrayers na bagay sa casts please comment below. Meron ng isang nagsuggest. Isearch ko sila, but I am open for suggestions.
Thank you,
megFOUR
-THAT JERK NAMED ARES-
Nakatulog naman kahit papaano ngayong umaga. Kahapon kasi pagdating ko ospital kumain lang ako ng pansit at natulog na. Hindi ko na nga naintay si Yumi at hindi ko alam kung anong oras sya umuwi. Gumising lang ako para pumasok sa trabaho at ang napakabait kong manager pinauwi ako ng maaga kaya naman dumiretso ako sa bahay at nakatulog pa ng konti. Muntik pa nga akong ma-late ng gising sa sobrang aga ng tulog ko. Wala na naman masyadong gagawin kasi nga exam week tapos tapos na. Yung ibang subjects nakapagcompute na ng grades kaya yung iba na lang ang iintindihin ko.
"Uy bes, wow mukhang nakatulog ka ngayon ah." Bati ni Yumi sa'kin nang makasalubong ko sya papasok sa classroom. "So marami ka ng energy? Sayang wala na tayong exams."
"What? Paanong wala ng exams eh di ba may major pa tayo? Di naman kasama yun sa inexam natin last week ah?" Kung kelan ready ako at hindi ako antok tsaka naman walang exam. Nakakainis lang yung dalawang subject na baka ikabagsak ko baka di ako pumasa dun.
"Ano ka ba naman, memory gap ka na. Wala na nga di ba? Yung scores nung pre-final yun na rin daw yun unless kailangang magpasa nung project. So wala na tayong gagawin. Pa-easy easy na lang kasi magclearance na tayo." Masaya syang pumasok sa loob ng classroom hawak ang phone. "Uy nakita nyo ba yung post ko?" Lumapit sya sa nagkukumpulang classmates namin kaya naman nagpunta na ako sa upuan ko tsaka dumating ang prof namin.
"Good morning!" bati nya kaya nag-ayusan na kami ng upo. "I already computed your grades. Ipapasa ko na sya sa office. I just need to talk to Ms. Liwayway." Nagulat ako at tinawag ang pangalan ko.
"Naku bes baka number one ka na naman." Bulong ni Yumi sa'kin. Sana nga tama ang sinasabi nya."Pero hindi pala ako ang kakausap sa'yo. Pumunta ka na lang sa dean's office mamayang break time." Sabi nya. "Goodbye class and see you next sem." Tsaka sya lumabas.
"Hala bakit kaya?" tanong ko sa sarili ko.
"Excuse me, sino si Dalisay Liwayway? Pinapatawag kasi ni sir Ram sa faculty." Sabi ng isang estudyante.
"Sige pupunta na ako." Sagot ko sa kanya. Sobra ang kaba ko at alam kong merong hindi magandang mangyayari. Sana naman walang masaktan o maaksidente. "Bes punta lang ako dun ha." Paalam ko sa kanya at tumango lang sya dahil busy syang makipagkwentuhan sa classmates namin kahit di ko alam kung anong pinaguusapan nila. Dumating ako sa faculty at dumiretso kay sir. "Good morning, sir." Bati ko.
"Good morning. Maupo ka." May kinuha syang papers. "Hindi ko alam kung sa'yo ba 'tong ipinasa mong reaction paper. Alam mo naman na malaki ang impact nito sa final grades nyo."
"Alam ko naman po yun. Kaya lang po kasi alam ko namang hindi kayo tumatanggap ng late kaya po ginawan ko na lang ng paraan." Nahihiya kong sagot kay sir.
"Ayos lang sana kung pinaghirapan mo but when I checked it copy paste lang from the internet. This is not you Ms. Liwayway. Naiintindihan ko na naaksidente ang tatay mo and I asked our school for help kaya lang I gave this to you few days ago. Hindi mo man lang ginawa agad. I will not give you a special treatment about this one. Siguro kung isang araw lang ang ibinigay ko sa inyo pagbibigyan kita kaya lang hindi." Nakita kong ang baba ng score na nakuha ko.
"Sir, kilala nyo naman po ako. Hindi po ako ganyan talaga lang pong sobrang wala ako sa sarili nung ginawa ko yan. Please bigyan nyo pa po ako ng pagkakataon. Kahit ngayon po, ngayon po gagawa ako ng reaction paper sa harapan nyo. Please po." Talaga nagmamakaawa ako sa kanya at nakatingin na sa'kin ang ibang teachers.
BINABASA MO ANG
My Life With The Jerks
Roman pour AdolescentsOrdinary student lang si Dalisay Liwayway nang dumating ang maraming pagsubok sa kanilang pamilya na sisira sa lahat ng meron sya. Paano kung tadhana na ang gumawa ng paraan para makapasok sya sa buhay na kahit kailan ay never nyang naimagine. Will...