TEN-OFFICIALLY TOGETHER-

1.4K 53 16
                                    


TEN

-OFFICIALLY TOGETHER-

"Ang bango nyan ah. Ang saya talaga kapag merong marunong magluto sa bahay." Lumapit si Genesis at dinutdot na ang steak na ginawa ko.

"Ang bastos mo naman!!!" Hinampas ko ang kamay nya. "May fork oh!!!"

"Sungit naman. Parang nanay!!!" Sinunod naman nya ang sinabi ko tsaka tinikman ang niluto ko. "Fvck!! Parang sa five star hotel!! Ang sarap!!!!" Kumuha na sya ng plato.

"Sandali!! Aayusin ko pa yan!!!" Inilayo ko sya sa mesa. "Maghanda ka na ng table at dadalhin ko na yan dun!"

"Ako? Bakit ako lang?!" Tinitigan ko sya at di na sya sumagot tsaka nya sinimulang ayusin ang dining table.

Ako naman nagplating. Inayos ko sa bawat plato ang steak, red rice at vegetables. Tapos nasa separate na plate naman ang mga fruits.

"Tulungan na kita dyan!" sumulpot naman si Lann. "Robot ka ba? Hindi ka ba napagod sa maghapon at nakuha mo pang magluto?"

"Napagod din syempre. Kaya lang kasi sayang yung laman ng ref nyo. Kami kasi may ref pero pinapatay para tipid sa kuryente." Dinala naman sa dining table yung mga fruits at iba pang vegetables.

"Ah, pero okay na din yung niluluto mo yung laman nya. Nasasayang lang din kasi. Ako na dyan." Inayos nya yung hawak ko at bumalik ako sa kusina para ihanda yung green tea. Actually milktea na nga sya eh. Sinamahan ko ng non fat milk at honey. Di ko sure kung magugustuhan nila pero sana naman no.

"Ayun tamang tama pala pagkakashower ko. Chibog time na!!!!" Medyo nahiya ako ng umupo si Nik na nakatopless pa at towel lang ang nasa balikat nya. Nakashorts naman sya pero pumuputok din ang muscle.

"Bakit nagshower ka na eh maghuhugas ka pa ng plato!!!!" binatukan ni Genesis si Nik.

"Siraulo ka!! Ikaw naman!! Buhatin mo naman yang itlog mo!!!!" sagot ni Nik.

"Hoy!! Parang walang babae sa harapan nyo kung magkwentuhan kayo ah!!" Ang pogi ni Lann kapag sinasaway yung dalawa. "Nasaan na ba si Ares?"

"Ayun pabebe sa taas. Pero bababa na yun." Tinikman na ni Nik yung pagkain. "Sh*t!!! Sobrang sarap!!!!"

"Sobra nyo namang bolahin yang babaeng yan!!!" I rolled my eyes nang dumating na si Ares. Nagkakasayahan kami bigla syang kokontra. "Kapag yan di masarap papabayaran ko sa'yo yang niluto mO!!!" Nakatitig lang ako ng masama sa kanya. Di ako makapagsalita kasi pera ang usapan eh.

"Wag kang magalala Ali, pag di nagustuhan ni Ares yan ako na ang magbabayad para sa'yo." Sabi ni Lann tsaka nya ako hinawakan sa kamay. "Halika na dito, sumabay ka na sa'min."

"Ha? O si – sige." Nahihiya ako bakit ba! Inilapag ko yung milktea na may sago at sinalinan ko na ang sarili ko. "Gusto mo bang tikman?" tanong ko kay Lann at tumango sya kaya naman sinalinan ko na rin sya.

"Bakit sya lang? Favoritism ka Ali ah!!! Babayaran ko rin si Ares kapag di sya nasarapan sa luto mo!!!" Hala nainggit si Genesis kaya sinalinan ko na rin sya.

"Ano kayo lang? Paano ako? Kapag di nagustuhan ni Ares yan ako na magbabayad!!! Pero kapag nagustuhan nya kutos yan sa'kin sa itlog!!!!" Maangas na sabi ni Nik at nagtawanan kami. Sinalinan ko na rin naman sya.

"Okay na ba? Kainan na." Ngumiti ako at nagsimula na kaming kumain.

"HOY NAKAKAHALATA NA KO HA!!!!!" Nagulat kami ng sumigaw si Ares. "P.A. KITA!! BAKIT SILA PINAGSISILBIHAN MO!!!! TSAKA BAKIT DYAN KA NAKAUPO SA TABI NI LANN?!!!! BOSS MO? BOSS MO?!!!" Nakakunot na ang kilay nya. Parang may regla kung makasigaw.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon