FOURTEEN -THAT JERK NAMED NIK-

718 31 0
                                    

Hindi ako makapaniwala na makakatagal ako as PA ni Ares. Sabi nga nung idol ko na si Ric Matras, kapag nagigipit sa patalim kumakapit. Kaso masahol pa sa patalim si Ares. Medyo nagimprove naman yung ugali nya pero minsan mainit pa din ang ulo. Tinalo pa ang babaeng may regla. Dahil sa trabaho ko dito napa-therapy ko si tatay at nakumpleto ko na rin yung gamut. Halos naiiyak talaga ako kapag naiisip ko na muntikan ng mawala si tatay sa'min. Ang dami kong paano. Paano kung hindi dumating si Ares, anong mangyayari kay tatay? Paano kung hindi barumbado ang kuya ko? Eh di sana naaalagaan nya sila nanay kapag wala ako. Paano kung hindi ako natanggal sa scholarship? Sana may allowance pa akong natatanggap at makakapagaral ako next pasukan.

"Opo nay, siguraduhin nyo na hindi pa rin ititigil ni tatay ang paginom ng gamut kahit maganda na ang pakiramdam nya." Kausap ko si nanay sa phone at sinasabi nya na ayaw na ni tatay magtherapy at maggamot dahil hindi na daw nila ako nakakasama araw araw.

[Nanay] Anak, malapit na ang enrollment. Kailan ka ba titigil dyan sa trabaho mo?

"Nay, ang tagal pa ng pasukan oh. Ano ba naman kayo. Isa pa, importante ang pag galing ni tatay kaysa sa school. Pwede naman akong mag-aral ulit kapag malakas na si tatay." Halos napabuntong hininga na lang ako dahil sa homesick. Pero handa ka talagang magsakripisyo para sa mga taong mahal mo.

[Nanay] Pasensya na anak at wala akong magawa. Lalo na ngayon na sobrang layo naming sa iyo.

"Wag na nga po kayong masyadong mag-isip okay? Matapang ata 'tong anak nyo. Isa pa mas maganda na yang dyan muna kayo sa probinsya at hayaan nyong magutom yung magaling nyong anak. Ang kapal ng pagmumukha!!" Feeling ko ang taas ng blood pressure ko ngayon dahil naalala ko ang kuya ko. Dahil nalaman nya na Malaki ang ipinapadala ko para kina nanay syempre tinakot nya ang mga magulang namin para makuha yung pera na pinaghirapan ko. Kaya pinauwi ko muna sila nanay sa probinsya. Mas tahimik dun tsaka sariwa ang hangin. Gusto ko na din ipaasikaso sa kanila yung lupa ni tatay na pamana nila lolo. Gusto din kasing angkinin nung mga tito ko akala hindi na kami interesado kaya sinumulan na nilang taniman ng sarili nilang mga gulay. Ang sabi lang namin noon wag galawin dahil wala pa kaming pondo para makapagsimula ng farm. Buhay talaga no? Mga taong hindi makuntento sa kung anong meron sila. Kalimitan ng gumagawa sa'yo ng ganito eh sarili mo pang pamilya.

[Nanay] Yung lupa natin maraming nakatanim. Mga pananim ng tiyo Elias mo. Ang tiya Emma mo naman nasa palengke nagbebenta ng mga ani.

"Nay, sabihin nyo paparentahan nyo yung lupa natin at kailangan ni tatay ng gamut. Basta wag nyong sasabihin sa anak nyong lalaki ang tungkol dyan." Nagiinit talaga ang ulo ko kapag naiisip ko ang kuya ko. Kung sana lang Mabuti syang tao eh di sana hindi sya napapariwara.

[Nanay] Yun na nga anak ang sabi ko. Ay sya sige na ako'y magluluto muna para makakain na ang tatay mo. Ikaw siguraduhin mong nakain ka sa oras at kung hindi ay susugurin ko yang boss mo.

Napatawa ako sa sinabi ni Nanay. Hindi nya alam na yung boss ko eh sobrang sikat. Hindi rin ako makapaniwala nung una dahil di ko naman sya kilala kasi di naman ako nanonood ng TV. Pero ang dami na naming napuntahan na tapings at ang daming nag-aabang sa kanya. "Don't worry nay, nakain po ako sa oras. Basta magiingat kayo ni nanay ha." At ibinaba ko na ang telepono. Sobrang nakakastress naman ang araw na 'to.

"Oh, bakit nandito ka? Hindi ba off mo ngayon?" Tanong ni Nik sa'kin. Nandito ako ngayon sa Bahay ng Alcante dahil una wala ang mga magulang ko sa Bahay. Pangalawa, nagbabakasyon din si Yumi sa isang isla so instead magsayang ako ng pamasahe mas mabuting magstay na lang ako dito sa Bahay nila at magrelax. "May problema ba?"

"Wala naman. Wala din kasi yung pamilya ko nasa probinsya." Nakita kong may headset sya at nagsusulat habang nakaupo sa may piano. Kaya naman kinuha ko ang gitara. "Ang tagal ko ng hindi nakakahawak nito." Sinimulan kong itono ang gitara.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon