NINE-HE'S A DISASTER BUT A SAVIOR AS WELL-

1.3K 58 7
                                    

NINE

-HE'S A DISASTER BUT A SAVIOR AS WELL-

"Nay, nandito na po ako." Nagmano ako kay nanay pagkapasok ng bahay.

"Anak, mabuti naman alam mo pa kung paano umuwi." Niyakap ako ng nanay.

"Syempre naman po." Kumuha ako ng maiinom. Sobrang pagod na ako pero di ko pwedeng ipakita kay nanay. "Si tatay po, kumusta? Paano po sya nakalabas agad?"

Nagbuntong hininga sya. "Nakuha ko na yung pera sa company anak pero sobrang liit lang. Galing yun sa benepisyo ng tatay mo at hindi mismo tulong ng company kasi nga nasira yung sasakyan na dina-drive ng tatay mo. Lumapit din ako sa PCSO at tumulong naman sila. Kailangan kong magdoble kayod kasi kailangan pa rin ng tatay mo ang gamot tsaka therapy. Paano na lang ang pagkain natin at gastusin dito sa bahay?" Naluha si nanay dahil sa dami ng problema.

"Wag po kayong mag-alala nay, meron po akong summer job. Maganda po 'to at malaki yung sweldo. Makakatulong po ako sa inyo ni tatay." Kinuha ko ang pera na galing sa bahay ng Alcante boys. "Ito nga po oh, may paunang sweldo na ako. Nalaman kasi ng boss ko na may sakit ang tatay ko."

"Anak ang laking halaga nito. Anong trabaho ba yan? Kakasimula mo lang may ganito ka ng halaga agad?" Hinawakan ako ni nanay sa mukha. "Mahirap tayo anak pero wag kang gagawa ng bagay na hindi tama ha."

"Nay, alam ko po yun. Legal po 'tong trabaho ko." Nakatingin pa rin si nanay sa'kin na iniintay na sabihin ko kung saan ako nagtatrabaho. Hindi ko alam kung papayagan nya ako kapag sinabi kong PA ako ng isang lalaki at titira ako kasama ang mga lalaki. Mukhang hindi papayag si nanay at lalo na si tatay. Baka lalong hindi pa yun gumaling. Kung di naman ako tutuloy sa trabaho ko wala kaming pantustos araw-araw. "Encoder po ako – encoder po sa – sa isang talent agency. Yun po ang trabaho ko." Hindi ako tumingin sa kanya kasi baka mahalata nyang nagsisinungaling ako.

"Encoder? Bakit ang laki namang ng sweldo mo? Di ba madali lang ang trabaho ng encoder kaya maliit ang sweldo?" Hala nagreklamo pa si nanay.

"Nay, hindi ah. Mahirap din ang trabaho nun. Yun lang yung job title pero marami pang extra jobs ang pinapagawa sa encoder." Kumapit ako sa braso nya at naglambing. "Nay, kasi po – kasi po nakalagay sa kontrata ko na – na stay in po ako dun sa company."

"ANO?!!!! Ano namang trabaho yan na stay in ka? Kasambahay ka ba anak?" Lumayo sya sa'kin at ipinaghahanda ako ng pagkain. "Gutom lang yang sinasabi mo mabuti pa kumain ka na dito."

"Nay naman ih. Totoo po 'to. Safe po yung bahay – I mean yung company. Dun nga po ako natulog kaninang umaga. Libre naman po yun tsaka may pagkain dun na masasarap. Uuwi naman po ako kada day off ko kaya po sana payagan nyo na ako." Nagiisip si nanay pero alam kong ayaw nya. "Kailangan nating mapatherapy si tatay plus ang mamahal ng mga gamot nya. Kahit po dalawa tayong maglako ng kakanin baka di pa rin po natin makaya. Baka maging tatlo pa tayong magkasakit. Sige na nay, pumayag na po kayo. Please please!!!!!!"

"Safe ba yang trabaho mo?" Pumatak ang luha ni nanay at nalungkot ako. "Kasi naman, kami dapat ang nagtatrabaho para mabigyan ka ng magandang buhay. Tapos ikaw pa 'tong kakayod at mapapalayo sa'min para lang makapagtrabaho." Pinahid nya ng bimpo ang luha nya. "Hindi ako sanay na malayo ka sa'min. Ang hirap magdesisyon anak. Ayokong pumayag pero tama ka. Kailangan nating mabuhay, kailangan nating lumaban para sa tatay mo. Bakit kasi walang kwenta yang kuya mo. Eh di sana napapakinabangan din sya." Niyakap ko si nanay.

"Ayoko din naman pong umalis. Pangako kapag okay na si tatay at nakabalik na sya sa trabaho titigil na po ako." Napatingin sya sa'kin. Hala ano ba 'tong sinasabi ko.

"Akala ko ba summer job lang yan?" ayun na nga nalintikan na.

"Kapag po gumaling na sya bago matapos ang summer. Yun po yung ibig kong sabihin." Ngumiti ako. "Salamat nay, magiimpake na po muna ako bago kumain." Nagmadali na akong pumasok sa kwarto para naman di na maungkat yung sinabi ko. Ang tanga tanga ko naman. Summer job nga lang bakit ko yun sinabi. Buti na lang talaga nalusutan ko. "Yumi?" Hala nakatulog na si Yumi sa kwarto ko. "Uy Yumi gising na." Kinalog kalog ko sya para magising.

My Life With The JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon