Very late na kami nakauwi ni Lann at paguwi ko di ako agad nakatulog kasi I removed my make up pa. Ginamit ko yung binigay ni Ces na collection. Ang galing nung make up remover tanggal lahat isang pahiran lang. Then may facial cleanser tapos may electric facial brush pa ang sarap sa mukha. Then facial scrub naman then nakalagay sa instruction na magmask muna for 15 minutes then tsaka maglagay ng hydrating cream then brightening gel, tightening serum, then anti aging moisturizer. Halos umaga na ako natapos para lang sa routine na yun. Then binigyan nya ako ng eye mask na may vitamin E. Isuot ko daw kapag matutulog ako. Sobrang kinis, lambot at kintab ng mukha ko, glass skin kung tawagin nila. Halos kakahiga ko palang nung tumunog na yung alarm clock ko. So syempre naligo ako and ginawa ko naman ang morning routine, meron din naman kasing instructions. Halos same lang ng ginawa ko kagabi except sa mask part. Idinagdag ko lang yung sunscreen na dapat daw palagi akong naglalagay to avoid dark spots and uneven skintone. Oha, sobrang hirap palang gumanda. Anyway, yung buhok ko sobrang kintab pa din. Yung kilay ko may guhit na kaagad kahit hindi ko pa inaayos. Dahil siguro yun sa microblading. In short, mukha akong may make up pero natural face ko lang 'to. Yung sunscreen kasi parang may foundation effect ang ganda sa balat.
Naayos na lahat ng dapat dalhin ni Ares may mall show ang Alcante boys today hindi dapat ako sasama kaso after nun diretso taping kami. Hindi naman pwedeng mag-uber ako from here to set kasi masyadong malayo.
"Sige, I'll meet you there." Narinig kong sabi ni Ares na may kausap sa phone. Agang-aga mukhang bad mood sya. "Nasaan na ba yung babaeng yun nakakapag-init ng ulo. Hindi naman artista kung makapagpabida - ay anak ng pating." Nagulat sya nang Makita nya ako at ngumiti lang ako sa kanya. "Who are you?" tumingin sya sa paligid at ganun din ako pero di ko sya pinansin. Kinuha ko ang mga gamit nya para dalhin sa sasakyan. "Hey wait a minute. Why are you taking my things? Hey, wait!!" Dumiretso ako sa sasakyan at sinundan naman nya ako. "Kuya Atan Nakita mo ba si Ali?" Tanong nya kay kuya Atan then everything kicked in. Hindi nya ako nakilala. I can't blame him. Di ko pa rin kilala ang sarili ko everytime na haharap ako sa salamin.
"Naku hindi eh. Wala ba sa loob?" Hindi ako napansin ni kuya Atan. "Alis na po tayo kasi male-late tayo kapag nagpatagal pa. Pasunurin nyo na lang si Ali sa set." Wala namnan nagawa si Ares kundi ang sumakay sa sasakyan kaya ganun na din ang ginawa ko.
"Why are you in my car? Get out!!!" Sigaw nya sa'kin. Wow sobrang sungit nya na ulit. "I'm calling miss Cem." Ngumiti lang ako ulit sa kanya. "Who are you again?" tanong nya habang nakahawak sa phone nya.
"PA." Yung lang ang sinabi ko bago nya pa ako mabosesan.
"Hello miss Cem, how many times do I have to tell you I don't need another PA!! Where's Ali? Hindi nagpaalam sa'kin na aalis na sya and now I'm stuck with this new PA!!!" Ang lakas ng sigaw nya habang nasa unahan sya at nasa back seat naman ako. "What do you mean? No, she's not with me. Then who is this woman in my car? She said she's my PA. Okay, I'll call her. Thank you." Masama ang tingin nya sa'kin habang nakangiti lang sya. "Who are you? Did Ali ask you to be my PA for today?" I shrugged at Lalo syang naasar. Mukhang tinatawagan nya ako dahil biglang tumunog ang phone ko.
"Hello?" sinagot ko ang phone ko pero sa harapan na sya nakaharap.
"WHERE THE HELL ARE YOU!!!!!" Sa lakas ng sigaw nya nag-echo sa tenga yung sarili nyang boses. "Bakit ang lakas ng static? Nasan ka ba?!!!" Halos maibato nya yung phone dahil sa lakas ng background noise. "Are you making fun of me? Bakit di ka nasagot?"
"Eh ano bang sinasabi mong nasaan ako? Hindi naman ako umalis. Are you crazy? Hinahanap mo ako nandito lang naman ako!!" I rolled my eyes at humarap sya sa likuran trying to see kung nagtatago lang ako sa isa sa mga upuan. "It's not funny Ares. I don't have time to play this game." Nanlaki ang mga mata nya at biglang kinuha ang phone ko. "What the heck! Give me back my phone!!!!"
BINABASA MO ANG
My Life With The Jerks
Teen FictionOrdinary student lang si Dalisay Liwayway nang dumating ang maraming pagsubok sa kanilang pamilya na sisira sa lahat ng meron sya. Paano kung tadhana na ang gumawa ng paraan para makapasok sya sa buhay na kahit kailan ay never nyang naimagine. Will...