Jems POV
Makalipas ng medyo mahabang pahinga, papasok na ulit ako!!! sumigaw pako sa kwarto ko ng mga oras nayon.
Medyo sinisipag ako ngayon siguro namiss ko ang pag-pasok sa school pero ngayon lang ah. hahahaha.. sa totoo lang tamad ako at alam nyo yan mga trops. hehehe...
Tapos nako mag-ayos ng mga oras nayon, hindi nako nag-breakfast baka sa school nalang alam nyo na excited nga diba? ahahaha... lumabas nako ng bahay at tumungo sa parking lot ng mansion namin, pumili ako ng kotse na gagamitin ko then "I CHOOSE YOU" hehehe.. pasensya na masyado akong masaya ngayong araw ah, hindi ko din alam kung bakit eh...
Napili kong kotse ay yung black jaguar ko then i start it.. harurot kaagad hindi ko na inalam kung masyado pa akong maaga or late basta aalis nako ng mga oras nayon.
Ilang sandali lang at nasa Campus na ako, matapos mag-park ay nag-madali akong mag-lakad medyo nagulat ako kasi wala pang masyadong tao sa field ng campus. isa lang ang ibig-sabihin nito napaaga talaga ako ng pasok ngayong araw, pero ok lang ngayon lang naman to eh. hahaha..
Nag-lakad lakad muna ako sa field ng campus tapos umupo ako sa may bench na nasa field. habang naka-upo ako sa field may nakita naman akong babae na nag-lalakad at pamilyar sakin ang babae nayon. tama nga hindi lang pamilyar kundi kilala ko talaga, si margs ang nag-lalakad sa field at ang aga nya palang pumapasok? palagi kaya syang ganyan?
Minabuti kong sumunod sa pag-lalakad nya tutal pareho naman kaming hindi alam ang gagawin ng mga oras nayon. lumiko sya sa bandang kanan at tumakbo narin ako sa pagsunod kasi nahuhuli nako, pag-kanan ko hindi ko na sya nakita tumuloy parin ako sa pag-lalakad para mahanap si margs.
Saan kaya pumunta yun? bakit parang ang bilis nyang nawala?
Toot.. 1 message received.
From: 09*********
Sana handa ka sa muli nating pag-haharap.
Black Dragon..
Black dragon.. ibig-sabihin may bago na talagang gumagamit ng pangalan ko sa UNDERGROUND kung ganun sino kaya yun? at anung balak nya? kung anuman ang binabalak nya ay dapat maging handa kami ng grupo dapat hindi kami pa-petics petics lang.. papatawag nalang ako ng meeting mamaya.
Nag-lalakad parin ako at hinahanap ko parin si margs, may narinig akong sumigaw pero agad din huminto. parang boses ni margs yun kaya napatakbo ako pakiramdam ko nasapanganib si margs ngayon... pero saan ko sya hahanapin? bahala na...
Margs POV
Nag-lalakad ako sa hallway sa may first floor ng building ng may naramdaman akong sumusunod. sa takot ko nag-madali akong mag-lakad at kumanan ako, pag-kanan ko biglang may tumakip sa bibig ko.
Ahmmmm.. yan nalang ang nasabi ko dahil may nakatakip ng panyo sa bibig ko.. dinala ako ng dalawang lalake sa isang abandonadong room... Tinangal nila ang takip sa bibig ko kaya sumigaw ako..
Hoy tarantado kaba bakit mo tinangal? ibalik mo nga yan. panu kung may-makarinig sa sigaw nyan? kaya agad namang binalik ng hindi ko kilalang lalake ang panyo sa bibigko nakatali narin ang kamay ko at paa kaya wala nakong magawa.
Sana may makaalam na nandito kami. tulong lord.. help me please.. sa takot ko napa taglish nako.. nag-dasal nalang ako sa isip ko.
Pare wag-kang maingay may paparating. Sabi ng isa sa dalawang lalake na humila sakin. Nung nakita ko sa ilalim ng awang ng pinto na nasa harap na yung taong sinasabi nila agad kong sinipa ang bangko na nasa tabi ko para makagawa ito ng ingay.
![](https://img.wattpad.com/cover/8918603-288-k146089.jpg)
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love (TMYH,TMYL) ongoing.
RomanceTotoo nga ba ang kasabihang "The More You Hate The More You Love"? Sabi nila ang mga taong naniniwala sa kasabihan ito ay hindi na lalayo sa mga tao na mahilig sa Fairytail? Totoo nga ba? hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sa kasabihan naya...