Margs POV
Toott... (cellphone ringtone)
message from "My King"
Mag-date tayo.
Bakit? reply ko.
Ano kaba first date natin to bilang mag-girlfriend/boyfriend.
Kailangan paba ng ganon?
Oo naman ano kaba?!
Oo na.. *pout face*
Ok susunduin kita dyan mamayang 7pm.
Ok.
End Phone convo..
Walang magawa sa condo kain dito kain dun lang ang nagagawa ko. minabuti kong matulog para makapahinga naman..
--------------------------------------------
7pm..
Saan tayo?
Basta, ay margs ang ganda mo sa suot mo.. nag-smile si jems sakin habang sinabi nya yun.
Naging bolero kana ah? pero salamat parin, ikaw naman ang gwapo mo naman sa suot mo.
Matagal ko ng alam... Tawa sya nung tawa kasi nakita nyang nag-pout nanaman ako. piling talaga tong lalake nato..
Ikaw huwag kang tatawa tawa dyan. "oo na po." bumaba kami sa isang eleganteng hotel 5 star hotel daw yun sabi jems..
"Tara?" binuksan nya na ang pinto at inaabot ang kamay nya sakin para alalayan akong makababa, ang sweet pala ng bad boy nato.. "Ang ganda naman dito jems" pag-puri ko sa lugar.. "Maganda talaga dito, parang ikaw" napa smile ako sa sinabi nya syempre kinilig narin grabe na kaya ka sweetan nya ngayong araw..
"Oh Pards nandito rin kayo?" napalingon kami sa kung saan nangaling yung boses. "Oh pards anong ginagawa nyo dito?" Si Alfred kasama si Diana mukang may date din sila? "Naisipan lang naming mag-date ni diana, kayo ba?" "Pareho lang pala tayo" Sumabat nako sa usapan.. "Tutal nandito na tayo, bakit hindi nalang natin to na double date?" "oo nga mas marami mas masaya.." sabat ni diana..
"Ang tanong, Ok lang kaya kay jems?" sabay kaming tatlo na tumingin kay jems. "Ok samasama na tayo" pumasok na kami sa loob at umupo sa iisang mesa lang, syempre katapat ko si jems.
"Pards kamusta kana?" tanong ni alfred kay jems habang sumusubo ng karne. "Ok naman na, pero medyo masakit parin yung katawan ko. saka may ban aid pa ako sa muka." tumawa si alfred bago sumagot. "Bagay naman sayo pards, parang wala ngang nag-bago eh." "loko ka ah!?" tumawa ulit si alfred at sumagot ng biro lang daw.
Jems POV
Nag-kita kami ni pards alfred sa labas, kaya ang balak na date ay naging double date. hindi naman sa ayaw ko makipag-double date ang akin lang eh hindi ko masosolo si magrs.
"Ok ka lang jems?" napatingin ako kay margs at nakangiti sya sakin, at shet ang ganda nya. "Ah wala naman." ngumiti nalang din ako para hindi sya mag-alala. "parang kelan lang para kayong aso at pusa na dalawa, pero tignan mo ngayon love birds na kayo." sabay tawa si alfred tapos nyang sabihin yun. "Hindi na mahala ang kelan, ang mahalaga ay ngayong mahal na namin ang isat-isa." "oh oh oh.. masyado na atang nagiging maantik dito? kinakagat nako oh." sabat ni diana, sabay-sabay naman kaming nag-tawanan, tinignan ko si margs at kita sa muka nya na ang saya saya nya at yung saya nya ngayon yan ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon, "mula ngayon hindi ko na hahayaang malungkot ka. lalo na kung ako ang dahilan" "may sinasabi ka jems?" ay napalakas ata ang pag-kausap ko sa sarili ko. "a- ah wala margs, ay naisip ko lang bakit wala tayong tawagan?" pag-iiba ko sa usapan.
"kailangan paba nun?" "syempre naman" saglit na nag-isip si margs. "ok sige ano gusto mong itawag ko sayo?" "ikaw na bahala kung anong gusto mo" nag-isip ulit sya at may pahawak hawak pa sa baba nya. natawa ako ng mahina sa ginawa nyang pag-hawak sa baba nya. "tutal para kang hari kung umasta, king nalang ang itatawag ko sayo" "and you are my queen" sunod kong sabi, napangiti naman sya.
"Medyo OP na ata kami dito ng mahal ko?" nakangiting sabi ni alfred. "Mahal lakad muna kayo tayo sa labas?" tumayo na sila at lumabas, nakatingin parin si margs kay alfred at diana habang palabas ang mga ito. "my queen" tawag ko sa kanya. "yes my king?" putek bakit parang ang ganda ng boses nya nayun. para akong lumulutang, adik na ata ako eh?. "Ah samahan mo naman ako sa may beranda." tumayo kami at pumunta sa beranda ng hotel, tanaw dito ang karagatan parang palamuti naman ang mga cruise ship na nasa laot na puno ng makukulay na ilaw. "jems salamat ah." "para saan?" "para sa gabing to, sa lugar nato, sa kasiyahan, sa pag-mamahal mo sakin." eto talaga ang nagustuhan ko kay margs, kasi kahit sa napaka simpleng bagay lang magagawa mo syang mapangiti. sa totoo lang wala akong idea sa ganto, pero dahil sa tulong ng "google" nagawa ko to. napapangiti nalang ako ng maalala ko yung gabing nag-reseach ako tungkol sa perfect date. "hindi mo kailangan mag-pasalamat kasi eto naman talaga ang dapat eh. at isa pa wag ka muna mag-pasalamat kasi umpisa palang to." ngumiti nanaman sya at ang ngiti nyang yun, masasabi mo ng bayad na sya sa lahat.
"a- ah margs para sayo" iniabot ko sa kanya yung box na maliit at binuksan ko iyon, nakita nya yung dalawang sing sing. "para saan to?" ngumiti muna ako, napaka slow talaga ng girlfriend ko nato. "para saan paba?" parang na shock naman sya at napahawak pa sa bibig. "jems? wa- wag mong sabihin na.." "na ano?" nag-tataka kong tanong. "na yayayain mo na akong mag-pakasal?" nagulat ako at natawa ng sobrang lakas sa sinabi nya. "Ano ba!? bakit ka natatawa?" huminto nako at napahak pa sa tiyan ko, medyo sumakit kasi eh. "Hindi pa kita niyayayang mag-pakasal ano kaba my queen?" "eh para saan yan?" hindi ganto kasimple ang gusto kong proposal no. "tanda lang to na ikaw at ako ay mag-girlfriend/boyfriend na." nakita kong napabuntong hininga sya at saka ngumiti ulit sakin. "kala ko naman kung ano na.."
"Margs tumingin ka dun sa dagat" seryoso nako kaya tumingin din sya doon ng seryoso. tinaas ko yung kanang kamay ko at saka nag-karoon ng mga fireworks sa ere nakatingin lang kami dun at masaya, tumingin ako kay margs at nakatitig lang ito sa taas habang naka smile. tinaas ko naman yung kaliwang kamay ko at lumabas sa ere ang date ng araw na naging kami ni margs tapos nakalagay sa dulo. "JEMARDS" "My king salamat talaga sa effort at talagang napasaya moko sa gabi nato." hinawakan ko sya sa pisnge at hinawi ang buhok nya, lumapit ako ng dahan-dahan palapit sa labi nya. pumikit nalang sya at hinayaan na naming mag-lapat ang labi namin, ngayong gabi nato masasabi ko na eto na ang pinaka masayang gabi na nangyari sakin. gabing ayaw ko ng matapos.
Margie Jimenez my queen my one and only queen. ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay..
The End...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hahahaha joke po..
AN: Update lang para sa mga bumabasa pa. o kahit wala ng bumabasa update parin. hahaha.
salamat sa mga bumabasa.
mr.p
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love (TMYH,TMYL) ongoing.
RomantikTotoo nga ba ang kasabihang "The More You Hate The More You Love"? Sabi nila ang mga taong naniniwala sa kasabihan ito ay hindi na lalayo sa mga tao na mahilig sa Fairytail? Totoo nga ba? hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sa kasabihan naya...