Chapter 24 Jems Way

77 0 0
                                    

Jems POV

Ayt sakit ng ulo ko... first time ko napuyat ng dahil lang sa isang babae kasalanan lahat to ni margs eh..

Speaking of margs, nga pla birthday na nun bukas ah... pupunta ba ako o hindi? ayt bahala na kung anu man gagawin ko bukas.

Nag-ready nako binilisan ko nalang ang kilos ko.. dadaan ako kala margs mag-sasabay kame.

Habang nasa biyahe binuksan ko ang stereo ng sasakyan boring eh..

Mga kabisyo eto na po ang limang tips kung pano ang panliligaw.. Narinig kong binangit sa radio kaya nakinig nako..

Una sa lahat dapat nice ka sa nililigawan mo..

Pangalawa dapat alam mo kung ano ang gusto at ayaw nya..

Pangatlo dapat ipakita mong seryoso ka sa ginagawa mong panliligaw.

Pang apat syempre dapat sweet ka.

At pang lima dapat lagi mo syang sinusurprise..

Dapat ba ganun? Kaya pala kahit korning bagay natitiis gawin ni ren.. pero kaya ko kaya yun?

Huminto nako sa pag-iisip dahil nandito nako sa bahay nila margs. bumaba nako ng sasakyan at dali dali pang pumunta sa pinto.

Tok tok tok... anu bayan sakit sa kamay wala kasing dor bell eh..

Oh ikaw pala jiho bakit napadaan ka? bati ng tito ni margs sakin.

Ahmmm good morning po.. be nice daw sabi sa radyo kaya yan nag po ako.. sa totoo lang kung hindi ako nanliligaw eh hindi ako mag goodmorning dito.

Good morning din jiho.. so anu nga bang sadya mo? Nakangiti pa ang tito nya sakin..

Ahmm sasabay ko lang po sana si margs..

Ay nako si margs ba? kanikanina lang umalis eh.. sinundo ata nung Ren ba yun?

Ah ganun po ba? ay sige po papasok na po ako. salamat po..  Takte naunahan ako... sayang effort kong maging mabait ay asar talaga..

Nag-text ako kay margs, sinabi kong hantayin ako gate. nag-reply naman kaagad sya ng ok..

Dito nako sa Campus nag-madali akong pumasok asar na asar talaga ako ngayon eh.. nakita ko naman kaagad si margs kaya nilapitan ko na sya.

Margs bakit hindi moko hinantay? Bakit kay ren ka sumabay? Deretsong tanong ko sa kanya.. wala ng isip-isip..

Ah bakit bawal ba? at saka malay kong dadaan ka samin?

Anu malay yan ba dapat ang sagot mo? OO BAWAL KA SUMABAY SA KANYA!! pasigaw kong sabi..

Bakit naninigaw ka? At anong karapatan mong pag-bawalan ako na sumabay kay ren?

Anong karapatan ko? may karapatan ako kasi slave kita! Pasigaw ulit yan..

Ano!? oo slave moko pero wala kang karapatan na pag-bawalan ang private life ko..  hindi moko nabili jems.. medyo natauhan ako sa sinabi nya oo nga hindi ko sya pag-aari.. pero dahil mataas ang ego ko nag-galit galitan parin ako.

So ano gusto mong tangalin na kita sa trabaho mo sakin?

Hindi mo na kailangan tangalin ako kasi ako mismo ang mag-sasabi sayo na aalis nako sa trabaho ko sayo! hindi ko na kaya ang ugali mo jems.. at yung kasunduan namin ng papa mo wala na sakin yun.. mas gugustuhin ko pa na maging mahirap kesa gawin mokong laruang di control na kung ano yung iutos mo ay dapat gawin ko.. alam mo jems pinilit kong intindihin ka eh pero ang hirap ang hirap mong spelengin.. wala kang puso jems..

The More You Hate The More You Love (TMYH,TMYL) ongoing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon