Marg's POV
Ilang araw ko din hindi nakita si Ren matapos nung gabing mag-kasama kami ni jems, hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka talagang nasaktan sya sa nangyare.
Ok Class get 1/4 sheet of paper we have a short quiz..
Huh? patay hindi pa naman ako nakinig.. history kasi ang subject medyo boring kaya hindi ako nakinig, tapos ngayon mag-papa quiz? badtrip naman. it's not fair.
Hindi ka nakinig no? biglang nag-salita si diana. at iniiabot sakin yung papel.
Ah oo eh.. tsk!
Hahaha.. hayaan mo papa kopyahin nalang muna kita best.
Nako wag-na best.. mamaya mahuli tayo damay kapa. deserved ko naman na walang maisagot kasi hindi ako nakinig.
Sure?
Oo naman. sige na sumagot kana. Hindi nalang ako pinansin ni diana at sumagot na sya sa quiz.
Natapos ang klase ng wala akong ginawa..
Best bakit parang may iniisip ka? Tanong ni diana habang nag-lalakad kami papuntang canteen.
Huh? Ay best sorry.. Oo may iniisip lang ako.
Sino ba or Ano?
Sino best..
Oh sino nga? Tanong nya ulit.
Si Ren.. Matipid kong sagot.
Oh ano ba nangyare kay ren?
Wala naman ilang araw ko lang naman na syang hindi nakikitang pumapasok eh. Hindi ko nalang sinabi kay best yung nangyare nung saturday ng gabe.
Huh? Oo nga no? ilang araw narin syang hindi pumapasok nasaan na kaya yun???
Ay best maiwan muna kita uuwi nako kasi masama pakiramdam ko ngayon.. ipaalam mo nalang ako sa mga prof natin.
Ah ok sige.. ingat ka best pagaling ka kaagad.
Sa totoo lang dinahilan ko lang yun. gusto ko lang talagang mapag-isa ngayong araw... nag-lalakad nako papunta sa parking lot ng may biglang tumawag sakin.
Margs saan ka pupunta? mag-ditch ka sa klase? lumingon ako para makita kung sino ang nag-salita.
Jems ikaw pala, Ahmmm oo gusto ko kasing mapag-isa ngayon.
Bakit may problema ba? Gusto mo samahan kita para may kausap ka?
Huh a hindi na. tulad nga ng sinabi ko kailangan ko mapag-isa.
Sige, pero kung kailangan mo ng makaka-usapa just call me or text me ok?
Ah ooo sige, Salamat ah.. sige alis nako jems.
Ok, Ingat ka.
Tinalikuran ko na sya at diretso nako papunta kung saan naka park yung kotse ko. Pag-kasakay ko ng kotse pinaandar ko na ito kaagad kahit wala namang kasiguradohan kung saan talaga ako pupunta, bahala na kung saan man ako dalhin ng sarili ko.
Ren POV
Ilang araw nakong hindi pumapasok nag-papalipas ako ng sakit. Oo nasaktan talaga ako sa nangyare pero wala nakong magagawa kung talagang si
jems ang mahal nya.
Umupo sa isa sa mga upuan sa park, oo nandito ako sa park ngayon, nag-papalipas ng araw payapa kasi rito at higit sa lahat sariwa pa ang hangin.
Inikot ko gung pangin ko sa paligid ng may mahagip ang mata ko na pamilyar kaya tinitigan kong maige. lumapit na ako para makasiguro..
Margs? Sabay hawak ko pa sa braso nito kaya limingon ito.

BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love (TMYH,TMYL) ongoing.
RomanceTotoo nga ba ang kasabihang "The More You Hate The More You Love"? Sabi nila ang mga taong naniniwala sa kasabihan ito ay hindi na lalayo sa mga tao na mahilig sa Fairytail? Totoo nga ba? hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sa kasabihan naya...