Chapter 29 The Boss

90 1 0
                                    

Jems POV

Nag-madali akong paandarin ang kotse ko, hindi ko mapapatawad yung sarili ko na kung dahil sakin may masamang mangyayare kay margs..

margs hantayin mo lang ako malapit nako..

Nandito narin ako sa lugar na sinabi nila sakin, at may nakita akong naka park na sasakyan, baka yan ang ginamit ng mga kumidnap kay margs.. kung ganun sinabi nga nila ang tunay na lokasyon.

Tumakbo nako papasok pero dahan dahan lang kasi nag-iingat din ako.

Nandito kana pala, Jems Mendez leader ng Badluck na dati rin sa UNDERGROUND... nagulat ako dahil babae ang kausap ko ngayon at naririnig kong syaang boss nila, hindi lang yan ang isa pa kilala ko ang babae nato remember Jannele? oo yung pinahiya ko nung unang araw ng pasukan kasama ang tropa ni ken na kala ko kaibigan din namin...

Nasaan si Margs? tanong ko sa kanila at isa-isa silang tinignan ng masama..

Wag ka mag-alala wala kaming ginawa kay margs. tumingin ako kay derick kasi sya ang nag-salita.

Siguraduhin nyo lang na tinupad nyo ang usapan.

Nagulat kaba king? nakaka gulat ba na kameng mga tinuring mong kaibigan ang gagawa sayo ng ganito? tumawa lang ako ng mahina at saka nag-salita..

Ano namang nakakagulat? at saka sino ang nag-sabi sa inyo na tinuturing ko kayong kaibigan? tumawa ulit ako. wala akong kaibigan na mga bakla, tignan nyo nga ang boss nyo babae.. tumawa nanaman ako na parang nang-aasar.. wag nyong sabihin na nag-papauto kayo sa panget nayan?

Aba matapang ka ah? sinuntok ako bigla ni jeff, gaganti sana ako pero natigilan ako kasi hinarap na nila sakin si margs, nakatali sya sa upuan.

Subukan mong gumanti at masasaktan si margs!!! pasigaw na sabi ni ken.

Wag! wag nyo syang gagalawin.. sigaw ko rin.

Sige pahirapan na ang mayabang nayan! Gigil na gigil na sabi ni jannele..

Suntok sa muka at sipa ang inabot ko sa mga loko, hindi ko magawang gumanti kahit gigil na gigil nako ayaw kong masaktan si margs. shet baka masira ang gwapo kong muka sa ginagawa nilang pangbubugbog sakin. palibhasa wala ng sisirain sa muka nila.

Oh bakit hindi ka lumabang hinayupak ka? sigaw ni jerome.

Gago ka pala eh, kung lalaban ako sasaktan nyo si margs diba?! mga bobo. pabulong kong sabi.

Aba mayabang pa ang hinayupak nato na bubugbog na nga.. Sabi ni derick

Alam nyo naman pala!? bakit pa kayo nag-tatanong kung bakit hindi ako nakikipag-laban?

JEMS lumaban ka!!!! sigaw ni margs, lumingon ako at nag smile lang sa kanya..

Wa- wag ka- kang mag a- alala walang kw- kwenta yung suntok ng mga mo- mokong nato.. kahit hirap na akong mag-salita nagagawa ko paring mag-yabang oo masakit na katawan ko pero ayaw ko ipakita lalo na kay margs, ayaw kong mapanghinaan sya ng loob.

Aba nakukuha pang mag-yabang tignan natin kung makapag-yabang kapa matapos kitang hampasin nito.. napatingin ako kay jeff may hawak syang tubo at pinapaikot ikot pa. shet siguradong masakit yan, bulong ko sa sarili ko.

Margs POV

Nakatingin lang ako kay jems at halata sa muka nya na nahihirapan na sya pero pinipilit nya paring itago yun.

Jems please lumaban ka naman sa kanila, maawa ka sa sarili mo, alam ko naman na kayang kaya mo ang mga yan eh..

Oo nga bakit hindi ka lumaban? diba ikaw ang bad boy king? lumaban ka!!! sigaw ni derick...

Tumawa si jems at tumingin kay derick.. Oo totoo kaya ko kayong lahat, kung totoosin kulang pa nga kayo sakin. pero sa ngayon hindi ako lalaban kahit patayin nyo ako ngayon. hindi ako gago para lumaban alam kong sasaktan nyo si margs oras na lumaban ako. Naawa ako kay jems, nag-sasakripisyo sya para sakin. para hindi lang ako masaktan. naiiyak nako pero pinipigilan ko parin tumulo ang luha ko. kasi alam ko naman na sakin kumukuha ng lakas si jems para makayanan ang lahat ng bugbog... Jems Mendez bakit mo ginagawa ang lahat ng to? bakit kailangan mong mag-pakahirap ng dahil lang sakin?

blug!!!!! narinig ko nalang na may kumalabag kaya agad akong natigilan sa pag-iisip, nakita ko si jems naka-handusay na sa lapag at pilit paring tumatayo..

Tama na!!!! tigilan nyo na si jems, tama na please!!! hindi ko na napigilang umiyak, hindi ko na kaya ang nakikita ko.

Bakit nasasaktan kana ba sa mga nakikita mo!? kulang payan! kulang payan kumpara sa ginawa samin ni jems.. Sinampal ako ni jannele at talagang halos mahilo ako sa sampal nayun. pero kahit nahihilo nako tinitignan ko parin si jems na ngayon nakatayu na.

A ano yan- yanlang ba ang kaya ny- nyo? Ang hi- hihina nyo nam- naman pala. Naka ngiti pa sya habang sinasabi nya yon.

Tumigil kana jems!! mapapatay kana nila sa ginagawa mo!!!.. nagawa ko paring sumigaw kahit hilong hilo nako. tumingin sakin si jems at nag-thumbs up pa..

Ok la- lang ako!

Anong Ok!? hindi kana ok!

Ok a- akoh kas- kasi alam kong o- ok ka..

Tama na ang drama! sige tuloy nyo na ang pag-papahirap dyan. Papaluin na ulit si jems ng tubo ni jeff pero agad akong tumalon paharang kay jems kahit nakatali ako sa bangko nagawa ko paring makatalon sa pwesto ni jems para masalag yung hampas ng tubo sa kanya. nakaramdam nalang ako ng pag-agos ng dugo mula sa ulo ko at nag-didilim narin ang paningin ko..

Ahhhhhhh!!!!!!!! narinig kong sigaw ni jems at tumayo na ito at nakipag-suntukan narin. sya rin namang bukas ng pinto at niluwa nito ang 3 sa badluck. nag-didilim na talaga ang paningin ko kaya pumikit nako boses at ingay nalang ng mga nag-kakalampugan na bagay ang naririnig ko. pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay may bumuhat na sakin at tinatawag ang pangalan ko at alam kong si jems yun.

Margs gumising ka, margs! tinapik tapik pa nito ang pisnge ko, kaya pinilit kong dumilat. nakita ko si jems na alalang alala ang istura.

Salamat!! margs ok ka lang? margs wag-mokong iiwan.. mahal kita margs. wag ka muna mamamatay.. kahit hirap na hirap akong mag-salita pinilit ko parin.

Loko ka no? pa- patay kagad? bu-buhay pako.. ngumiti lang sya at gwapo parin sya kahit bugbog sarado na. ga-galit ako sa- sayo, bakit hin- hindi ka lu- lumaban kanina?

Sasaktan kita kapag-lumaban ako margs at ayaw kong mangyare yun. kaya kahit ako nalang ang tumanggap ng lahat ng sakit sa katawan ok lang basta alam kong safe ka.

Ma- may nagawa ba yu- yung hindi mo pa-pag laban? na- nasaktan lang tayo pareho.. hindi sya umimek at yumuko nalang..

Pero sa-salamat a- at pinuntahan mo a- ako dito, hin- hindi ko akalaing ga- gagawin mo to.

Sshhhh!!! mag-pahinga kana, isipin mo nalang na bawi ko to sayo at... hindi na sya nag-salita kaya ako na ang nag-salita kasi alam kong mawawalan nako ng malay.

Ma- mahal k- kita Jems, o- oo mahal di- din kita Jems Mendez..

AN: update lang po.. sana may bumabasa pa! hehehe..

comment and click the botton like naman dyan guys.. :)

sa mga bumabasa po!!! MARAMING SALAMAT po!!!!

mr.p

The More You Hate The More You Love (TMYH,TMYL) ongoing.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon