Margs POV
Pag-mulat ko ng mata matapos ng mahabang kadiliman, kulay puting kisame na ang tumambad sakin. Balak ko sanang tumayo pero bigla nalang sumakit ang ulo ko dahilan para mapa-ungol ako ng mahina.
Oh gising kana pala? agad akong lumingon sa kung sino ang nag-salita.
Jems? bakit nandito ka? anong ginagawa mo dito?
Diba halata? binabantayan kaya kita.
Oo alam ko binabantayan moko pero bakit? ngumiti sya at tumingin sakin.
Ano sa tingin mo ang dahilan?
Ewan ko? ay oo nga pala nabugbog karin diba? magaling kana ba? tinignan ko yung muka nya at nakita ko na marami rin syang ban aid at kung ano-ano pa sa muka nya. pero gwapo parin sya kahit bugbog na.
Wag kang masyadong tumitig sakin alam kong pogi parin ako kahit na marami pa akong ban-aid sa muka.... Nagulat ako sa sinabi nya at nanlaki ang mata. masyado ata akong natulala sa kanya.
A a- anong pinag-sasabi mong nakatitig!? hindi kita tinititigan.. Sumasakit ang ulo ko sa lalakeng to eh tsssk.
Ok hindi kung hindi. mag-pahinga kana nga! baka mabinat kapa kasalanan ko pa..
Kakagising ko lang, matutulog nanaman?
Oo nga pala no? ok sige kumain ka nalang, teka susubuan kita.
Wag muna akong subuan kaya ko mag-isa..
Kaya mo?
Oo....
Talaga?
Oo nga sabi! napasigaw nako, ang kulit kasi nya eh..
Kahit mawala ako? natigilan ako sa sinabi nya at napa-isip..
Oh diba hindi mo kayang mawala ako sayo? bumalik na ulit ako sa ulirat..
Anong hindi kaya!!!? kahit wala ka kaya ko...
Ako hindi, hindi ko kayang mawala ka sa buhay at paningin ko.. napatingin ako sa kanya, seryoso ang itsura nya habang hinahanda ang kakainin ko.
Ano bang sinasabi mo jems?
Mahal mo rin naman ako diba? natigilan ako sandali..
Jems oo mahal din kita.. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya yun. Basta ang alam ko lang ngayon ay mahal ko na sya, na hindi ko kakayanin ang mawala sya.. bahala na! ang mahalaga ngayon mahal namin ang isat-isa..
Mahal mo din ba ako jems?
Oo margs mahal na kita, tulad nga nung sinabi ko sayo. hindi ko alam kung pano to nag-simula basta ang alam ko ikaw ang mahal ko at wala ng iba.. yinakap nya ako bigla at pakiramdam ko lumulutang ako sa ere at talagang napakasaya ng ko ngayon, aaminin ko na oo mahal ko ang badboy king nato.
Ren POV.
Narinig ko ang lahat ng napag-usapan ni jems at margs. Hindi ko naman sinasadya mapakinggan yun pero talagang hindi ko napigilan ang makinig. At matapos nga ng mga narinig ko ni hindi ko na nagawang pumasok sa kwarto kung saan naroon yung dalawa. nag-lakad nalang ako palayo sa ospital at nag-punta kung saan.
Habang nag-lalakad dinala ako ng paa ko sa isang park malapit sa ospital, minabuti kong umupo sa isa sa mga upuan na nandun. pag-upo ko saka ko lang naramdaman na wala na, oo wala nakong pag-asa sa puso ni margs sila na ni jems at hindi ko na mababago yun.
Mukang malungkot ka mr.mendez? tinignan ko kung sino ang nag-salita..
Sorry miss kilala ba kita? maganda sya pero mukang mataray.
Ang bilis mo naman makalimot mr.mendez? nag-kita na tayo sa Sierins University.. inisip ko kung talagang nag-kita na nga ba kame sa campus?
Ay oo nga! sorry ikaw nga pala yung masunget na naka-banggaan ko sa sierins.
Masunget kaagad?
Oo totoo naman ah?
Sabagay.. by the way ako nga pala si Lormin Carlos classmate ako ni jems yung pinsan mo.
Ah ok nice to meet you, ako nga pala si Ren.. iniiabot ko ang kamay ko sa kanya at nakipag-shake hands..
Mukang nag-iisa ka at malungkot?
Ah oo nag-iisa nga lang ako. pero hindi naman ganun ka lungkot... tinignan ko si lormin at nakita ko sa mata nya ang lungkot. natatago nya ito sa pamamagitan ng masunget na ugali pero hindi maitatago ng mata nito ang lahat ng lungkot na nararamdaman nito.
Wag mokong titigan, nagagandahan ka sakin no? Natawa ako sa sinabi ni Lormin, pero aaminin ko maganda talaga sya.
Mag-sisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ka maganda. tumawa ako ng mahina..
Sinasabihan moko ng maganda pero tinatawanan mo rin ako? iba ka rin no? natawa nanaman ako, ewan ko ba ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
Friends? inabot ko sa kanya yung kamay ko para makipag-friends sa kanya. tinignan nya muna ito at saka iniabot ito.
Friends ok.. Ngumiti sya sakin at lalo syang gumaganda kapag-nakangiti sya.
Lormin's POV
First move, makipag-kaibigan sa mga kaaway para makalapit sa mga ito. kailangan ko lang makuha ang loob nila at ng sa ganun magawa ko ang mga balak ko, hindi ako papayag na mapunta si jems kay margs.. hindi!!!
May iniisip ka? kasama ko ngayon si ren yung pinsan ni jems at sya ang gagamitin kong tulay para makalapit kay jems.
Ah- ah wala, nagugutom lang siguro ako?
Ganun ba? tara kain tayo? sasama kaba sakin?
Oo naman kaibigan tayo diba?
Oo nga pala. Sabay tawa nanaman sya. naguguluhan nako sa tao nato panay tawa parang may saltek.
Oh tara na?
Oo tara.. Nag-smile ako para good girl ang dating ko. humanda ka margs hindi pa tayo tapos, akin lang si jems hindi sya mapapasayo, aagawin ko sya sayo. kung kinakailangang mawala ka sa mundo gagawin ko mailayo lang kita kay jems..
AN: update again.. gusto ko ng matapos to eh.. :)
Salamat sa mga nag-babasa, sana vote nyo din at higit sa lahat comment naman po. :)
Mr.P
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love (TMYH,TMYL) ongoing.
RomanceTotoo nga ba ang kasabihang "The More You Hate The More You Love"? Sabi nila ang mga taong naniniwala sa kasabihan ito ay hindi na lalayo sa mga tao na mahilig sa Fairytail? Totoo nga ba? hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sa kasabihan naya...