Jems POV
.
.
.
.
.
Ang aga ko nagising siguro namamahay ako pero ang sarap palang gumising ng maaga kapag sa ganitong lugar, sumilip ako sa bintana nakita ko na ang dami ng gising at kanya kanya na ng gawain ang mga tao.
.
"Sipag ng mga tao dito no?" naka smile sakin si margs nasalikod ko na pala sya. "Oo nga eh, ang sisipag malayong malayo sa mga tao sa maynila." "Ganun talaga dito kung kinakailangang kumayod na parang kalabaw dapat gawin mo." nakatingin lang ako sa mata ni margs ng mga oras nayun at ramdam mo na masaya talaga sya.
.
"Oo nga pala mamaya i papasyal mo kaming tropa diba?" tumingin ulit sya sakin ng naka ngiti. "Oo naman akong bahala sa inyo dito." first time naming mag-bakasyon sa ganito kalapit, kadalasan sa ibang bansa ang punta naming tropa kapag-summer pero kakaiba ngayon.
.
"Anak tulungan mo naman akong mag-sibak ng kahoy." napatingin kami ni margs sa baba, tumingin ulit ako kay margs. "Tawag ka ni papa tulungan mo daw sya." "Huh? eh, hindi ako marunong ng sinasabi nya." tumingin ulit ako kay tito. "Ah sige po bababa nako dyan."
.
No choice kahit hindi ko alam kung paano pero titignan ko parin kung kaya ko? ayaw kong mag-mukang kahiya hiya kay sa papa ni margs. "Jiho alam mo naba kung pano?" umiling lang ako bilang sagot.
.
Tumawa yung papa ni margs sa sagot ko. "Anak mayaman ka nga, ok ganto lang." pinakita nya kung pano nya sinibak yung kahoy. "Oh alam mo na? tanong ulit ni tito. "Ahmm opo kaya na po yan." kahit nag-aalangan pa talaga ako.
.
"Sigurado ka?" "Oo naman po." tapos sabay hawak ng itak.. tinantya ko muna kung sakto na sa gitna yung tatamaan ko ng itak, ayan sakto na siguro to? sabay bagsak ng hawak kong itak sapul sa gitna yung kahoy. tuwang tuwa ako para akong nanalo sa loto sa ginawa ko nag-tatatalon pa talaga ako sa tuwa.
.
"jiho bakit parang tuwang tuwa ka?" oo nga bakit parang tuwang tuwa ako? sabagay first time. "eh, first time ko po kasing mag-sibak ng kahoy." natawa yung papa ni margs sakin. "Nakikita ko nga, anak mayaman ka talaga."
.
"Sige jiho pumasok kana sa loob at mag-almusal." masyado atang halata na first time ko. natawa nalang ako sa sarili ko. "Hindi nyo na po ba kailangan ng tulong?" tanong ko ulit dito. "Hindi na jiho kayang kaya ko na to, sige na pumasok kana sa loob." "Sige po." pumasok na nga ako sa loob.
.
"Bakit parang ang saya mo ata pards?" tanong kaagad sakin ni jhopet. "Ah oo kasi nag-sibak ako ng kahoy kanina." nag-taka naman yung muka nya. "wag mo nalang isipin yun." "Ok, ay pards tara na daw at mag breakfast kasi sabay-sabay daw dito kapag-nag breakfast."
.
"Ok sige tara na doon."
.
Margs POV
.
.
.
.
.
Kanya kanyang usap habang nag-breakfast, ngayon lang naging ganto kaingay sa bahay, napatingin ako kay lormin ang sweet nila ni Ren habang tinignan ko sila naiisip ko na bagay pala sila, para silang nakalaan sa isat-isa.
.
"jiho maganda ba ang anak ko?" nagulat kaming lahat sa tanong ni papa kay Jems halos lahat kami napatingin sa kanilang dalawa, tumingin muna sakin si Jems nakatitig lang sya sakin ng naka smile. "Sobra po sobrang ganda." Sinabi nya yun ng nakatitig sakin, pakiramdam ko namumula na yung muka ko sa hiya.
.
"Uiiiii... ang sweet." sabay sabay ng sigaw ng lahat. ayun nahiya na talaga ako. tumingin nalang ako kay Jems ng naka smile. "Thanks my king." yun nalang yung nasabi ko.
.
"Hoy tama nayan nahiya naman yung antik sa inyo oh." sabay tawanan silang lahat sa sinabi ni alfred kahit sila mama at papa tumatawa din. "Bilisan nyo na nga lang mag-almusal ng makapasyal na tayo." yan nalang yung nasabi ko hindi ko na kasi alam kung ano yung sasabihin.
.
Tapos na kami mag-breakfast ready narin kami para pumunta sa bayan at ipasyal ang mga kasama ko. "Ma alis na po kami." paalam ko kay mama. "Sige anak mag-ingat kayo at mag-enjoy." paalis na sana kami ng bumanat pa si Jems. "Mom ay este tita, makasama ko lang po yung anak nyo kahit sa pinaka pangit na lugar pa kami mapunta mag eenjoy parin ako." ayun tameme nanaman ako tapos kantyaw nanaman ng tropa.
.
"Hoy tama na ang kalandiaan tara na." sigaw ni best diana na nakangiti din. "Ingit ka lang kasi walang ka sweetan yang boyfriend mo sa katawan." sagot naman ni Jems tumawa nalang si alfred at si diana. sumakay narin kami para makaalis na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
AN: Update lang po..
salamat sa mga bumabasa parin. :)
mr.p
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love (TMYH,TMYL) ongoing.
RomanceTotoo nga ba ang kasabihang "The More You Hate The More You Love"? Sabi nila ang mga taong naniniwala sa kasabihan ito ay hindi na lalayo sa mga tao na mahilig sa Fairytail? Totoo nga ba? hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko sa kasabihan naya...