Chapter 33 : Truth

1.5K 32 0
                                    

DeeJhay's Pov

Hindi ko alam kung may problema ba si Kathy. Wala siyang sinasabi pero ramdam kong may problema siya.

"Grabe talaga iniwan na lang kami basta ni Kathy ng walang paalam."Julia sabay upo sa tabi ni Diego.

Agad naman akong napatingin sa kanya.

"Yung girlfriend mo, tulaley kanina habang nagkaklase. May problem ba kayo nun?"Janella

Umiling lang ako sa kanya.

"Wow! Saan mo naman nahagilap ang salitang tulaley? Sa pagkakaalam ko language yun ng mga beki."Julia sabay taas ng kilay.

"Conyo ka na nga, Gumagamit ka pa ng Language ng Beki."Chie

Nagtawanan naman kami, except kay Janella namumula na sa inis.

"Chill Janella. Nagsasabi lang siya ng totoo. Kilala naman natin si Chie diba? Masyado siyang prangka."Elmo

Sinamaan lang siya ng tingin ni Janella.

"Ang sama sama niyo sa akin."Janella sabay punta sa kama niya at nagtaklob agad ng kumot.

"Bawas bawasan mo nga pagkaprangka mo."Ako sabay bato sa kanya ng chips na kinakain ko.

"By the way. Bakit nga pala tulala si Kathy?"Diego

Nagkibit balikat lang ako.

Simula kasi nung araw na pumayag akong magmall sila ni Greyson ay masyado siyang nagiging lutang LAGI.

"Wala ba talaga kayong problema?"Alex

"Wala nga. Ang kulit mo."Iritable kong saad.

"Paano kaya kung bumalik yung Leader nung Black Phantom noh?"Julia

Agad naman akong napatingin sa kanya.

"Patay na yun. Hindi na babalik yun. Alangan namang bumangon yun sa hukay."Diego

"Tsk! Tsk! Walang nakakaalam kung buhay o patay yung Leader ng Black Phantom."Diego

Paano nga kaya noh? Ito na nga ba yung kinatatakutan ko para sa kanya.

Kathy's Pov

Mabilis lumipas ang oras. Uwian na. Agad akong lumabas ng room at nadatnan ko si DeeJhay na nakasandal sa pader.

"Bakit hindi mo sinabing may problema ka?"DeeJhay habang hindi pa rin nakatingin sa akin.

"Wala akong problema."Ako sabay talikod sa kanya. Lalakad na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Natatakot ako para sayo, Paano kung bumalik siya para maghiganti sayo? Hindi ko kakayanin yun."DeeJhay

Tiningnan ko lang siya at umiling.

"Wag kang matakot para sa akin, dahil ako hindi ako natatakot na sumulpot na lang siya basta. Handa akong harapin siya. Wag na wag kang matatakot para sa akin dahil kakampi ko si Kamatayan. Pero hindi pa ako handang sumama kay kamatayan."Ako sabay tagtag ng kamay niya sa kamay ko at lakad palayo.

Ayokong madamay ka.

Pagdating sa parking lot agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurut ito papunta sa condo ni James.

James's Pov

Nanunuod ako sa sala ng biglang may nagdoorbell.

Agad ko namang pinatay ang tv at agad din naglakad papuntang pintuan.

Binuksan ko ang pinto ko at nakita ko lamang ang taong nag-utos sa akin na kaibiganin ko si Kathy.

"Anong ginagawa mo dito?"Ako sabay papasok sa kanya at sarado ng pinto.

"Kailangan nating mag-usap."Brett

"Wala na tayong dapat pag-usapan."

"Bakit? Nahulog ka na sa kanya."Brett

Umiling lang ako.

"Bestfriend kita James, alam mong ayaw kong tinatraydor ako."Brett sabay tap ng balikat ko. "Inutos ko Lang sayo na kaibiganin siya. Hindi ibigin."

"Sinabi ko rin sayo nawala na yung inutos mo."

"Matapang ka na, Hindi mo alam kung anong sakripisyo ang ginawa ko para maging leader ng isang gang. Kaya wag na wag mo akong tatraydurin."Brett

"Hindi ko ginusto ito, wala akong paki noon kung ano ang kalalabasan ng ginawa ko. Ang tanga ko kasi sumunod ako sa inutos mo. Mabait si Kathy. Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa kanya."

"Mabait nga siya, pero hindi yun takot kay kamatayan. Anak nga ata ni kamatayan yang si Kathy. Ang tanga ko kasi nagawa ko pang mahalin ang taong kayang pumatay para sa trono."Brett

Tiningnan ko siya at umiling.

"Wala kang alam."Sigaw ni Brett

"Marami akong alam, Brett. Alam ko kung bakit mo shinota si Kathy. Shinota mo siya para makuha ang gusto mo. Anong akala mo ikaw lang ang malinis sa atin?"Sigaw ko sa kanya.

"Pinapapatay ko siya sayo, kaya wag mo siyang ipagtanggol."Sigaw niya din.

Iimik na sana ako ng biglang may bumagsak. Tiningnan ko kung ano yung bumagsak yung vase.

Tumakbo ako palabas ng condo ko at nakita ko si Kathy'ng nakasakay sa elevator.

Hindi pwedeng narinig niya lahat.

Agad akong nagtatakbo papuntang hagdan. Hindi pwede ito.

Kathy's Pov

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko pagkatapos kong marinig lahat ng pinag-usapan nila. Kung hindi pa pala ako pupunta kay James hindi ko malalaman ang lahat.

Naiinis, nagagalit. Hindi ko na alam kung ano pa bang mararamdaman ko.

Sasakay na sana ako sa kotse ng may humawak sa kamay ko.

Nilingon ko ito at nakita ko lang naman ang taong gusto akong patayin.

"Bitawan mo ako."Diin kong saad

"Hayaan mo akong magpaliwanag."James

"Paliwanag? Narinig ko ng lahat. Hayop ka. Hindi ko alam kung bakit mo nagawa ito. Huh! Sumabwat ka pa talaga kay Brett. Hindi nga pala kayo magkasabwat, magkakampi slash magbestie. Hayop kayo. Inutusan ka niyang patayin ako diba? Bakit hindi mo gawin ngayon? Patayin mo na ako. Hayop ka."Ako habang naiyak.

"Sorry Kathy."JAmes

"Anong magagawa ng p*ta mong sorry ha? Dapat hindi ako nagtiwala sayo. Hayop ka. Lahat pala ng pinapakita mo sa akin ay para lang sa plano mo."Ako sabay pasok sa kotse ko. Pinahidan ko muna ang luha ko at tsaka pinaharurut ang kotse ko paalis ng impyernong yun.

"Hindi ko ginusto ito, wala akong paki noon kung ano ang kalalabasan ng ginawa ko. Ang tanga ko kasi sumunod ako sa inutos mo. Mabait si Kathy. Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa sa kanya."

"Mabait nga siya, pero hindi yun takot kay kamatayan. Anak nga ata ni kamatayan yang si Kathy. Ang tanga ko kasi nagawa ko pang mahalin ang taong kayang pumatay para sa trono."

"Marami akong alam, Brett. Alam ko kung bakit mo shinota si Kathy. Shinota mo siya para makuha ang gusto mo. Anong akala mo ikaw lang ang malinis sa atin?"

"Pinapapatay ko siya sayo, kaya wag mo siyang ipagtanggol."

Itinigil ko muna ang kotse ko sa isang tabi.

"Ahhh! Ayoko na."Sigaw ko habang pinapalo ang manabela.

Hindi ko na sana siyang pinagkatiwalaan.

Π_Π_Π_Π_Π_Π_Π_Π_Π_Π_Π_Π_Π_

Sana nagustuhan niyo.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon