Janella's Pov
Ang weird lang ha! Ang tatahimik nila ngayon. Actually kahapon pa nga ee. Tinatanong namin kung bakit pero hindi sila sumasagot.
"Hoy! Kahapon pa kayo ahh. Bakit ba? Anyare?"Julia habang nakain ng chips.
Kahit kelan talaga itong babaitang ito. Napakatakaw.
Hindi nila sinagot si Julia, Tumayo sila at naglakad palabas ng HQ.
Anyare?
"Tara na nga, kung ayaw nilang sabihin bahala sila."Julia sabay labas ng HQ.
Sumunod naman kami sa kanya dahil baka late kami.
"Bakit kaya hindi na bumalik si Kathy kahapon noh?"Julia
Nagkibit balikat lang kami sa kanya.
Speaking of Kathy. Nagtataka nga ako kasi hindi na siya bumalik kahapon. Tas yung sila Diego ee ang tahimik tahimik. May alam kaya sila na hindi namin alam.
"Hoy! Gaga. Were here na. Baka naman gusto mong pumasok."Saad ni Chie
Pumasok ako at umupo sa upuan ko. Tiningnan ko yung upuan ni Kathy pero bakante yun. Hindi na naman ata papasok ang gaga.
Pumasok na yung prof tiningnan ko kung may kasunod ba pero wala.
Itinuon ko na lang sa dinidisscuss ang isip ko. Nagdidisscuss si Prof ng biglang..
Pumasok si Kathy ng wala man lang sinasabi sa prof. Umupo ito sa upuan niya at tumingin sa bintana.
"Ms.Fernandez, Please kindly stand up."Prof
Tiningnan lang siya ni Kathy at naub ub.
Hindi na lang siya pinansin ni Prof at nagdisscuss na. Pinagmasdan ko si Kathy. Makikita mo sa itsura niya na may nangyari. Halata din sa kanyang nakainom siya dahil pansin ko na yun nung pumasok siya tas idagdag mo pa ang suot niya. Nakaripped jeans siya tas nakablack v-neck shirt tas nakablack na sapatos. May lamay ba at itim na itim siya?
Natapos ang klase na hindi ko inalis sa kanya ang paningin ko.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
Kinulbit ko ito at nag angat naman siya ng tingin. Isang masamang tingin.
"A--Akala ko hindi ka na papasok. Late ka lang pala."Bakit ako nauutal? Dahil ba sa masama niyang tingin.
Hindi niya ako pinansin at tumayo ito. Lalakad na sana siya ng hawakan ko ang braso niya.
"Bitawan mo ako. Wag na wag mo akong hinahawakan."Saad niya saka siya lumabas.
Halata ko sa pananalita pa lang niya ay galit siya. Hindi ko alam pero bigla na lang ako nagtatakbo papunta sa HQ.
Hingal na hingal akong pumasok ng HQ. Nadatnan ko sila Elmong nakatulala na parang may malalim na iniisip.
Bumuntong hininga muna ako bago ako lumapit sa kanila. Umupo ako sa sofa at pinagmasdan sila.
"May hindi kayo sinasabi?"
Nagulat sila ng makita nila ako. Hindi ako multo para kagulatan.
Iimik sana si Elmo ng pumasok sila Chie dala dala ang bag ko.
"Hoy! Napakagaga mo noh! Pagkatapos mong kausapin si Kathy bigla bigla ka na lang tatakbo papunta dito. Bakit ba? Naguguluhan na kami."Julia tas binaba niya ang bag niya at saka nagcross arms.
"Nakausap mo si Kathy?"Gulat na tanong ni Alex. Tumango ako.
"Nakainom pa nga nung pumasok ee tas tinulugan lang yung buong klase."Chie
Napansin niya rin yun.
Hindi umimik sila Elmo.
"May hindi kayo sinasabi?"Chie
Agad naman silang napatingin sa amin.
"Narinig lahat ni Kathy."Alex
"Ang alin?"Takang tanong ko
"Yung dare, akala niya pinalano namin lahat. Iniisip niya rin siguro na kaya niyo siya kinaibigan para magawa ni DeeJhay yung dare."Paliwanag ni Diego
My ghad! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kiniwento na ni DeeJhay samin yung tungkol sa dare at ang sabi niya ay matagal na niyang natapos yun dahil nahulog siya kay Kathy ng hindi niya inaasahan.
"Yan yan ang sinasabi ko sa inyo. Dapat kasi hindi na kayo ng dare dare pa. Paano ito? Galit na sa atin si Kathy."Saad ko
"Alam namin pero matagal ng tapos yung dare. Naikwento ko na naman yun diba."Saad niya
"Kiniwento mo na nga, Pero hindi naman natin alam na hahantung sa ganito to."Sigaw ni Julia
Alam kong nagsisisi sila. Pero sana hindi na lang nila ginawa yung dare yan.
Kira's Pov
Tatlong araw ng matamlay si Kathy. Ngumingiti siya pero alam naming lahat na peke yun. Tatlong araw na ring siyang pumapasok pero tumatawag dito ang mga prof nila at sinasabing nakainom si Kathy tuwing pumapasok. Gabi na rin kung umuwi siya.
"Kira, Gisingin mo na si Kathy. Malalate na siya."Sigaw ni Aria galing sa kusina.
Tumayo ako at umakyat sa kwarto ni Kathy. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niya si Kathy. Mapupungay ang mata. Malaki ang eyebags. Pugto ang mata. At mukhang bruha dahil sa sobrang gulo ng buhok.
"Kathy."Pagtawag ko sa kanya. Pero nilagpasan niya lang ako.
Sinundan ko siya pababa. Dumiretso ito sa kusina. At laking gulat ng lahat ng makita nila si Kathy.
"Kathy, Sabi nung mga prof mo pumapasok ka daw ng nakainom."Aria habang nasubo
"Wala silang paki."Walang gana niyang saad saka kumain.
Pinagmasdan ko lang siyang kumain. Nang matapos siya lumabas na siya ng kusina. Hinabol ko siyang nagtingin at ng mawala na siya sa paningin ko ay agad akong humarap kila Aria.
"She's mess."Simpleng saad ko
Hindi sila sumagot, dahil kahit ako hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.
Umupo ako sa tabi ni Kenneth at saka siya tiningnan. Alam kong may alam siya dahil siya ang laging nakakasama ni Kathy.
"Wag mo akong tingnan ng ganyan. Lagi niya nga akong kasama pero wala siyang nababanggit."Kenneth
Tiningnan lang ee. Hindi pa nga nagtatanong.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•