Epilogue

1.8K 26 0
                                    

O N E Y E A R L A T E R

DeeJhay's Pov


Sabi nila pag nawala na daw o namatay ang isang tao ay makakalimutan mo daw.

Pero para sa akin pag nawala na o namatay na ang isang tao ay hindi mo siya makakalimutan dahil mahal mo siya.

Kanina pa kaming naghihintay kay Inigo dito sa labas ng airport. Nakaupo ako sa hood habang si Steffanie naman ay nasa loob ng kotse pero bukas ang pinto.

"Daddy DeeJhay, Ang tagal naman po ni Daddy Inigo."Pagmamaktol niya

"Malapit na yung lumapag."Saad ko pa

"Im hungry."Saad pa niya

"Sigee kain muna tayo. May nadaanan tayong malapit na mall dyan. Kumain muna tayo tsaka tayo bumalik dito. Okey ba?"Saad ko pa at saka ako pumasok sa kotse.

Sinarhan naman niya yung pinto ng kotse at saka ko pinaandar. Pagkarating namin sa mall ay agad siyang nagyaya sa KFC.

"Sit here okey. Daddy DeeJhay buy a food for us."Saad ko at sumunod naman siya. Tinap ko muna ang ulo niya at saka lumapit sa counter.

"What is your order Sir?"C.G

"Hmm. Yung bucket family yung for two people."Saad ko at saka siya binayaran. Pagkabayad ko ay agad akong bumalik sa pinag-iwanan ko kay Steffanie.

"Did you miss Mom, Daddy?"Tanong niya pagkaupo ko

"I miss her sweetie. You too? You miss her right?"Tanong ko naman sa kanya at nakangiti naman itong tumango

Dalawang beses ng nawalan ng nanay si Steffanie. Pinipilit naming puwangan ang pagmamahal na kayang ibigay ni Kathy sa kanya kung nabubuhay siya ngayon. Binibigay namin ang lahat ng kailangan niya at kung ano man ang bagay na gusto niya.

Nung una naming ipaalam sa kanyang patay na si Kathy ay nakangiti pa ito at tanggap na tanggap pero kalaunan ay nakikita namin itong tahimik na nakaupo sa isang tabi at tahimik ring umiiyak. Tuwing makikita namin siyang umiiyak ay bigla bigla na lang itong ngingiti.

Sa lumipas na isang taon ay laging nababanggit ni Steffanie si Kathy, walang araw na hindi niya binabanggit ang pangalan nito. Minsan ay dinadala namin siya kila Julia at nakikipaglaro naman siya kay Annika pero minsan ay ayaw niyang lumalabas siya.

Tuwing namimiss niya si Kathy ay pumupunta kami sa cementery para dalawin siya.

"But if mom did not died Grandma and Grandpa did not died too."Nalulungkot niyang saad

Tama. Namatay ang Mommy ni Kathy dahil sa depression dahil sa pagkamatay ni Kathy at yung Daddy naman niya ay inatake sa puso at kalaunan ay binawian na din ng buhay.

Magkakatabi ang puntod nilang pamilya. Kaya pag dinadalaw namin si Kathy dinadalaw na rin namin ang Grandma at Grandpa ni Steffanie.

"Sweetie, may bagay/tao talagang akala mo permanente na pero malalaman mo na lang na mawawala sila."Saad ko pa at sakto namang dating ng pagkain namin.

Habang nakain kami ay nakatitig lamang ako sa kanya. Nakuha niya ang mukha ni Kathy. Kamukhang kamukha niya ito.

Pagkatapos namin kumain ay nagyaya itong maglaro muna tutal naman ay hindi pa tumatawag si Inigo ay pumayag na ako.

Nang matapos siya sa paglalaro niya ay naupo kami sa bench.

"Im tired Daddy. If Mom is alive she's here. Enjoying our company."Nakangiti niyang saad.

"Kung andito man siguro siya ay para tayong perfect family. At wala man siya sa tabi natin ngayon ay alam kong nakamasid lamang siya sa itaas. Pinapanuod niya tayo dun."Saad ko pa at saka ngumiti. Ngumiti naman siya sa akin.

Niyakap ko siya at ganun din naman siya.

Nasa ganun kaming posisyon ng biglang magring ang phone ko.

"Your Daddy Inigo is Calling. I'll answer it muna okey."Saad ko at saka sinagot ang tawag.

"Hello."Pagbungad ko

"Hello ka dyan. Nasaan kayo?"Tanong naman niya

"Nasa mall."Saad ko

"What?"Gulat pa niyang saad

"Yup. Andito kami sa Mall. Why?"Tanong ko pa

"Anong Why ka dyan? Ano namang ginagawa niyo dyan? Diba dapat andito kayo sa airport at hinihintay ako."Saad naman niya

"Nagutom kasi kami kakahintay sayo kaya nagmall kami. Tsaka naglaro si Steffanie dito. Nainip kakahintay sayo."Natatawa kong saad

"Sigeee na. Sunduin niyo na ako. Hintayin mo niyo ako sa labas ng airport okey."Saad niya at saka ako pinatayan ng phone.

Tingnan mo yung taong yun. Tss.

"Andun na daw ang Daddy Inigo mo. Tara na."Saad ko at saka siya kinarga.

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay hindi maiwasang magbulungan ng mga nadadaanan namin.

"Grabe ang gwapo pa rin ni DeeJhay Padilla noh!"

"Ang ganda pa ng anak ni Kathy."

"Sayang nga lang ee. Namatay kasi si Kathy."

Ilan lamang ang mga yan sa narinig ko.

Pagkadating namin sa parking lot ay agad ko siyang sinakay sa passenger seat.

Pagkasakay ko sa kanya sa passenger ay agad naman akong sumakay sa kotse at saka pinaandar pabalik sa airport.

"Daddy DeeJhay."Pagtawag niya sa akin

Tiningnan ko naman siya.

"What is it Sweetie?"Tanong ko sa kanya

"Hindi po ba kayo magagalit sa mga taong pinag-uusapan tayo."Saad pa niya

"Wag na lang natin silang pansinin. Wala lang talaga silang magawa kaya nila tayo napapansin."Simpleng saad ko at dun lamang napasin na andito na pala kami sa airport.

"Were here. Tara na at sunduin ang pinakamamahal nating Daddy."Natatawa kong saad

Tumawa naman siya. At saka kami bumaba.

Hinintay pa namin si Inigo. Nakaupo ako sa hood ng sasakyan ko at si Steffanie naman ay nakasandal sa kotse ko habang nakacross arms.

Maya maya pa ay ..

"Mommy."

Napatingin naman agad ako kay Steffanie. Nakatingin ito sa isang babaeng blondena ang buhok.

Blondena?

Nakatalikod ito sa amin kaya hindi namin makita ang mukha.

"She's not your Mom."Saad ko pero umiling lang si Steffanie.

"MOMMY."Sigaw ni Steffanie

At parang nagslow motion ang lahat. Yung paglingon nung babaeng blondena sa gawi namin ay nagslow motion.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ibang iba na siya. Sumexy ito, Mahaba ang buhok nito at kulot sa dulo. Blondie ang kulay ng kabuuang buhok niya. Maputi siya hindi tulad noon.

Nakangiti itong nakatingin sa amin at saka pumasok sa van.

KATHY?

IKAW BA YAN?

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

T H E E N D

Sana ay nagustuhan niyo ang ending.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon