DeeJhay's Pov
Kanina pa kaming kumakain pero hindi pa rin bumababa si Kathy.
"Julia, Katokin mo na si Kathy."Saad ni Chie
Tatayo na sana siya ng pumasok si Kathy.
"Anyare sayo? Pugto ang mata, gulo ang buhok."Saad ni Julia
Tiningnan lamang siya nito at naupo sa tabi ni Zyrus.
"Hey, Anyare?"Panggagaya niya sa sinabi ni Julia.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Julia.
"Wala. Nakakaiyak lang yun napanuod ko kagabi."Saad niya at nag-umpisa ng kumain.
Pinanuod ko naman siyang kumain.
"Nagmovie marathon ka?"Rinig kong tanong ni Chie.
Tumango naman ito. Hindi na siya ulit tinanong nila Julia.
"Wag mong titigan. Kung ice cream yan tunaw na yan."Bulong ni Elmo
Agad akong tumingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"May office day ka ngayon?"Tanong sa kanya ni Janella
Umiling lang siya. Ang weird lang ha. Kanina pa siyang tango ng tango o di kaya'y Iiling.
"So kung ganun mall tayo."Pagyaya ni Chie
"Ayoko magmall kakapunta ko pa lang kahapon. Baka umuwi na ako pagkatapos kong kumain."Walang gana niyang saad
Hindi na lang umimik si Kathy at kumain na lamang.
Tiningnan ko ang pagkain ko. Hindi pa rin nangangalahati pero kanina pa akong kain ng kain.
Napabalik ako sa reyalidad ng biglang tumayo si Kathy. Sinundan ko yun ng tingin.
Kathy's Pov
Pagakyat ko agad akong naligo at nag-ayos. Pagkatapos kong mag-ayos at ayusin ang gamit ko ay bumaba na ako. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa kanila dahil alam na naman nilang uuwi ako.
Pagkadating ko sa tapat ng kotse ko ay agad akong sumakay at pinaandar ito.
Pagdating ko sa condo nadatnan ko si Ethan na naglalaptop. Umupo ako sa tabi nito at sumandal sa balikat niya.
"Kailangan ka na sa kumpanya, Kelan ka ba papasok?"Tanong niya
Inalis ko ang pagkakasandal ko sa kanya.
"Tommorrow ata. I don't know."Saad ko
Agad namang napatingin siya sa akin.
"Look hindi ko pa alam kung makakapasok ako bukas o sa susunod na mga araw. Matutulog muna ako."Saad ko at tumayo na at dumiretso sa kwarto ko.
I dunno what to feel. I dunno kung bakit ako nahuhurt. I dunno what to do. Nahuhurt siguro ako kasi hindi niya ako naaalala. Humiga ako sa kama ko at nakipagtitigan sa kisame.
Kagabi. Magdamag akong umiiyak kasi hindi ko matanggap na nakalimutan niya ako. Wala akong tulog, tas gulo gulo pa ang buhok.
Sa pagmumuni muni ko hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Ethan's Pov
Kelan naman niya balak pumasok sa kumpanya? Tch.
Nagtataka ako kasi Pugto ang mata niya at gulo gulo ang buhok niya.
Hindi naman ako nakapagtanong dahil dali dali siyang pumasok sa kwarto niya.
Tinuon ko na lamang ang isip ko sa pag-aayos ng presentation para bukas. Dapat kasi si Kathy ang gumagawa nito ee.
Kathy's Pov
Isang linggo na simula nung malaman ko ang lahat. Isang linggo na rin akong pumapasok dito sa kumpanya.
Isang linggo na rin akong hindi makapagfocus sa pagdedesign. Ghad!Pinagmasdan ko ang sketch ko. Ang pangit.
Pinunit ko ito at tinapon sa sahig. Nakakainis isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin maalis alis sa isip ko ang mga nalaman ko. Aahhhh.
Inis kong nilapag ang lapis ko. Focus Kathy. Focus. Maawa ka kay Ethan. Kalalaking tao nagdedesign. Focus.
Tinary kong magsketch ulit pero sablay pa rin. Inis kong inihagis sa ere ang lapis at sketch book.
"AHHHH. FOCUS KATHY. FOCUS."sigaw ko
Wala akong paki kung may makarinig. Bwisit naman kasi ee.
Inis kong kinuha ang bag ko at laptop ko. Sa coffee shop muna siguro ako sa baba. Tama magkakape muna ako para makapagfocus ako.
Paglabas ko nadatnan ko si Mikaela.
"Saan ka naman pupunta?"Miles
Siya ang secretary ko.
"Nothing. Byee."Saad ko at pumasok sa elevator. Pinindot ko ang first floor.
Magrerelax muna ako.
TING .
Agad akong lumabas ng elevator at dumiretso agad sa coffee shop.
"Yung inoorder ko."Saad ko at naupo sa usual spot ko.
Binuksan ko ang laptop ko at bigla na lang nag pop out ang pangalan ni Aria.
Aria Cruz wants skype with you.
Cruz pa rin siya. Ayaw mag-asawa ee. But Fiance niya yung kapatid ni Kenneth si Kenjie. Hehehe.
Ninagree ko yun. At ..
"Hey Kenj."Bungad ko sa kanya
"Tse. Mag-asawa ka na nga."Pagbibiro niya.
Agad akong nanlumo sa biro niya pero hindi ko pinahalata.
"Tse ka rin. Hehehe."Pilit kong tawa
"Ohh! I heard kay Ethan na wala ka pa daw na sasubmit na design. Anyare te?"Tanong niya
Nginusuan ko lang siya at nagpaalam na.
Wala akong balak magkwento sa kanya. Hindi ko namalayan na andito na pala ang order ko.
Ininom ko agad yun ng maubos ko agad akong tumayo at binibit ko ang laptop ko at sumakay sa elevator.
Pagkarating sa floor kung saan andun ang opisina ko. Agad akong lumabas.
Nakasalubong ko pa si Ethan na salubong ang kilay. Anyare? Hindi niya ata ako napansin dahil dire-diretso siyang pumasok sa elevator.
Lumapit ako kay Miles at tinanong kung anong nangyari kay Ethan pero hindi niya daw alam. Kaya pumasok na lang ako sa opisina ko at ..
Anong ginagawa niya dito?
Sinarado ko ang pinto at nagtungo sa table ko. Inilapag ko ang bag ko sa swivel chair ko at saka ang laptop naman sa Table.
Inis ko siyang tiningnan.
"What are you doing here? Paano mo nalaman ang opisina at kumpanya ko?"Inis kong saad
Tumayo siya at naupo sa lamesa ko.
"Atat ka masyado noh! Ang kalat ng opisina mo ohh!"Saad niya at tinuro ang mga papel na nakakalat.
"Pwede ba lumabas ka na. Marami pa akong gagawin."Saad ko at tinutulak tulak siya.
Kaya pala salubong ang kilay ni Ethan.
"No, Why would i?"Tanong niya
"Marami nga akong gagawin. Kaya pwede ba Mr. Brett Smith. Lumabas ka na."Inis kong saad at binukas pa ang pintuan. Wala naman siyang nagawa kaya lumabas nalang siya.
Ghad! I hate this day.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•