Kathy's Pov
Pumunta ako kung nasaan sila.
"Who the hell told you na mag-inuman kayo sa pamamahay ko?"Sigaw ko sa kanila paglapit ko.
Gulat naman silang napatingin sa akin.
"Who are you?"Saad nung mukhang playboy
Hindi mukha, playboy talaga.
"Who i am? Are you kidding? Ha? Get out."Sigaw ko pa
Iimik pa sana siya ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Kathy, I didn't expect you here."
Agad naman akong napalingon sa nagsalita.
"Ronnie, Sino sila?"Nakataas pang kilay kong saad
"Mga Kaibigan ko."Saad niya at naupo sa tabi nung playboy.
Pinagmasdan ko silang lahat at dun ko lang napansing madilim na pala.
Tumingala ako at dun ko lang napagtantong gabi na.
"Kelan ka pa dito? Hindi kita nakita kagabing pumunta ka dito?"Sunod sunod niyang pagtatanong
"Kagabi pa. Dito ako natulog at hindi mo talaga ako makikitang dumating dahil wala ka naman dito nung dumating ako."Saad ko at tinalikuran sila.
Damn you Ronnie. Ginagawa mong bar tong bahay.
Inis akong pumunta sa kusina at naghanap ng makakain. Naghahanap ako sa ref ng pagkain ng biglang may pumasok.
"Iha, Anong hinahanap mo?"
Nilingon ko si Manang.
"Pagkain po, May makakain po ba?"Tanong ko pa
"Maupo ka muna at paghahainan kita."Saad niya at sinunod ko naman siya.
Habang naghahain siya ay nagtatanong ako ng mga bagay bagay.
"Lagi po bang nag-iinuman sila Ronnie dito?"Tanong ko
"Ngayon lang sila nag-inuman dito, Alam kasi ni Ronnie na ayaw na ayaw mong nagdadala siya ng taong hindi mo naman kilala."Manang
"Hmmp. Hindi niya po ba alam na andito ako?"Pagtatanong ko
"Hindi ko nabanggit sa kanya, Iha. Sige na kumain ka na."Saad niya pa at pinaghainan na ako ng pagkain
"Matulog na po kayo at gabi na."Saad ko pa at saka nag-umpisa ng kumain.
Pagkatapos kong kumain ay naligo't nagbihis na ako. Bago ako umalis ng mansion ay nagpaalam ako kay Manang at kay Ronnie.
Pagdating ko sa condo ay patay ang ilaw.
Nasaan ang mga yun?
Nasa galaan na naman siguro. Tss.
Binuksan ko ang ilaw at saka ako naupo sa sofa.
Ghad! Gabi na ahh. Bakit wala pa rin sila? Tss.
Tiningnan ko ang wall clock, ala syete na ng gabi. Nasaan naman kaya sila ng ganitong oras?