Chapter 47 : His Missing

1.2K 22 1
                                    

Mikaela's Pov

Haysss. Hindi na namin alam ang gagawin namin. Isang linggo ng hindi lumalabas ng kwarto si Kathy. Kakatukin namin siya pero hindi niya kami pinagbubuksan except Kenneth na pinagbubuksan niya. Kaya si Kenneth na yung nagdadala ng pagkain ni Kathy.

Napabalik ako sa reyalidad ng yakapin ako ni Gino. Agad akong napangiti.

"Wag mong pakaisipin si Queen kaya niya sarili niya."Saad niya

Alam kong kaya niya pero nababahala lang ako.

Diego's Pov

Isang linggo ng missing in action si DeeJhay. Tinatawagan namin siya pero laging patay ang phone niya. Hinanap na namin siya mga lugar na pinupuntahan niya pero wala talaga siya.

Nasaan na ba kasi siya?

Sinusubukan naming kontakin si Kathy pero patay rin lagi.

Wala na kaming choice. Kaya tinawagan namin siya pero wala talaga. Hindi siya sumasagot laging patay.

Nasaan na ba kasi siya?

Kathy's Pov

Nakatulala habang pinagmamasdan ang langit. Kakatawa nga minsan ee, pag umiiyak ako sumasabay din ang ulan. Dinadamayan ako kumbaga. Isang linggo na akong hindi pumapasok. May tatlong araw na lang ako at lilipad na ako papuntang LA. Nagpabook na ako, si Kenneth lang nag-asikaso. Isang linggo ng umiiyak, nagmumukmok. Para nga akong tanga ee. Iiyak tas mamaya tatawa na.

Nasa ganun posisyon ako ng may kumatok. At alam kong si Kenneth yun. Tumayo ako at pinagbuksan siya. At sinarado naman niya agad.

Hindi siya umimik. May binigay siya sa aking brown envelope.

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mga pictures na bubog saradong si DeeJhay. Puro sugat ang mukha.

"Nasa kanila si DeeJhay. Isang linggo na pero ngayon lang sila nagbigay ng patibay. Minanmanan ko sila at dun ko napagtantong si DeeJhay yung bihag nila."

Pumikit ako at saka bumuntong hininga. Binalik ko sa kanya ang brown envelope.

"Lumabas ka na."Mahinahon kong saad. Ayokong magwala o magalit. Masyado ng ubos ang emosyon ko.

"Pe--"Pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"LUMABAS KA AT IHANDA MO NA SILA KIRA. DADANAK NGAYONG GABI ANG DUGO NG HAYOP NA ATHENANG YAN."sigaw ko

Dali dali naman siyang lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang robe ko at saka naligo.

Sinusubukan mo talaga ako. Ngayon matitikman mo kung paano magalit ang isang Reyna.

Nagbihis na ako at saka bumababa. Pagbaba ko nadatnan ko sila Kirang handa na.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa kotse ko at pinaharurut papunta sa teritoryo ng impakta.

Pagdating dun walang mga taong nakabantay. Inaasahan niya siguro ang pagdating ko.

Lumakad ako papasok. At nadatnan ko si Athena na nakaprenteng nakaupo sa akala niyang trono. Nababaliw na talaga siya. Tch.

Sumandal ako sa pader at pinagmasdan siya. Masusunog ang kaluluwa mo sa impyernong impakta ka.

"Kathy, Kathy."Saad niya habang natayo sa trono niyang bulok at nagpalakpak pa ang gaga.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Come on, Kathy. Muntik na akong mamatay."Saad niya

"Sana nga namatay ka na, pero masamang damo ka at anak ka pa naman si Satanas."Saad ko

Pero tumawa lang siya at sumenyas.
May pasenyas senyas pang nalalaman. Tch.

Inilabas nung mga tauhan niya si DeeJhay. Nakatali ito sa upuan at mukhang natutulog dahil nakapikit siya.

Gusto kong maluha sa nakikita ko ngayon pero pinipigilan ko.

"Your beloved boyfriend is here."Saad niya. "Alam ba ng mga magulang mo na yung anak nila ay reyna ng dalawang gang."Aniya

Tumawa ako sa kanya bago ako magsalita.

"Malaman man nila, Madali ng lusutan."Saad ko

Ngumisi siya at saka bumunot ng baril.

"Gisingin niyo yan."Saad niya

Sinuntok naman nung tauhan niya si DeeJhay dahilan para magising siya.

Tiningnan ko siya at nag angat siya ng tingin sa gawi ko.

"K--kathy"Mahina niyang saad

"Kathy, Your beloved boyfriend is calling you."Saad niya ng may ngisi sa labi

"Gaga, Sino namang nagsabi sayong boyfriend ko yan?"Saad ko

Bigla namang nanlaki ang mata niya.

"Anong ibig mong sabihin?"gulat niyang tanong

"Come on Athena, Akala ko matalino ka. Boba ka pala. Kukuha ka na nga lang hindi pa tama ang nadampot mo."Saad ko

"Mas gaga ka, Ang dami mong satsat."Tas bigla siyang sumugod sa akin.

Ilag lang ako ng ilag sa kanya.

Sinenyasan ko sila Kirang sumugod na at dali dali naman silang sumugod.

Ilag lang ako ng ilag ng biglang..

"Ahh."Ako sabay hawak sa binti ko

Natamaan niya.

Kinuha ko sa bulsa ko ang balisong at saka binato sa kanya. Ayun, Bulls eye. Lumapit ako sa kanya at inapakan ang tiyan niya.

"Tuso ka talaga."Sigaw niya at saka hinila ang paa ko kaya nasa ilalim niya ako.

"Dapat pinatay mo na lang ako ng tuluyan. Edi sana wala kang pinoproblema."Athena sabay tutok sa akin ng baril

"Iputok mo."Saad ko

Ipuputok na sana niya ng biglang..

*bang*bang*

Agad siyang natumba, Tiningnan ko kung sino ang bumaril. Tch.

Tiningnan ko si Athena. Nakahalandusay na. May tama siya ng balisong galing sa akin yun. May tama rin siya ng baril sa hita at braso.

"Ngayon hindi ka na makakakilos."Saad ko saka lumapit kay DeeJhay

Pinagmasdan ko siya. Gusto ko ng umiyak. Gusto ko na siyang yakapin. Isang linggo ko siyang hindi nakita. Namimiss ko siya. Pero hindi ang tamang panahon.

Tatalikod na sana ako ng biglang..

"K--Kathy."DeeJhay habang natakbo pero nakatali pa rin ang katawan niya sa upuan. Yung paa lang pala ang hindi.

Napabalik ako sa realidad ng biglang..

*BANG*BANG*

"DeeJhay."Maluha luha kong saad

Nakahalandusay siya, tinagtag ko siya sa upuan.

"K--ka--thy--ma--hal--na--ma--hal--ki--ta."Saad niya at dahan dahang pumikit.

"Wake up, gumising ka."Tinatapik ko ang pisngi niya. Pero hindi na siya nagmulat. At dun na buhos ang iyak na kanina ko pang pinipigilan.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Sorry kung hindi masyadong maganda yung fighting scene hindi kasi ako marunong gumawa ng fighting scene. Sorry.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon