Ethan's Pov
Hindi ko alam kung napaparanoid ba ako. Pero napapansin ko talagang hindi siya okey. Katulad na lang kagabi, umuwi siya ng late at mukhang umiyak pa. Tas kaninang umaga ang aga aga niyang nagising. Hindi ko naman siya matanong kung okey ba siya kasi halata naman ee.
Napabalik ako sa reyalidad ng makarinig ako ng katok.
Tumayo ako at pinagbuksan ito.
"Ohh! I didn't expect you to came here."Saad ko at binuksan ko ng tuluyan ang pinto.
Pumasok naman agad siya at naupo sa sofa habang pinagmamasdan ang mga Pictures ko at Pictures ni Kathy.
"Nakakamiss din pala ang ngiti niya."Saad niya habang hawak yung frame na may picture ni Kathy. (SEE THE MULTIMEDIA)
"Tss. Paanong hindi mo mamimiss ang ngiti niya ay limang taon kang hindi nagpakita tas ngayon bigla ka na lang susulpot dito sa harap ko."Saad ko
Inilagay niya muna ang frame kung saan niya kinuha. At lumingon sa akin.
"Sa limang taon na yun, para akong stalker niya gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Natatakot akong malaman na galit siya sa akin. Natatakot akong malaman na alam na niya yung ginawa kong pagdukot kay DeeJhay para dalhin kay Athena."Malungkot na saad niya
Hindi ako umimik at pinakinggan lang siya.
"Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magkita pa sa kanya pagkatapos ng nagawa kong pagtraydor sa kanya. Matalik na kaibigan niya ako at mahal ko naman siya higit pa sa kaibigan. Natatakot akong makitang galit siya sa akin. Sa araw na araw na pamumuhay niya lagi akong nakaabang. Ang tanga ko nun ee muntik na niya akong mahuli buti may dumating. Yung araw ng libing ni Athena andun ako at pinagmamasdan siya mula sa malayuan. Kitang kita ng dalawang mata kung paano siya nasaktan sa pagkawala ni Athena. At yung araw na lumipad siya papuntang Amsterdam kasabay niya ako nun. Nakakatawa nga ee kasi mukha akong tangang pinagmamasdan siya mula sa upuan ko."Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot at naiiyak na siya.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya.
Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa kanya Five years ago.
"Muntik na akong makita ni Kathy pero buti na lang nakahood ako at cap. Tuwing may Fashion Event siya sa Amsterdam lagi ko siyang pinapanuod. Masyado ng mataas ang narating para maabot ko pa siya. Basta ang alam ko hinding hindi nawala ang nararamdaman ko."Malungkot niyang saad
Hinigit ko siya at niyakap. Nasa ganun kaming posisyon ng biglang ..
"Why are you here?"
Si Kathy. Nakatayo habang nakacross arms.
"Akala ko pumasok ka?"Pag-iiba ko
Tiningnan niya ako at saka iniripan. Problema nito? Wala naman akong ginagawa.
"WHAT ARE YOU DOING HERE?"sigaw niya
Hindi niya sinasagot ang tanong ni Kathy.
"I said what are you doing here? TRAITOR AKA INIGO."Diin niyang saad
Tiningnan ko si Inigo hindi siya makatingin ng ayos kay Kathy.
"Hindi mo ba alam kung ano yung kinalabasan nung nangyari five years ago ha!"Saad niya at pinagmasdan ng maigi si Inigo. "Ang kapal din ng apog mo noh! Nagawa mo pang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa mong Ha*up ka."Galit niyang saad
"Kathy, Calm down."Saad ko pero sinamaan niya ako ng tingin.
Lumapit siya kay Inigo at hinila ang collar ng damit na ito.
"Kathy, wag naman ganyan mapapag-usapan naman niyo yan."Saad ko pero hindi niya ako pinansin
"Traydor kang gago ka. Tss. Hindi ko alam kung kaya pa kitang buhayin ngayong andito ka na mismo sa harap ko."Galit niyang saad
Agad nanlaki ang mata ko, tiningnan ko si Inigo blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.
Nakaramdam ako ng kaba para sa kanya. Ano mang oras ay kaya niyang totohanin ang sinasabi niya?
"Kathy."Pagtawag ko pero hindi niya man lang ako nilingon.
"Ano wala man lang ba sasabihing Ha*up ka? Hindi mo ba alam kung anong kinalabasan nung ginawa mong ha*up ka. Nawala ang alaala ni DeeJhay kung hindi mo ginawa yun maaalala niya ako. Kung hindi mo ginawa yun hindi ako aalis at sasamahan ko na lamang siya hanggang sa pagtanda. Pero sa nagawa mong ha*up ka. Pagkatapos niyang lumabas ng ospital matapos niyang makarecover sa pagbaril. Car accident siya at nacoma siya. At hanggang ngayon hindi niya ako maaalala ng dahil sa kagagawan mong gago ka. Ano bang ginawa ko sayo ha?"Naiiyak niyang saad
Binagsak niya si Inigo at pumasok sa kwarto niya. Agad akong lumapit kay Inigo, nanlalaki ang mata niya.
"Nacoma siya? Nacar accident?"Bulong niya sa sarili
"Inigo, are you okay?"Tanong ko
"Im fine."Saad niya at tumayo. "I have to go. Thanks."Saad niya at lumabas na ng condo.
Nilingon ko ang kwarto ni Kathy. Akala ko wala ka ng nararamdaman sa kanya. Akala ko lang pala yun.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•