Chapter 31 : Jealous Kathy

1.5K 32 0
                                    

Kathy's Pov

"Hey! Wake up."

Arrggh. Sino ba itong walanghiyang nanggigising sa akin?

Minulat ko ang mga mata ko, at dun lang napagtanto na si Janella pala.

"Paanong? Bakit ka andito?"

"Your boyfie, ask me nagisingin ka."Janella sabay upo sa kama ko.

"Wait! Paano mo nalaman ang bahay ko? Diba? Hindi ka pa nakakapunta dito?"Taka kong tanong.

"Si DeeJhay, dinala niya ako dito. Andun siya sa baba ng nagluluto ng almusal."Janella

"What?"Ako sabay karipas ng takbo pababa ng hagdan.

Hindi pa man ako nakakapasok sa kusina, naririnig ko na ang sigawan nila DeeJhay at Ronnie.

"GIRLFRIEND KO SIYA, KAYA KAILANGAN KO SIYANG IPAGLUTO."DeeJhay

"GIRLFRIEND MO LANG SIYA, HINDI REYNA. KAYA PWEDE BA LUMABAS KA NG KUSINA AT AKO NA ANG MAGLULUTO."Ronnie

Sisigaw pa sana si DeeJhay ng pumagitna na ako sa kanilang dalawa.

"Pwede ba? Para kayong mga bata. Si Ronnie na magluluto ng almusal. DeeJhay pumasok ka na. Kita na lang tayo sa school."Ako, lalakad na sana ako ng may sinabi pa si DeeJhay.

"But Love, Gu---"

Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Love? Ayaw ko nga ng ganyang pet name."Ako sabay taas ng kilay

"Hindi pet name yun, call sign. Tawagan niyong magjowa."Ronnie

"Wag ka ngang sumabat, hindi ikaw ang kausap ko."DeeJhay

"Bakit ikaw ba kausap ko?"Ronnie

"Pwede ba manahimik nga kayo? Ang iingay niyo ang aga aga."Ako sabay labas ng kusina.

Ramdam ko namang nakasunod sa akin si DeeJhay.

"Pumasok ka na nga? Kita na lang tayo sa school."Ako sabay akyat sa kwarto ko.

Pagdating ko nadatnan ko si Janellang natutulog.

Dito pa talaga natulog ahh!

Hinila ko ang kumot ko at agad naman itong nahulog sa sahig.

"Ghad! Bakit ba?"Janella

"Umalis na yung kasama mo, baka gusto mo na rin umalis. Malalate ka na ohh!"Ako sabay nguso sa wall clock ko.

Ng makita niyang quarter eight na agad itong kumaripas ng takbo pababa.

"GOODLUCK SAYO, MADEDENTION KA I SWEAR."sigaw ko habang tumatawa.

DeeJhay's Pov

"Bwisit ka talaga! Talagang iniwan mo ako kila Kathy."Janella

"Pwede ba Janella? Tumahimik ka muna. Sorry kung naiwan kita. Akala ko kasi umuna ka na. Atleast nakapunta ka dito sa school ng safe. Kaya pwede tumahimik ka. Kakarindi ka!"Ako sabay taklob ng unan.

Narinig ko namang dinabog niya yung pinto.

Kasalanan to nung Ronnie ee? Kung hindi siya umepal. Edi sana andun pa ako bahay nila Kathy.

Ako sana yung magluluto ng breakfast niya, kaso umepal naman si Ronnie. Nakakabwisit talaga.

Naramdaman ko namang may pumasok sa HQ kaya agad akong napabangon.

"Bakit nakabusangot si Janella nung lumabas dito?"Elmo

"Iniwan ko kasi siya kila Kathy."

"Huh? Ano namang gagawin niyo dun?"Elmo

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon