Kathy's Pov
It's Saturday at ngayon ko lang naisipang buksan ang laptop ko. Pagbukas ko ang daming email. Tiningnan ko muna lahat bago ang kay Kenneth.
Tch, Akala ko'y wala na naman siyang balak magpasa ng papers. Kahit kelan talaga yun. Sarap isumbong kay Abigail. Hehehe.
Habang binabasa ko yung pinasang email ni Kenneth ay nagulat na lang ako ng may magpop out. Sa laptop ko, pinindot ko ito at
Julia Loyzaga wants skype with you. Agree or Disagree?
Inagree ko naman agad.
"Hey, What's up?"Bungad niya
Para talaga itong dalaga kung umasta. May asawa't anak na nga't lahat astig pa rin makitungo. Tss
"Hey, What's up too?"Saad ko
Ngumiti muna siya bago nagsalita.
"Gusto kang makita ni Aki, I know namang your here in pinas ee."
Tss. Nahawaan ata ito ni Janella ng pagkaconyo. Ghad!
Hindi ako umimik at tiningnan lang siya ng makahulugang tingin.
"Kilala mo naman si Aki ee, Hanggang skype na lang ba talaga kayong dalawa. Ee hindi ka pa nga niya nakikita in personal ee."
Sigee. Mangblackmail ka pa!
"Sige na Sissy, Once in a lifetime lang ito. Gagi. I know namang this October ka pa babalik sa Amsterdam ee."
Paano naman niya nalaman?
"Iniinstalk mo ko noh?"Pang-aasar ko
"No, I heard it lang kay Greyson noh! Nagkausap kasi kami last time."Saad niya
"Heard it? Neknek mo, lukohin mo lelang mo ha! Kinulit mo yun kaya nasabi sayo."Saad ko
Ngumiti naman siya sa akin.
"Wow! Ayaw mo bang makita ako, sila Chie, Si Aki?"Naiiyak niyang kunwari.
Dramahan daw ba ako.
"Tss. Nagmature ka na talaga noh?"Saad niya pa
Anong mature dun? Yun naging fashion designer ako. Tss.
"Tss. Kailangan mong magmature kung hindi, paano mo mapapatakbo ang negosyo mo kung immature ka."Simpleng saad ko
"So, Ano punta ka dito ngayon please? Mag overnight ka dito tas chikahan tayo."Pagmamakaawa niya
"Tss, Sige na After an Hour andyan na ako. Byee."Saad ko saka ako nagsign off.
Agad kong pinatay at sinarado ang laptop ko. Tumayo ako at saka naghanda ng gamit na dadalhin ko kila Julia.
Loyzaga na talaga siya ha!!
Matapos kong maghanda ng gamit na dadalhin ko ay naligo na ako.
Pagkaligo ko nagsuot lang ako ng Crop top na Long Sleeve at Short at nag sandals na lang ako. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong lumabas ng kwarto.
Paglabas ko nadatnan ko si Ethan na naglalaptop. Hindi ko na sana siya papansin ng magsalita siya.
"Saan ka pupunta? Bakit dala mo yang gym bag mo? Maggygym ka?"Sunod sunod niyang tanong
"Mag-oovernight ako kila Julia. Ikaw akala ko nasa opisina ka?"Saad ko
Sinara niya muna ang laptop niya at saka tumingin sa akin.