Chapter 40 :

1.3K 23 0
                                    

Kathy's Pov

Masaya ako kasi naging maayos yung surprise ko para kay DeeJhay. At salamat kasi nagustuhan niya.

Andito ako sa kusina kasama si Aria at Kira. Nagbabake kami ng cookies, cupcakes. Para sa party party namin mamaya.

"Ghad! Im so kilig talaga. Lalo na nung nagkekwento ka grabe."Aria sabay halumbaba

"Sino bang hindi kikiligin ee grabe Kung mag effort itong reyna?"Kira sabay ngisi

Tinawanan ko na lang sila. Kagabi pa nila akong tinuktukso kaya ayun para matigil sila sinasabi kong magpaparty ako sa kanila at tuwang tuwa naman sila.

"Ang bango ahh. Amoy inlove."Angelo sabay akbay kay Aria

"Ikaw talaga, pag si Yna nagselos yari ka dun."Saad ko

"Chill alam na alam na ni Yna na masyado talaga akong sweet lalo na dito sa beastfriend kong noknukan ng liit."Angelo sabay tawa

Nilagyan naman siya ng icing ni Aria.

"Makanoknukan ka parang hindi ka maliit ahh."Singit ni Kira

"Maliit nga ako pero gwapo naman ako."Mayabang niyang saad

"At dahil dyan sa kahanginan mo bumalik ka na lang ng Amsterdam maigi pa."Tatawa tawang saad ni Aria

"Grabe totoo naman ahh. Gwapo ko kayo."Angelo

"Tch. Gwapo ka nga noknukan ka naman ng kahanginan dyan sa katawan mo. Chupi. Nakakaabala ka pa ohh!"pagtataboy sa kanya ni Aria. Sinamaan naman agad siya ng tingin ni Angelo.

"Grabe ka talaga Beast."Angelo sabay labas ng kusina

"Pero infairness bagay talaga kayo kaso may Yna na siya."Pang aasar ni Kira

"Sige, mang asar ka pa."Bulaslas ni Aria

"Ano ba naman kayo? Ituloy na lang natin to. Para tapos na tayo."Masigla kong saad

"Sigla ohh! Ano nakain mo?"Biglang sulpot ni Ronnie

"Nakainom lang yan ng lactacyd kaya siya ganyan."Tatawa tawang bulaslas ni Kira

"Lactacyd? Pa try nga. Baka mapas--"Agad naputol yung sasabihin niya ng biglang.. "Patay hindi ko natawagan si Sue."Ronnie tas dali dali siyang lumabas ng kusina.

"Pag-ibig nga naman ohh! Talagang nakakaloko."Kira

"Tch. Inggit ka lang. Namimiss mo lang si Ano ee."Saad ko, agad naman akong napatingin sa kanya

Sumimangot siya at sinamaan ako tingin.

"I was thinking noh! Bakit nga pala nung nakaraang linggo bago pa mangyari yung accident sayo, Naging busy ka? Para kasing ang dami mong dinadala hindi mo lang masabi sa amin?"Aria sabay lagay ng mga cupcakes sa oven

"Tch, Pumapasok ako syempre magiging busy talaga ako dahil ang daming paperworks."I lied

"No, Hindi ka kaya pumapasok. Sinong niloko mo? Lagi akong nagigising ng maaga tas titingnan kita sa kwarto mo, wala ka."Kira

"Tch, Sige na nagsinunggaling ako. Hindi ako pumapasok, wala ring paperworks. Pero yung pagiging busy ko wala na yun sa inyo. Sa akin lang yun."Ako sabay hugas ng kamay ko.

"Kayo muna bahala dyan. Akyat muna ako."Ako sabay labas ng kusina.

Sorry, Hindi ko masabi sa inyo. Ayaw ko lang na madamay kayo. Alam kong dadating yung araw na malalaman niyo din ang dahilan kung bakit ako naging busy nung nakaraang linggo.

DeeJhay's Pov

Hanggang ngayon, hindi mawala sa isip ko yung mga nangyari kahapon. Hindi rin maalis ang ngiti sa labi ko.

"Mahal na Mahal kita DeeJhay Padilla"

"Mahal na Mahal kita DeeJhay Padilla"

"Mahal na Mahal kita DeeJhay Padilla"

Napangiti ako sa pauulit ulit na salitang sinabi sa akin kahapon ni Kathy. Hindi ko inexpect yun.

"Hoy, Nababaliw ka na ba?"Alex sabay bato sa akin ng unan

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bakit andito ka ang aga pa ahh?"Tanong ko

"Anong maaga, alas onse na ng tanghali ohh!!"Alex

"Ee, Bakit andito ka nga?"Tanong ko ulit

"Yayain sana kita sa mall."Alex

"Wala ako sa mood magmall, Dito lang ako."Saad ko sabay taklob ng kumot

Ramdam ko namang hinila niya yung kumot.

"Bwisit, Ano ba?"Iritable kong saad

"Tch, Pagam--" bago niya pa tapusin yung sinasabi niya ay inunahan ko na siya.

"Gamitin mo gusto mong gamit. Wag mo lang akong istorbuhin."Saad ko at nagtaklob ng kumot

****
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa labas ng kwarto ko.

Ghad! Alex patay ka sa akin.

Bumangon ako at laking gulat ko madatnan ko si Alex na nagpapatugtog. At madaming balat ng chitchirya ang nagkalat sa lapag.

"ALEX ANO ITONG KALAT MO?"sigaw ko

Nagpeace sign lang siya at ngumiti. Inis akong lumapit sa kanya.

"Linisin mo yan at talagang dito mo pa naisipang dumayo para magkalat noh!"Inis kong saad sabay agaw sa kanya ng chips na hawak niya.

"Sinabi mo kasing gamitin ko na lahat ng gusto kong gamitin kaya sinunod kita."Alex habang nagpupulot ng kalat.

"Tch, Magkaiba yung gamitin kesa sa pakiilamanan."Saad ko

"Parehas na rin yun noh."Alex

Tch. Edi parehas sabi mo ee.

"Nga pala alas dis na ng gabi, buti nagising ka pa."Saad niya

"Kung alas dis na ee bakit andito ka pa?"Tanong ko

"Hindi ko nasabi sayong dito muna ako habang weekends pa."Ngingiting saad niya

"Tch, Alam mo bang dahil dyan sa pagpapatugtog mo ng malakas ay baka ipatawag ako bukas."Saad ko

Umiling naman siya. "Tsaka bakit ka naman ipapatawag? Sa maingay ako, kaya mo nga sila binayaran para tumira ka dito hindi pangialam sa buhay mo."Alex

"Pwede ituloy mo na lang yang paglilinis mo. Binaboy mo yung unit ko ohh!"Saad ko

Bwisit talaga ito. Akala ko kung anong gagawin pero ito ang ginawa sa unit ko inimo'y dinaanan ng bagyo. Tch.

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon