Chapter 34 : Is this the End?

1.4K 33 0
                                    

DeeJhay's Pov

Dalawang buwan na ang lumipas, pero walang kathy ang nagpapakita. Dalawang buwan na rin akong nagpapabalik balik sa bahay nila Kathy pero lagi akong bigo. Dalawang buwan ko na rin siyang kinokontak pero lagi siyang cannot be reach. Walang may alam kung nasaan siya. Kahit si Kenneth, walang alam kung nasaan si Kathy.

Pinuntahan namin siya sa tagaytay kung saan meron silang rest house, pero wala kaming Kathy'ng nakita.

Namimiss ko na yung Babe ko. Nasaan na ba kasi siya?

"Its been two months, pero wala pa ring nagpapakitang Kathy."Julia habang nakahalumbaba.

"Nasaan na kaya yun?"Chie

"Ayos lang kaya siya?"Diego

"I miss her na."Janella

Dalawang buwan ko na ring naririnig sa kanila yan. Sa dalawang buwan kung ano ano ng pumasok sa isip ko pero andyan sila para mapagaan ang loob ko. Sinasabi nilang ayos lang naman siya. Kahit ako hindi ko alam kung okey lang ba talaga siya.

Iimik na sana ako ng biglang pumasok  padabog si Elmo na hinihingal.

"Ba..kit..ka..si..ang..la..yo..ng..H..Q..na..tin?"Hingal niyang saad

"May humabol ba sayong aso at hingal na hingal ka?"Janella

"Wala pero may good news ako sa inyo."Elmo sabay inom ng tubig.

"Ano?"Diego

"She's Here. Nasa parking lot siya."

Pagkasabing pagkasabi ni Elmo agad kaming nagtatakbo palabas.

Hingal na hingal kaming dumating sa parking lot. At tama nga si Elmo. She's here.

Habang lumalapit ako sa kanya na sigurado kong ginagawa din nila Julia. Tinitigan ko siya. Parang hindi na siya yung Kathy'ng mahal ko. Ibang iba yung aura niya ngayon. Para na siyang talaga si Killer Queen.

Pagkalapit ko agad ko siyang niyakap pero hindi siya yumakap pabalik.

Tinanggal ko agad ang pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Where have you been? Nag-alala ako, kami sayo."Bulaslas ko

Pero tingin lang ang sinagot niya.

"I badly miss you Babe."Then i kissed her forehead.

Yayakapin ko na sana siya ulit ng biglang siyang lumakad paalis ng parking lot.

Pinagmasdan ko lang siyang lumakad paalis ng parking lot.

"Ibang iba na siya."Julia

"Mahal pa kaya niya ako."Bulaslas ko.

Nagkibit balikat lang sila. Agad namang lumapit sa akin si Diego.

"Tara. Malay mo kausapin ka niya mamaya."Diego sabay tap ng balikat ko.

Tango lang ang nasagot ko sa kanya.

Lutang akong pumasok sa room, hanggang sa magdissmiss lutang pa rin ako. Hindi ko alam kung may natutunan ba ako sa inilecture.

Sinukbit ko ang bag ko at lumabas ng room. Naglakad lakad muna ako.

Ibang iba na siya. Binabalot siya ng itim na aura.

Habang naglalakad ako, may tumawag sa akin.

Nilingon ko ito, at nakita ko ang mga Kaibigan ko.

"Tol, Pinuntahan ka namin sa room mo. Pero wala ka. Buti naabutan ka namin."Alex

Ngumiti lang ako sa kanila ng peke.

Ito na ba ang katapusan namin?

Kathy's Pov

Dalawang buwan na simula ng malaman ko ang sabwatan nila James. Dalawang buwan din ako sa Japan. Inayos ko ang gang ko kung sakaling mamatay ako alam kung aalagaan sila ni Kira na hindi ko nagawa.

Andito ako sa garden, nakikipagtitigan sa ulap.

"I badly miss you Babe"

"I badly miss you Babe"

"I badly miss you Babe"

"I badly miss you Babe"

Napaluha na lang ako. Namiss ko din siya. Gusto kong balikan ang yakap niya pero biglang pumasok sa akin ang sinabi ni Kira.

"Madadamay siya. Kung uunahin mo ang kaligayahan mo."

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko. Ayaw ko siyang madamay.

Napabalikwas ako ng may magsalita.

"Musta na? Dalawang buwan ka ring nawala."Kenneth

Ngumiti lang ako sa kanya ng mapait.

"Ito nga pala yung pinaimbestigahan mo sa akin."Kenneth sabay abot ng envelope. Agad ko naman itong tinanggap. Mamaya ko na lang ito bubuksan pag nasa bahay na ako.

"Ibang iba aura natin ahh."Kenneth

Imbis na sagutin ko siya, ngumiti lang ako sa kanya.

"Upo nga tayo. Mangangalay tayo."Pabiro niyang saad.

Tulad nga ng sinabi niya, umupo kami sa damuhan.

"Magkasabwat sila."Bulaslas ko

Pero wala akong narinig na sagot sa kanya. Kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

"Magkasabwat sila. Pinapapatay niya ako kay James. Pinapapatay ako ni Brett. Pinapapatay niya ako dahil sa hindi ko malamang dahilan. Kaya niya pala ako shinota dahil gusto niyang makuha ang gusto niya. Kaya pala siya naging Gang Leader dahil nakuha niya ang gusto niya. Kaya pala parang lagi siyang abala noon dahil may pinagkakaabalahan pa pala siyang iba maliban sa babae. Ang tanga ko kasi naniwala ako sa mga pinapakita niya. Sa pinapakita sa akin ni James. Gusto niya lang ako pala akong patayin kaya pala niya ako kinaibigan."Ako sabay tawa.

Tiningnan ko si Kenneth.

"Bakit may mga taong pinagkakatiwalaan mo, siya pa yung taong gustong pumatay sayo? Tulad ni James. Kung alam ko lang sana nung una pa lang dapat, dapat hindi ko na lang siya pinagkatiwalaan."Bulaslas ko

"Kaya ka ba nawala ng dalawang buwan?"Kenneth

Umiling lang ako sa kanya.

"Inayos ko ang gang sa Japan, para pagnamatay ako kahit papaano nakita nila kahit konting panahon yun Killer Queen na tinatawag nila. Alam kong mamatay man ako, aalagaan sila ni Kira na hindi ko nagawa."

"Wag mong isipin na mamamatay ka na. Isipin mo may mga taong nagmamahal pa sayo, handa kaming makipagpatayan para hindi ka lang mawala."Kenneth

Niyakap ko siya at nagpasalamat dahil lagi siyang andyan pag kailangan ko ng kausap.

"Queen, Namiss ka ni DeeJhay. Hindi mo ba alam na halos mamatay na siya kakahanap, kakatanong, kakapunta sa inyo? Mahal na mahal ka niya. Dahil sa kanya nakita namin kung paano unti unting bumalik yung Kathy'ng palangiti."Kenneth

Ngumiti ako sa kanya ng mapait.

"Ayoko siyang madamay."

"Ayaw kong manhimasok sa relasyon niyo pero kitang kita natin kung gaano ka niya kamahal, Handa siyang magsakrapisyo para sayo. Handa siyang mamatay para sayo. Kaya kung ako sayo wag na wag mong papakawalan si DeeJhay. Mahal ka nun. Kaya niyang gawin lahat para sayo."Kenneth sabay tayo at lakad paalis ng garden.

Napaisip ako sa sinabi niya.

"kitang kita natin kung gaano ka niya kamahal, Handa siyang magsakrapisyo para sayo. Handa siyang mamatay para sayo. Kaya kung ako sayo wag na wag mong papakawalan si DeeJhay. Mahal ka nun. Kaya niyang gawin lahat para sayo."

Kakausapin ko siya bukas na bukas rin.

=================================

Sana nagustuhan niyo.

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon