Road to Forever 2 💒

1.1K 15 0
                                    

Julia's Pov

Alas-otso ang umpisa ng kasal pero ala una ng tanghali pero wala pa si Kathy. Kinakabahan na kaming lahat. Isa isa na ring nagsialisan ang mga bisita. Anim na oras na kaming naghihintay pero kahit anino man ni Kathy ay wala.

Tiningnan ko si DeeJhay, nakaupo siya sa harap ng simbahan. Lumapit ako dito at tinabihan siya.

"Tara muna kumain."Pagyayaya ko

Pero umiling lang siya.

"Bilhan mo na lang ng pagkain sila Steffanie."Saad niya at tumayo at saka pumasok sa simbahan

Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan siyang maglakad papalapit sa altar.

Tiningnan ko naman sila Steffanie na naglalaro.

Nasaan na ba kasi ang Mommy mo?

Napabuntong hininga ulit ako sa naisip ko. Lumapit ako kila Steffanie.

"Steffie, Annika, Chixander."Tawag ko sa kanila

Sabay sabay silang lumingon.

"Yes Mom/Yes Tita."Sabay sabay din nilang saad.

"Bibili lang ako ng food sa malapit na fast food ha! Behave lang kayo dito. Understood."Saad ko pa at saka sila nagtanguhan.

Matapos ko silang kausapin ay nilapitan ko naman sila Diegs at saka nagpaalam na bibili lang ng food.

Sumakay ako sa kotse ko at habang nagmamaneho ako ay hindi ko maiwasang kabahan.

Nasa kalagitnaan na ako ng daan ng biglang may humarang sa akin. Nasa sa tingin ko ay isa itong taga soco.

Bakit naman magkakasoco dito?

Bigla namang bumibilis ang tibok ng puso ko ng mahagip ng mata ko ang isang sasakyan?

Bumaba ako ng kotse at tinanong si Manong.

"Ahh Sir, Ano pong nangyari dito?"Tanong ko

"May aksidenteng naganap. Bawal muna kami magpadaan ng sasakyan."Saad naman niya

May aksidente? Bigla lalo akong kinakabahan tas yung tibok ng puso ko ay parang lalabas na dahil sa mabilis nitong tibok.

Nagtataka naman akong tiningnan si Manong.

"Mukha nga pong ikakasal Mam ee."

Pagkasabing pagkasabi niya ay agad akong napatakbo sa crime scene.

Pinipilit kong makisiksik sa mga taong andun. At nung makarating ako sa harapan ay nanlaki agad ang mga mata ko.

Pinagmasdan ko ng maigi yung sasakyan at dahil sunog na ito ay mahirap itong maidentify. Lumakad pa ako papalapit sa sasakyan at lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang harapan ng sasakyan.

Flashback ..

"Ano ba naman kasi ang gagawin natin dito?"Tanong ko pa

Kanina pa kasi kaming pauli uli dito sa loob ng car shop. Actually mga tatlong oras na nga ata ee.

"Ano bang ginagawa sa loob ng isang car shop?"Pabalik niyang tanong at napaisip naman ako.

"Bilihan ng kotse."Saad ko

"Yun."Saad naman niya

Taka ko naman siyang tiningnan.

"Anong yun?"Taka kong tanong

"Bibili ako ng kotse."Saad naman niya

"Bakit pa?"Tanong ko

"Syempre gusto kong bago ang kotseng sasakyan ko noh!"Saad naman niya

The DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon