Kathy's Pov
Tiningnan ko sila Diego. Masayang masaya sila habang nakababad ang mga katawan sa pool. Pero hindi ko man lang lubos maisip na bakit kailangan niya pang magpakilala ng gayon ay kilala ko naman siya. Pero parang hindi niya ako kilala. Kung kilala niya ako hindi siya magsasabi ng "Ohh! May bisita pala kayo." AHHH.
"Wag mong pakaisipin."
Agad akong napalingon sa nagsalita.
"Tell me. Tell me everything."Diing saad ko.
Tinanguan naman niya ako at nag-umpisa na siyang magsalita.
"Isang linggo, Isang linggo simula nung lumipad ka papuntang LA. Nagising siya at nagtanong sa amin kung nasaan ka. Wala kaming maisagot. Ibinigay ni Janella yung box na pinabibigay mo. Binasa niya yung sulat na laman na yun, pinagmasdan ang mga litratong nakapaloob duon. Then One day akala namin okey na siya. Kasi hindi na siya nagtatanong kung nasaan ka. Lumabas na siya ng ospital. Then we decided na dalawin siya sa condo niya."Malungkot na saad niya
Taka ko naman siyang tiningnan.
"Then what happened."Saad ko
"Pagdating namin sa condo niya. Puro basag na vase, plato at bote ng beer ang nakakalat. Hinanap namin siya sa kwarto niya, sa cr niya. Pero wala kaming nakitang DeeJhay. Kinakabahan na kami nun. Hanggang sa maisip naming puntahan ang Forever garden. Pero pagdating namin dun wala siya. At mas lalo kaming kinabahan. Hindi namin alam kung saan siya hahanapin. Hanggang sa may tumawag kay Elmo at.."Kwento niya at tumingin muna sa akin.
"Hanggang sa malaman naming na aksidente siya. Na car accident siya. Agad kaming nagpunta sa hospital. Pagdating namin dun. Hindi kami makapaniwala sa nakikita namin. Isang DeeJhay na nakaratay sa stretcher habang ginagamot ng doc. Awang awa kami. Nanlumo kami ng malaman naming Coma siya. Umabot ng dalawang buwan ang pagkacoma niya. At hindi namin inaasahan sa paggising niya palang yun. Wala na siyang maalala."
"Wala na siyang maalala."
"Wala na siyang maalala."
"Wala na siyang maalala."
"Wala na siyang maalala."
"Wala na siyang maalala."
"Wala na siyang maalala."
"Wala na siyang maalala."
What the. Kaya pala ganun na lamang siyang magpakilala. Parang hindi kami nagkita at parang ngayon lang.
"Nanlumo kami ng malaman naming may Amnesia siya. Pinaalala namin lahat sa kanya. Kung paano kami nagkakilala kilala. Kung paano kami naging magkakaibigan. Kung paano ka niya nakilala. Kung paano nabuo yung dare. Kung paano ka niya nasaktan. Lahat ng memoryang nakalimutan niya. Pinaalala namin. Pero bigo kami. Bigo kami dahil sa lahat ng ginawa namin para makaalala siya. Kami lang yung naalala niya. Pinilit naming ipaalala ka pero wala pa rin. Hindi ka niya naaalala. Iniiexpect namin na sa limang taon yun may maalala siya tungkol sa pinagsamahan niyo. Pero bigo talaga kami dahil hanggang ngayon wala siyang maalala tungkol sayo. Sorry kasi hindi namin pinaalam sayo."
Hindi magsink in lahat ng sinabi niya. Hindi kinakaya ng utak ko ang lahat ng nalaman ko ngayon. NagkaAmnesia siya. At hanggang ngayon hindi niya ako maalala.
Nakaramdam ako ng kirot. Tiningnan ko si DeeJhay. Masaya siyang nakikipagbasaan kila Elmo. Ngumiti ako ng mapait. At naramdaman ko na lamang na tumulo na pala ang luha kong kanina ko pang pinipigilan. Pinunasan ko muna ito at saka ako ..
Tumayo at papasok na sana ako ng biglang ..
"KATHY."
Agad bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil ba tinawag niya ako.
Nilingon ko siya.
"Why?"Wala sariling saad ko
"Join us."Pagyaya niya
Nginitian ko lamang siya at pumasok na sa loob. Pero akala ko hindi niya ako susundan. Pero akala ko lang pala.
"Wait. Join us na. Para makapagkwentuhan tayo."Saad niya
Tinitigan ko muna siya.
"Magbibihis lang ako."Saad ko
"No, wag na. Hubarin mo na lang yang crop top mo. May bra ka naman siguro diba?"Nahihiya niyang tanong
Kung naaalala mo ako ngayon. Siguro hindi ka mahihiya.
Nginitian ko siya at sa mismong harap niya ako naghubad. Pagkahubad ko ng crop top agad kong pinatong yun sa sofa.
"Lets go."Nahihiyang yaya niya
Nahiya pa. Pagdating sa pool lahat sila nakangiting nakatingin sa amin.
"Anong tinitingin tingin niyo?"Saad niya pero imbis na sagutin siya tinukso nila kami.
"Bagay kayo."
"Parehas naman kayong single. Bagay kayo."
"Kayo na lang sana."
"Sana magpakasal na kayo."
Sinamaan naman sila ng tingin ni DeeJhay.
"Don't mind them."Bulong niya
Tinanguan ko naman siya.
"Tara dun."Turo niya sa dulo ng pool.
Tinanguan ko siya at nag-umpisa ng maglakad papunta sa dulo ng pool.
Naupo ako at binabad ang paa ko. Nakakarelax. Sa dami ng nalaman ko parang sa pagbabad lang ng paa ko sa pool parang narelax ako.
Nasa ganun akong pagmumuni ng bigla kong maramdaman na tumabi siya. Tiningnan ko siya at may dala siyang apat na boteng beer.
"Here. Habang nagkekwentuhan tayo may iniinom tayo."Saad niya at inabot sa akin ang beer. Tinanggap ko naman ito at nilaklak agad.
"I was thinking na ikaw ba yung napapanuod, nababasa ko sa magazine."Saad niya
"Ako yun, Wala ng iba."Saad ko
Tumawa naman siya at uminom ng beer. Yung tawa niyang natutunaw ang puso ko. Agad kong nilaklak ang beer at naubos ko agad yun. Inilagay ko sa tabi ko ang bote at agad lumangoy.
Hindi ko kayang makasama siya ng matagal lalo na't alam kong may amnesia siya. Hindi ko kayang panuorin siyang tumawa. Hindi ko kayang makita siyang wala man lang naaalala tungkol sa akin.
Masyadong masakit.
Pag-ahon ko hindi ko inaasahang nasa harap ko na siya.
"I was thinking, iniiwasan mo ba ako?"Takang tanong niya
Iniwas ko ang paningin ko sa kanya.
"No, What would i?"Balik tanong ko sa kanya
"Wala lang. Bigla ka lang kasing lumangoy."Saad niya
Tinanguan ko siya at inilublub ko ang sarili ko habang nakapikit.
Pagmulat ko nasa harap ko siya at kumakaway. Lumanggoy ako at pag ahon ko nasa harap ko ulit siya.
"Hindi mo talaga ako iniiwasan noh!"Saad niya at saka umalis sa harap ko.
Sinundan ko siya ng tingin at dun na tumulo ang luha ko.
Umahon na ako ng tuluyan at dali daling pumasok sa loob.
Pagpasok ko hindi ko inaasahan na nandito pala siya. Akala ko lumalangoy pa siya. Diba nga sinundan mo ng tingin?
Nakatingin siya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko at kinuha ang crop top kong nakapatong sa sofa.
Pagkakuha ko ng crop top ko ay agad akong umakyat sa kwarto.
Nilock ko ang kwarto at saka nahiga sa kama. Wala akong paki kong basa ako. Tinitigan ko ang kisame.
At tumulo na naman ang luha ko.
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•