MELODRAMATIC na PAGLISAN.
Ito na yata ang pinakamadramang pangyayari sa buong buhay ko.
Iiwanan ko nanay at dalawang kapatid ko. Wala si Tatay, matagal na siyang kinuha ni Lord.
Babagsak na sana mga luha sa mata ko… Ngunit biglang sumigaw ang lola ko…
“Ala, nakawala si Nora!”
Nataranta na sina nanay . Si lola. Mga kapatid ko. Maging ako.
Stranded luha ko sa mata. Binitawan ko mga dala kong bayong at isang malaking bag. Hindi pwedeng makawala si Nora. Si Nora na siyang pinakamamahal naming lahat.
Tumakbo na ako. Sa bukirin. Sumunod na sa akin ang lahat. Maingay. Natataranta at nagkakagulo na kami.
“Ayun si Nora!”sigawan ng lahat.
Dahil sa pagpupursige, nahuli ko sa pangatlong pagkakataon si Nora.
Siya nga pala, si Nora. Siya ang puting biik na ibinigay sa amin ng isang kamag-anak. Si nanay ang nagbigay ng pangalang Nora bilang pagpapahalaga niya sa kanyang idolong superstar, yung may nunal. Die-hard fan ang nanay ko. Hindi pwedeng mawala si Nora. Importante siya sa amin. Kayamanan ng pamilya.
Niyakap ko ng mahigpit at hinalikan si Nora.
Nagpalakpakan ang lahat ng tao. “Yehey!!!”
Umiyak na ako habang kayakap ko si Nora.
Umiyak na rin Nanay ko. Lola ko. Mga kapatid ko. Si Roda na best friend ko. Si Antonya na kaklase ko. Si Nana Lupe na manghihilot. At si Tonyang baklang payatot.
Pati mga tambay naiyak na rin. Connection nila????
Dumilim ang buong paligid. Parang nakikiayon ang panahon sa aking kalungkutan.
Marahan ko nang kinuha ang mga bayong at bag ko. Umiiyak kong pinagmasdan ang mga taong mahalaga sa aking buhay. Kumaway sa kanila.
… Tumakbo sa akin si nanay pati mga kapatid ko. Tumakbo rin ako papalapit sa kanila.Malapit na malapit na kami sa isa’t isa…
Patay! Nadapa si Nanay. Napasubsub sa tae ng kalabaw.
Napailing ako. Sablay ang madramang pag-alis ko sa kanila…
Sa totoo, masayahin kaming mga tao. Pero pag ganitong may aalis, nakakaiyak talaga.
Umiiyak akong bumiyahe papalabas ng aming munti at tahimik na barrio.
Nasa bus na ako papuntang Maynila.
Feeling ko, mababalewala ang katangi-tangi kong ganda sa magiging trabaho ko. Mawawala ang katalinuhan ko...
Pambihira! Nakapagtapos nga ng high school, katulong pa rin pala sa bandang huli. Okay na rin ito, para din sa nanay ko ito. Ayoko na siyang magtrabaho kasi may edad na siya. Kaya ito, pinalitan ko siya. Sayang naman ang sahod kasi, saka malaki utang naloob ng nanay ko sa pamilyang iyon. Halos 20 taon rin siyang nagtrabaho sa kanila.
Positibo ako. Pangarap kong maiahon sa hirap ang buong pamilya ko. Magiging katulong ako para makaipon. Gusto kong mag-college at maging isang ganap na Doktor. Tutuparin ko ang pangarap ko.
Nakakaiyak talaga. Mamimiss ko tiyak buong pamilya ko lalo na si Nanay at si Lola.
Buti pa si kuya sound trip! Ako bad trip!
Ngek! Nakalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Angela. Magiging isang katulong.

BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...