ONE month LATER…
“Nasa kuwarto na naman siya?”tanong ni Tita Shiela. Napaupo siya sa sofa.
“Oo nga eh. Hindi na naman lumabas. Nakakulong lang maghapon sa kuwarto niya. Ewan ko ba sa batang ‘yan. Simula ng mawala si Angela dito, lagi ng nagkukulong sa kwarto niya. Tapos matamlayin. Malungkutin at parang laging malalim ang iniisip.”si Nana Loleng. Sabay abot ng kape kay Tita Shiela.
Huminga ng malalim si Tita Shiela.”Pansin ko nga rin sa batang ‘yan. Naku, naaawa na ako sa kanya.”
“Si Angela siguro dahilan. Pag nakikita kasi ako ni Alexander, tanong ng tanong kung dadalaw daw ba dito si Angela. O kung anong balita na sa dalaga. Mukhang may gusto ‘yang pamangkin mo kay Angela.”usisa ng matanda.
“Tsismosa ka talaga, Loleng. Tanda mo na para sa ganyan!”nakangiting biro ni Tita Shiela.
Napatawa lang ang matanda.
Isang umaga, nadatnan ni Tita Shiela si Alexander na mag-isang kumakain ng almusal. Nakangiti siyang lumapit sa pamangkin.
“Kumusta ka na?”bati ng matanda.
Ngiti lang ang isinagot ni Alexander. Nagpatuloy ito sa pagkain.
“Pumapayat ka na, oh. Napapabayaan mo na yata ‘yang artista look mo.”biro ng tita niya.
Ngumiti lang ito at nagpatuloy muli sa pagkain. Seryoso ito.
“Well, gusto ko lang magpaalam sa’yo… May pupuntahan lang akong province.”
“Okay..."ngumuya ng pagkain."Business? As usual?"
“Hindi siya business trip. One week vacation… Pupunta ako kina Angela."
Natigilan si Alexander. Titig na titig siya sa kanyang tita.
“O-Okay. Sige.”maiksi niyang sagot at nagpatuloy sa pagkain.
"Niyaya niya kasi kami nina Nana Loleng para sa kanilang fiesta next week. So... Wanna join us?”
Hindi nakasagot si Alexander. Mukhang nag-isip ito.
“A-Ano naman gagawin ko ‘don? Galit sa akin si Angela. Nakakahiyang magpakita sa kanya. Kayo na lang, tita."seryoso ito.
“Well, hindi naman kita pipilitin kong ayaw mo. Pero sabi niya kasi, sana daw makasama ka.”nakangiti si Tita Shiela.
Napatayo si Alexander mula sa pagkakaupo.”S-Sinabi niya, ‘yon? Sure ka, tita?”
Nakangiting tumango lang si Tita Shiela."So?"
“O-Okay sige. Sasamahan ko kayo para merong mag-aalalay sa’yo. Mahirap na, puro mga babae pa naman kayo. Saka kahit ayaw kong sumama, magtitiis na lang ako. Kelangan mo ako sa biyahe, tita." Nagkunwari pa ito.
Ngumiti lang si Tita Shiela. Nagsinungaling siya sa pamangkin sa sinabi niyang niyayaya din ito ni Angela. At least, muli niya itong nakitang masaya. Alam niya na si Angela lang naman talaga ang dahilan kung bakit nagiging malungkutin ito. Tama nga ang nararamdaman nitong pag-ibig sa dalaga.
UMAGA.
Nagulat sina Belen at Nana Loleng ng mapansin agad si Alexander sa sala. Nagbabasa ang binata ng magazine. Nakahanda na mga gamit nito. Nauna pa sa kanila ang binata. Masaya nilang nilapitan ito. Sinipat-sipat. Nagtataka naman si Alexander sa ginagawa ng dalawa.
"A-Anong problema?"taka niyang usisa.
“Sir, di ka naman excited?!”masayang usisa ni Belen kay Alexander.
Hindi sumagot si Alexander. Nahiya siya.
“Uy, gusto nang makita si Angela!”tukso ni Nana Loleng.
“Tumigil ka nga, Nana Loleng! Wala ako sa mood!”kunwaring galit si Alexander.
“Can this be love, Am I feeling right now…”kumanta si Belen.
"Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito..."hindi nagpatalo si Nana Loleng sa pagkanta. Sinabayan pa niya ng sayaw.
"Ano ba kayo?! Tumigil nga kayo! Ang corny n'yo!"si Alexander na naaasar.
Hindi tumigil ang dalawa sa kanilang mga ginagawa.
Pigil si Alexander na ngumiti at matawa. Kaya naaasar siyang nagheadphone na lang para hindi marinig ang panunukso sa kanya ng mga katulong.
Natawa lang si Tita Shiela sa mga nakita.
"Oi, tama na 'yan! Hala, sakay na sa sasakyan para makarating tayo ng maaga! Mahaba ang biyahe kaya tiyak umaga na rin tayo makakarating kina Angela!"aya ni Tita Shiela.
= = = = = = = = = = = = = = = =
On the way na sila kina Angela…
Excited much????
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomansaAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...