"Tita, I never push myself to be here. Hindi ko gusto ang place na ito. They insist to send me here!”galit si Siopao.
“No, they didn’t insist it. I do.”seryoso si Tita Sheila.
“What?! You? Why?”lalong umusok sa galit si Siopao.
“Because you needed it. Kelangan mo ng bagong environment. You need to do something different from what you always done. Change new routine. I know stagnant ka na. You have your life fill of dullness and frustration.”
“No, I’m not. I love my life there. I know what I am doing!”
Tumayo si Tita Sheila mula sa pagkakaupo.”You are lying. Nasa state of sadness ka pa rin. You are still mourning because of the loss of your girlfriend. Come on, it’s almost 4 years since Diana died. Move on.”
Natigilan si Siopao. Naluha itong yumuko."So that is your reason?"
“I know it is hard. Pero sa tingin mo magiging masaya si Diana kapag nakikita ka niyang nalulungkot at nasisira ang buhay? I don't think so. Wala kang kasalanan, Alexander.”
Marahan kong binuksan ang pinto. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Agad kong nadatnan sina Tita Sheila at Siopao. Nakatayo. Seryoso yatang nag-uusap.
“H-Hello po mam.”sabi ko na lang ng makita ko si Tita Sheilang tumingin sa akin.
“Pasok ka, Angela.”
Marahang lumakad ako papasok. Nahuli kong napatingin sa akin si Siopao. Ngek! Galit na naman? Over na ito ah!
“I want you to be Alexander’s girl friend.”seryoso si Tita Sheila.
“What?!”gulat si Alexander sa narinig.
Kahit ako nagulat din. Girlfriend ba kamo o girl friend? Di ko gets ah! Opps! Alexander? Alexander pala name ni Siopao.
“I mean girl friend.. Kaibigang babae.”
“Ayoko tita. Hindi ko kelangan ng ganyang kaibigan. She’s nothing to me!”galit si Alexander.
Ouch! It hurts! si Angela.
“Actually, hindi primary work ni Angela ang maging katulong dito. She’s here because I want her to be your friend. Since the death of Diana, nawalan ka na ng mga kaibigang babae. I want you to experience to talk to the girls with your same age. Honestly, this is my plan. Nasasaktan kami sa mga nangyayari sa buhay mo. Maybe this plan will work with the help of Angela.”
“It is crazy tita! A mere weird plan!”
“Weird na kung weird. But all I know this is for your own good. Please huwag mo nang kontrahin ang plano ko. Basta, this talk is over. Mula ngayon ituring mong kaibigan si Angela at hindi katulong. Malaki ang maitutulong niya saiyo. Alexander, just try this thing. Para naman saiyo lahat ng ito eh. Naaawa na ako saiyo.”
Umiling-iling lang si Alexander. Galit na naman siyang napatitig kay Angela. Then, nagmamadali na itong lumabas ng kwarto na tila hindi matanggap ang lahat.
“Let’s talk now, Angela. Marami akong sasabihin saiyo at ipapaliwanag.”
Ngumiti lang ako ng bahagya. Pero sa totoo lang, naguguluhan talaga ako. Bakit ganito ang magiging trabaho ko? Akala ko katulong lang ako? Pero mukhang iba yata ang magiging job description ko. Grabe! Mukhang madaming revelation ang sasabog dito!
"Maupo ka. Gusto kong malaman mo lahat ng story sa buhay ni Alexander. Gusto kong matulungan mo akong baguhin ang pamangkin ko. I desperately need your help, Angela."
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomansaAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...