Napangiti ako ng makita ko sina Tonyang, Antonya at Roda sa labas ng bahay. Papunta na kami kina Marlon...
Oo, kelangan kong magpanggap na okay sa kanila para wala ng mga tanong pa. Ayokong ipakita ang tunay kong nararamdaman sa araw na ito. . .
Excited pero mas nangingibabaw ang sakit...
Marami akong tanong na sa wakas mabibigyang sagot na rin. Si Marlon lang kasi ang pwedeng sumagot ng mga iyon....
“Alis na tayo.”simpleng yaya ko sa kanilang tatlo. Kabado.
“Tara na ba?”si Alexander na lumitaw bigla sa harapan namin.
“S-Sasama ka?”gulat kong tanong..
Napatingin si Roda sa akin.”Eh mapilit eh. Kaya wala na kaming nagawang tatlo kundi payagan siyang sumama.”
“No worries. Hindi naman ako manggugulo. I’ll behave for the sake of Angela.”ngumiti-ngiti pa si Alexander.
Napakamot ako ng ulo. Naiinis na lang ako na tiningnan siya.
“Gora na we?”si Tonyang.
Bago pa kami kumatok sa bahay nina Marlon, huminto muna ako saka huminga ng malalim. Then, bumukas ang pinto… si Marlon... Nakangiti.
“Marlon!”sigawan nina Roda, Tonyang at Antonya na napayakap sa binata.
“Wow! Buti nakapunta kayo? Andiyan na sa loob mga classmates natin. Kayo na lang inaantay namin, eh!”si Marlon na halos maipit sa yakap ng tatlo."Aray! Tama na ang yakap!"
"Sobrang namiss ka namin!"sigaw ni Roda.
"Ang bango mo!"sigaw ni Antonya.
"At ang gwapo pa! Yum Yum!"si Tonya.
"Weh?! Hahaha! Ewan ko sa inyo! Mga adik!"si MArlon.
Natigilan si Marlon ng mapansin niya si Angela.
“We bring Angela!”sigaw ni Roda.
Nagkatitigan kami ni Marlon. Masaya ang kanyang mukha. Nakangiti sa akin. Napansin ko ang malaking pagbabago sa kanyang hitsura. Pumuti ito ng husto. Namumula ang pisngi, ilong at labi nito. Ang dating payat na katawan nito ay nagkaroon ng porma. Mukhang naggy-gym na. Maganda ang suot. Sa kabuuan, lalo siyang gumwapo.
Lumapit si Marlon sa akin. Ewan ko ba, muli kong naramdaman ang kakaibang damdamin ko sa kanya. Kinabahan ako at nahiya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
“Hi, kumusta ka?”nakangiting bati ni Marlon sabay hawak sa kamay ni Angela.
Nagulat ako. Hind ko akalaing gagawin niyang hawakan ang kamay ko. Gusto ko sanang iwasan iyon pero huli na. Nag-init tuloy magkabilang pisngi ko. Umurong yata dila ko at hindi ako makapagsalita.
“Uy! Getting back together?!”tukso ni Antonya.
Napatawa si Marlon.”Hindi ka pa rin nagbabago talaga, Antonya! Number one fan ka pa rin namin ni Angela. Miss ko na nga rin ‘yung dating kami!”
Bigla kong hinila ang kamay ko. Umurong ako ng kaunti. Napasulyap ako kay Alexander. Tapos ay tiningnan ko si Marlon.
“A-Actually, gusto kong makita mga kaklase natin. Matagal na rin kasi akong walang balita sa kanila.”gumawa ako ng alibi. Ayokong matalo ng damdamin ko.
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...