TOUR sa MANSION

1.9K 37 1
                                    

Mahaba ang biyahe. Sa wakas nakarating na rin ng terminal. Haggard na ako! Nagmamadali akong bumaba ng bus. Ka-text ko si ate Loleng. Siya ang dating kasamahan ni nanay sa malaking bahay. Siya ang susundo at magdadala sa lugar na aking pagtatrabahuan.

Hindi naman naging mahirap ang paghahanap ko kay Nana Loleng, nakilala ko na rin siya noong minsa’y isinama siya ni Nanay sa baryo para magbakasyon. Mabait siya. Walang asawa. Choosy daw kasi siya pagdating sa mga lalaki. Type niya iyong mga maskulados at kalbo. Ngek? Kaya tuloy tumatanda na itong dalaga.

Wala pa rin itong pinagbago. Seksi at makulay pa rin ito manamit sa kabila ng edad nito. Madaldal. Nakikipag-Englishan pa. Nakakatawa ang visaya accent niya. Sumakay agad kami ng taksi papunta sa malaking bahay.

Napanganga ako nang nakita ko ang malaking bahay. Grabe, namangha na nga ako sa mga nakita kong malalaking building at malls sa aming biyahe, tapos, eto pa. Take note, dito pa ako titira! Amazing!

“Hello, pwede na tayong pumasok?!”si ate Loleng, sumingit. Ngek, tanda na naka-brace pa!

“A-Ang laki naman ng bahay.”nasabi ko na lang. Nakakakaba.

“Ay hindi… Ang liit nga eh, di tayo kasya!”

Napangiti na lang ako ng pilit. Epal naman pala kausap ito.

“Come on girl! Welcome and Thank You!”sigaw ni Ate Loleng.

Pumasok  na sa loob si Ate Loleng matapos mag-doorbell at pagbuksan ng isa pang katulong. Sumunod na lang ako sa kanya sa pagpasok.

Parang panaginip. Hindi ko naman akalain na mansion itong pagtatrabahuan ko. Grabe ang linis at ang daming mga gamit! Mamahalin pa! Akala ko sa panaginip ko lang makikita ang mga ito, hindi pala. Hayy!! Sarap naman tumira sa ganitong bahay!

Dinala ako ni Ate Loleng sa isang kwarto. Sa loob naroon ang isang kama at isang cabinet. Maganda ang kwarto. Maaliwalas ang kulay at malinis.

“Here is your room. Gets mo?”

“K-Kwarto ko lang ito? Parang malaki naman po yata?”umangal pa ako kunwari.

Nginitian lang ako ni Ate Loleng.”Bakit, type mo ba sa dog house?”

Napakamot na lang ako ng ulo. Nabara na naman ako ng matandang ito.

“Ayusin mo na mga gamit mo. Pagkatapos lumabas ka para mai-tour na kita dito. Then after, start your work.”si Ate Loleng. Umalis na itong abala sa pagte-text.

Grabe, di ako makapaniwala. Ang ganitong kwarto, parang kalahati na ito  ng aming bahay. Feeling ko tuloy di ako bagay sa ganitong lugar. Naks! I-down ba ang sarili?

Sumakit yata ang paa ko sa pag-akyat, paglibot at paglakad sa malaking bahay. Grabe sobrang laki kasi! Malaki ang sala, kusina saka kainan. May mahabang pool, mataas na terrace. Tatlong sasakyan. Maraming kwarto. Grabe!

“Take Note, lima tayong katulong dito. Ikaw muna ang naka-toka sa dining room sa sala at sa pool. Pero pagdating ni siopao, kaw na muna mag-asikaso sa kanya.”

“Siopao?”

“Amo mo. Anak ng may-ari ng bahay na ito. Kadarating lang ‘non galing Australia. Tatlong araw nang hindi umuuwi dito, mukhang gumimik na naman kasama barkada.”

“Siya lang po ba nandito?”

“Oo. Pero kasama niya tita niya. Si Mam Sheila. Same with me, pareho kaming single and ready to mingle!”malandi ang matanda.

Nginitian ko na lang si ate Loleng. Me ganon? Feeling bata.

“Nasa Australia na kasi buong angkan ng mga Smith. Si Mam Sheila na lang natitira dito. Di nga namin knows why umuwi si Siopao.”

“Half-pinoy si Siopao?”

“Oo, foreigner daddy niya, local naman mommy niya...”sabay tawa ni ate Loleng.

* * * * * * * * * * * * * 

Sino si SIOPAO?...

ALEXANDER and ANGELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon