Eksakto alas-singko nang umaga ng magising ako. Araw ito ng pag-aani namin ng kalamansi. Gising na sina Nanay, kasama niyang nagkakape sa baba sina Belen at Tita Shiela. Gustong sumama ng dalawa. Si Nana Loleng naman ang maiiwan para magluto ng pananghalian mamaya.
Niyaya muna nila akong kumain ng suman at magkape. Nakakatuwa naman at nadatnan kong nakakatawa ang pinag-uusapan nila. Si Belen kasi, nagkukwento ng tungkol sa mga kapalpakan niya sa Maynila. Hindi ko tuloy mapigilang matawa na rin.
Matapos mag-almusal ay nagkukuwentuhan pa kaming umalis at tumungo na doon sa taniman ng mga kalamansi.
Bago pa kami magsimulang mamitas ay bigla akong natigilan. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko.
Nakangiting papalapit sa amin si siopao. Nakapantalon lang at nakahubad ng damit. Pawis na pawis at tila pagod na pagod na ito.
“Good morning, guys… Good morning… babe.”bati nito sabay kindat sa akin.
Nagtawanan sina Nanay, Belen at tita Shiela.
“Madami na ba kayong nakuha?”nakangiting tanong ni Nanay.
“Nakaka-tatlong sako na po kami ni Ontoy. Ang bilis niyang mamitas eh. Akala ko po ang dali-dali lang gawin nito. Grabe, ang hirap pala. More patience dapat. But I’m so proud naman po sa nagawa na namin.”masiglang sagot nito.
“Obvious nga. Dami mo ng pawis, oh.”si Belen.
“Kumain muna kayong dalawa ni Ontoy. NAgdala kami ng almusal n’yo. Kami na muna ang magtatrabaho. Magpahinga na muna kayo.”si Tita Shiela.
“MAbuti pa nga, tawagin mo na si Ontoy para sabay na kayong kumain!”si Nanay.
“Okay po. Ako na po bahala!”nakangiti si Alexander.
Nagulat ako ng bigla niya akong kindatan bago siya umalis para puntahan si Ontoy.
“Ano hong ginagawa niya? Bakit siya nandito?”usisa ko.
Si Nanay ang sumagot.”Eh mapilit eh. Nalaman niya kasi mula sa pinsan mong si Ontoy na aani tayo ng kalamansi. Umalis sila kaninang alas-kuwatro pa para mauna na dito. Sabi niya kasi, ayaw daw niyang mahirapan ka pa kaya ayun… Wala na kaming nagawa.”
Napakamot ako ng ulo.
“Kinikilig ka na naman diyan.”usisa ni Belen sabay kurot sa tagiliran ko.
“Kilig ka diyan? Wala akong panahon sa mga ganyan.”kunwari naiinis ako.
“Asus! Haba lang ng hair. ‘no?”si Belen ulit.
Nagtawanan lang sina Nanay at Tita Shiela. Naiinis ko lang na tiningnan si Belen.
“Bahala nga kayo diyan. Magtatrabaho na ako.”sabi ko na lang tapos ay iniwan ko na silang tatlo.
Lapit ng lapit sa akin si siopao. Sobrang nagpapapansin ang mokong na ito. Buti na lang maganda araw ko kaya pinapabayaan ko na lang siya. Yup, minsan nakakatuwa din ang mga ginagawa niya. Ewan ko ba, pinipilit ko lang talaga na lumayo sa kanya.
“Manhid ka pa rin sa akin.”
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin. Katatapos lang naming lahat na kumain ng pananghalian. Nililigpit ko ang ilang mga gamit doon .
Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa paglilinis.
“Sorry na, oh… Please.”
Naaasar ko lang siyang tinitigan.”Tumigil ka nga. Umalis ka na. Baka kung ano pa sabihin nila. Nakatitig na sila sa atin, oh.”
“Wala naman ako o tayong ginagawang masama, ah. Uy! Conscious ka, ano?”
Nakangiti siya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinurot ko bigla ang ilong niya.
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...