A day sa ILOG...

1.3K 26 3
                                        

UMAGA….

Maaga akong pumunta sa tinutuluyang bahay kubo nina Tita Shiela. Agad akong kumatok sa kanilang kuwarto. Si Belen ang nagbukas. Gising na ang tatlo. Nagkukuwentuhan.

“Pupunta po tayo ng ilog ngayon… Doon po pwede tayo maglaba at maligo!”masaya kong sabi.

“Talaga? Sige, gusto kong subukang maglaba sa ilog!”si Tita Shiela na excited.

“Ako naman gusto kong maligo!”si Belen.                    

“Hala, gisingin mo na si Siopao sa kabilang kuwarto! Alam mo naman kung gaano katagal magising ang batang iyon!”utos ni Nana Loleng.

“A-Ako po?”gulat ako. Tinitigan ko silang tatlo. NAgmamakaawang iba na lang kung pwede... 

“Ikaw na lang. Dinedma mo na nga ng isang araw ‘yong tao eh!”si Belen na nagtaray.

Tumango lang sina Tita Shiela at Nana Loleng.

Sumimangot ang mukha ko. Wala na akong nagawa kundi lumabas ng kuwarto at dumiretso sa kuwarto ni Siopao.

Nakabukas ng bahagya ang pinto kaya marahan akong pumasok. Nakita ko siyang tulog. Tinawag ko ang pangalan niya. Tatlong beses… Tulog pa rin. Lumapit pa ako sa kanya… Nakakakaba talaga ang ganitong eksena.

Matagal ko siyang pinagmasdan habang tulog. Hindi ko alam pero lumulundag ng husto ang puso ko. Maamong-maamo pala mukha ng mokong na ito kapag tulog! Inilapit ko pa mukha ko sa kanya. Ewan ko ba, parang may magnet na nahihila ako papalapit sa kanya. 

Napapangiti ako. Inamoy ko siya. In fairness, super bango pa rin niya!

Bigla siyang nagising.

Sa sobrang pagkagulat at pagkataranta ko ay nasapak ko siya.

“Aray!”sigaw ni Alexander sabay hawak sa namumulang pisngi.

Umiwas ako sa kanya at mabilis na lumapit sa pinto. Kabado.

“G-Gumising ka na! May lakad tayo ngayon!”kunwari naasar ako.

“K-Kakausapin mo na ako?”ngumiti ito habang hinihimas-himas ang namumula pa ring pisngi.

“H-Hihintayin ko kayo sa labas.”sabi ko na lang. Tapos ay umalis na ako. Natataranta. Ewan. Pero awkward moment na naman ito.

Marahan namang bumangon si Alexander. Napangiti siya ng mapaupo sa papag.

NArating namin ang ilog. Suwerte dahil walang mga taong naliligo doon. Malinaw at malinis na malinis ang tubig na dumadaloy. Nagsipagtakbuhan na ang dalawa kong kapatid para maligo. Maging si Belen ay hindi na rin makapagpigil, natuwa na rin at nakipagsabayan na sa mga bata para maligo. Samantala, sina Tita Shiela, Nana Loleng at Nanay ay naghanap na ng lugar na pagpupuwestuhan para maglaba.

Napasulyap ako kay Siopao. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang buong paligid. Namamangha yata ito sa kanyang nakikita.

Ang linis-linis niya talaga tingnan. Ang puti-puti  at ang tangkad pa. Gwapo niya talaga... Inuusisa ko na naman siya...

Bigla itong tumingin sa akin. Ngek! Huli niya ako! Kainis!

Mabilis na lamang akong naglakad papunta kina Nanay at kunwaring tutulungan silang mag-ayos ng mga lalabhang damit.

“Kuya Alex! Kuya Alex! Maligo ka na rin!”sigaw ng dalawang bata.

“Alexander, pagbigyan mo na yang mga bata!”si Tita Shiela.

“Oo nga naman! Naghahanap ng mga kalaro yan! Ang sarap kaya ng tubig oh!”si Belen na masayang lumalangoy.

Ngumiti si Alexander.”No problem, tita! Miss ko na ring maligo sa pool. At least dito iba naman!”

ALEXANDER and ANGELAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon