EARLY MORNING.
PAGKATAPOS kong maligo at magbihis ay dumiretso na ako sa pool. Usual na routine ko ang linisin ito. Buti na lang di gaanong madumi. Wala namang gagawin kundi ang magtanggal ng mga nahulog na dahon sa pool.
Natigilan ako. Nakapagtataka nga lang na di yata maliligo sa pool si Siopao. Dati rati naman kasi lagi siya nandito. Minsan nauuna siya sa akin. Minsan naman bago ako matapos sa paglilinis ay dumarating na rin siya. Himala yatang wala siya ngayon. Buti naman. Mas okay nga na wala siya. At least panatag ako.
Pero iba nararamdaman ko eh… parang minsan nakaka-miss din ang mokong na iyon. Nakangiti akong tumalikod. Pero bigla akong nagulat nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko.
“Pumangit ka na ngayon.”seryoso niyong sabi.
Hindi ko alam sasabihin ko. Lakas ng kaba ng dibdib ko. Nagulat talaga ako sa kanya.
“Hey, do you hear me?”galit na naman ito.
“M-Maaga pa para manlait. Mag-almusal ka po muna kaya, sir.”tinarayan ko siya.
“I don’t want to. Besides busog pa ako.”lumapit siya sa aking nakapameywang.”Di ko gustong nakikita ka sa almusal ko. Nakakawalang- gana ka.”
“Sakit mo magsalita, ah. Ano bang kasalanan ko sa’yo para maging ganyan ka kasungit sa akin?”naasar na talaga ako.
Bahagyang ngumiti ito at muling sumimangot.”It’s none of your business. Pakialam mo.”
Lalakad na sana ito paalis pero mabilis ko siyang hinawakan sa braso. Napatigil ito at gulat na napatingin sa braso niya at huli sa akin.
“K-Kung meron man akong kasalanan sa’yo, humihingi ako ng sorry…”I mean it. Seryoso ako.
Hindi kumibo si Alexander. Nagkatitigan lang silang dalawa.
Binitawan ko na siya. Tapos umalis na ako papalayo.
Naiwang nakatayo si Alexander. Gulat siya sa ginawa ni Angela. Napayuko lang siya.
FEW MORE DAYS LATER…
Naiinis na si Alexander. Kanina pa siya bumubusina sa harap ng gate nila pero walang nagbubukas nito. Bumaba siya ng kotse niya at agad na sumilip sa loob. Biglang bumukas ang gate. Natigilan at nagulat siya ng mapansin ang kakaibang suot ng kanilang guard. Naka-BATMAN costume ito.
“Napano ka manong?”usisa niya.
Napakamot ng ulo niya ang matandang lalaki.”Sir, costume party kasi ni Angela.”Sabay tawa ito.
“B-Birthday niya?”
“Oho. Kaya naghanda sina Mam Shiela. Meron ka nga ring costume, eh. Kanina ka pa nila inaantay.”
“A-Ako?? May costume???”
Binuksan niya ang pinto. Nagulat siya sa malakas na music. Nagtatawanan ang lahat. Nagulat siya ng madatnang sumasayaw sina Belen, Nana Loleng, ang kanyang tita at iba pang mga katulong doon. Hinanap niya si Angela. Naroon ito at naghahanda ng pagkain suot ang DARNA costume niya. Halos mga naka-superhero custome ang lahat. Hindi siya makapaniwala sa nakikita sa kanyang tita. Aliw na aliw itong sumasayaw ka-partner si Nana Loleng.
Nakita siya ng kanyang tita. Agad na lumapit ito sa kanya sabay abot ng isang supot na merong laman.
“Hey, isuot mo na ito! Ikaw na lang hinihintay namin! Go!”sabi agad ng tita niya sa kanya.
“What is this, Tita? Ano bang nangyayari sa’yo?”inis siya.
“Come on, Alex. No more questions please. Just do it, okay. Join ka sa party!”
Napailing lang binata. Napatingin siya Kay Angela. Bahagya siyang nginitian nito.
Sa banyo, nagulat si Alexander ng buklatin ang isusuot na costume. SUPERMAN.
“My God! What the hell are we doing tita! Lakas ng trip n’yo!”naiinis niyang sabi habang nagbibihis na tila nagdadabog pA.
Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Nakita kong lumabas ng banyo si Siopao. Naka-superman costume ito. Halatang naaasiwa ito sa suot.
“Salamat naman, Sir, at nakadalo ka sa party!”masaya kong biro sa kanya.
Sumama lang mukha nito."It's all your fault! Paparty-party ka pa, ah."
"Si Tita Shiela may gusto nito. HIndi ko na siya natanggihan. Nahiya na ako. Matagal na pala nilang plano daw ni Nana Loleng ito."sabi ko.
"Whatever!"sabi lang nito na agad namang lumayo sa akin at naghanap ng lugar na pagtatayuan.
Nagpatuloy ang sayawan sa loob ng bahay. Masaya makipagsabayan kina Tita Shiela at Nana Loleng sa pagsasayaw. Kahit medyo dyahe kasi naroon si Siopao at nakatingin sa amin. Bahala siya! Basta ako, kami masaya! Join na lang siya kung gusto niya! Hehehe!
ALAS-DOSE NA ng matapos ang party! Napagod yata ang mga matatanda at nauna na silang nawala. Kami na lang nina Belen at ibang mga katulong ang natirang nag-ayos ng mga kalat.
Nakita ko si Siopao na paakyat nang hagdan. Mabilis ko siyang hinabol.
“Sir!”tawag ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin.
“S-Salamat sa pagtitiyaga mong sumali sa amin. Pasensiya na.”
Yumuko ito. Tapos muling tumingin sa akin at tumango lang.
Ngumiti ako sa kanya. Tumalikod.
“Excuse me!”si Siopao.
Napatingin ako sa kanya.
“H-Happy birthday.”maiksing sabi nito.
Tapos nagmamadali na itong umakyat ng hagdan.
Napangiti ako. For the first time, ngayon lang ginawa ni siopao iyon. Wow! Nakakatuwa naman! Pinasaya niya ako... Sobra!
= = = = = = = = = = = = = =
MAIKSI lang muna. Bawi ako next chapter!
What if nalasing si SIopao?
Revelation is up close!
Stay until the end!
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...
