Dinner Time.
Hindi ako makatingin ng diretso kay Siopao. Nakakahiya kasi nangyari kanina. Sa bagay, sino ba naman ang hindi makakatingin ng diretso sa isang taong laging magkasalubong ang kilay. Akala mo galit na galit sa mundo. Bahala ka nga. Bakit pa nga ba kita poproblemahin? Hindi ako papaapekto sa’yo.
“Angela, sasama kami ni Alexander sa pagsisimba n’yo bukas nila Nana Loleng at Belen.”si Tita Sheila.
Binitawan ni Alexander ang hawak niyang kutsara at tinidor.”What?! Tita, may lakad ako bukas!”
“Then cancel it. Don’t complicate life, Alexander.”seryoso si TitA Sheila.
Napatango na lang ang binata. Hindi na niya itinuloy ang mga sasabihin niya.
“Tell Nana Loleng about it, okay?”nakangiti si Tita Sheila.
“S-Sige po, mam.”
Tyempo na nagkatitigan kami ni Siopao. Galit na naman siya. At mukhang ako na naman ang may kasalanan. Kakalungkot naman. Ako na lang lagi!
Maaga pa lamang ay nakahanda na kaming tatlo nila Nana Loleng at Belen. Inaantay na namin sa sala sina Tita Shiela at si Siopao. Nakakahiya naman kung kami ang mag-aantay sa mga amo namin.
Bumaba na si Tita Sheila. Elegante ito sa suot nitong damit. Ganda ng ngiti niya sa amin. Gumanti din kami ng ngiti sa kanya.
Then si Siopao na ang bumaba. Nakasimangot pa rin ito at parang naiinis. Pero pansin ang kakisigan nito. In fairness, heartthrob na heartthrob ang dating nito. Yummy!
Sa loob ng kotse, habang papunta kami ng Baclaran. Masayang nakipagkuwentuhan si Tita Shiela sa amin. Tawang-tawa lang kami sa mga banat ni Nana Loleng. Kahit matanda na ito ay puno pa rin ito ng kakulitan at mga kwentong kahit corny na eh nakakatawa dahil sa tono ng boses nito lalo na ang Visayan Accent niya. Buti na lang at kayang-kaya ni Tita Sheila na makipagsabayan sa kanya.
Pinakiramdaman ko katabi ko. Si Siopao. Tahimik. Busy sa pagte-text. Naka-headphone at nakatanaw lang sa labas ng sasakyan. Kahit kelan kill joy pa rin ito. Walang sense kasama. Malalim.
Simula ng umalis kami ng bahay hanggang sa matapos ang simba, walang kibo lang si Siopao. Sinadya nga talaga nitong dalhin ang malaking headset niya. Doon na lang siya nagpaka-busy. Sa pakikinig ng music. Ewan! Masyado ko na yata iniintindi itong mokong na ito! Bahala nga siya sa trip niya!
Sumakay na kami ng sasakyan. Agad na sinabi ni Tita Shiela sa driver na idiretso ang kotse sa mall.
Masarap pala kasama si Tita Shiela. Masayahin at pala-kwento. Kwela din saka nakikisabay sa kung anumang trip ni Nana Loleng at Belen. Hindi lang iyon ah, heto at dinala niya pa kami sa isang mamahaling restaurant para kumain. Dami niyang inorder na pagkain! Super bait niya talaga!
“After this, diretso tayo sa salon… Grant ko lang request ni Nana Loleng na magpa-ganda!”si Tita Shiela.
Nagulat si Nana Loleng at napasigaw sabay halik sa pisngi ni Tita Sheila.”Salamat! Sa wakas, magiging mukhang artista na rin ako!”
Tawanan kaming lahat. Nahuli kong ngumiti si Siopao. Pero binawi niya ito ng mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Sus! Arte talaga nito!
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...
