TRESPASSING ako!

1.3K 20 5
                                    

Umaga, inutusan ako ni Nana Loleng na kunin ang mga labada sa kwarto ni Siopao. Nag-alangan ako. Baka kasi andoon pa sa loob ng kwarto niya ang halimaw. Pero sabi nila Belen, kanina pa daw umalis ang mokong na iyon. Napanatag ako. Kaya naman mabilis ko nang tinungo ang kwarto niya.

Marahan kong binuksan ang pinto. Napasilip ako sa loob. Tahimik. Wala nga si Siopao. Pumasok ako. Pinagmasdan ko ang buong kwarto. Grabe! Ang gulo! Nagkalat mga magazines, libro at ang mga damit. Kala ko ba nakalagay sa laundry basket mga damit nitong mokong na ‘to? Sinungaling naman si Nana Loleng. Inumpisahan ko ng pagdadamputin ang mga damit at inayos ang ilang mga gamit doon.

Oops! Wait! Napansin ko ang picture frame na nasa ibabaw ng kama. Nakita ko ang mukha ng isang magandang babae. Ito siguro ang namatay niyang girlfriend. Maganda nga. Sobrang ganda. .. Kaya naman pala sobrang maka-emote si Siopao, halos perfect na ang girlfriend niya oh.

Bumalik na ako sa pag-aayos ng mga kalat doon. Natigilan ako ng mapansin ko ang isang brief niya na nasa sahig. Ngek! Pupulutin ko ba iyan? Kadiri naman! Bahala na nga!

Marahan kong kinuha ang underwear.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

Si Siopao pumasok!

Napahinto ito ng makita niya ako. Nagsalubong na naman mga kilay ng halimaw!

“What are you doing here?”galit na galit.

“Uhm… I-Inutusan ako ni Nana Loleng kunin mga labahin mo.”kinabahan na naman ako.

“Anong ginagawa mo sa underwear ko?!”seryoso.

Oops! Naman! Hawak ko nga pala brief niya. Kakahiya!

Mabilis na lumapit si Siopao sa akin at agad na inagaw ang hawak kong brief.

“Bastos ka talaga, no? Hinawakan mo pa? Manyakis ka!”galit ito.

“Hindi ah. Akala ko kasi labahin din.”umiinit pisngi ko. Dyahe!

Galit na nakatitig si Siopao sa akin. Namumula pisngi nito. Then dumiretso agad ito sa banyo at isinara ang pinto.

Nagmadali na akong tumakbo papalabas ng kwarto. Baka kasi mag-transform na si Siopao!

Tawanan sina Nana Loleng at Belen ng ikuwento ko sa kanila ang nangyari. Nainis lang ako sa dalawa. Pero sobrang awkward moment talaga ang nangyari kanina. Sobrang nakakahiya!

= = = = = = = = = = = = = = 

Hahaha! Grabe 'yon Angela ah!

ALEXANDER and ANGELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon