Halos alas-sais na nang umaga ng makarating sina Alexander sa lugar nina Angela. Muntik pa nga silang maligaw sa paghahanap sa barangay ng dalaga. Mabuti na lamang at may isang lalaking nag-magandang loob na ituro sa kanila ang eksaktong bahay nila Angela. Huminto ang van sa tapat ng bahay ng dalaga. Bumaba na silang lahat. Agad naman silang sinalubong ng nanay ni Angela, kasama ang ilang mga kamag-anak nito.
“Ludy! Kamusta?!”masayang bati ni Tita Shiela sa nanay ni Angela.
“Mabuti naman po, ma’m. Maligayang pagdating po sa amin! Kayo po kamusta?”nakangiting bati ni Ludy.
“Okay naman kaming lahat. Masyadong malayo pala ang lugar n’yo. Pero sobrang nag-enjoy ako sa mga nakita ko sa daan.”
“Sumakit nga katawan ko eh!”reklamo ni Nana LOleng.
“Ganyan talaga pag matanda na, Loleng!”si Ludy.”Pero lalo kang gumaganda, ah!”
“Eh kasi naman may bagong crush yan sa kabilang bahay!”si Belen.
Tawanan ang lahat. Napangiti lang si Alexander habang tinititigan ang nanay ni Angela.
“By the way, nasaan si Angela? Miss ko na ang batang , ‘yon?”tanong ni Tita Shiela.
“Aba’y pumunta ng bayan kasama mga kapatid niya. Pero padating na ang mga iyon. Kanina pa sila umalis eh.”sagot ni Ludy.
“Ganon ba? Sobrang maganda ang lugar n’yo ah. Tahimik at sariwa lahat!”
“Siya ba si Alexander?”tanong ni Ludy sabay turo sa binata.
Ngumiti si Alexander.”G-God morning po, tita.”
“Anak nina Clarence. Lumaki na ‘yan sa Australia kaya hindi mo na nakita sa mansion.”si Tita Shiela.
“Ganon ba.. Hala, sige, pasok na tayong lahat sa bahay. Pasensiya na kung maliit lang.”
Aktong lalakad na sana ang lahat papasok sa bahay ng biglang huminto ang isang trisikel. Napatingin silang lahat dito. Unang bumaba ang dalawang bata doon. Tapos si Angela….
Una ko agad na nakita si Alexander. Ngek! Bakit nandito ang mokong na ito? Kainis naman, oh! Sumama yata araw ko, ah. Kala ko sina Tita Shiela, Nana Loleng lang at Belen ang darating. Badtrip!
“Angela!”tawag ni Belen. Tumakbo pa ito papalapit sa dalaga.Tapos ay nagyakapan ang dalawa.
“Kamusta na?”excited akong muling makakuwentuhan si Belen.
“Heto, sexy pa rin! Miss ka na namin! Grabe ka, lalo kang gumanda, ah!”masaya si Belen.
“Bola mo!”
Lumapit din ako kina Tita Shiela at Kay Nana Loleng. Masaya ko silang niyakap. Natutuwa akong makita silang muli. Naiyak pa nga ako.
“Kasama namin si Siopao!”sabi ni Belen.
Kunwari hindi ko narinig sinabi ni Belen.”Tara na! Pasok po tayo sa loob!”
“Hoy, si Alexaner oh!”sambit ulit ni Belen.
Kinurot ko na lang si Belen at hinila ito papasok sa bahay…
![](https://img.wattpad.com/cover/1154030-288-k347666.jpg)
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...