A Day with Siopao

1.3K 22 1
                                    

SUNDAY MORNING…

Nagpaalam na kami ni Belen kay Tita Sheila. Magsisimba kami tapos diretso na sa mall para manood ng sine. Off naming dalawa kaya excited kami.

Bumaba ng hagdan si Siopao. Mainit na naman ulo nito ng mapansin ko.

“Alexander, samahan mo na silang magsimba.”si Tita Sheila.

Natigilan si Alexander at nagulat.”What? No, I’m not.”

“Do it or I will cut off your allowance?”

Natigilan si Alexander. Napatingin ito sa akin.”Alright. I will.”

Ngek! Kasama namin si Siopao na magsisimba? Eh gagala pa kami after eh? Nakaka-conscious ito ah. Maiilang ako kumilos nito!

Isinakay kami ni Siopao sa kanyang kotse. Bumiyahe kami papuntang Baclaran. Tahimik lang kami sa saskyan. Wala ni isa mang nais mag-ingay.

Opps! Sumama siya sa amin sa loob ng simbahan. Katabi ko siya sa upuan. Grabe! Mas nagiging exciting din pala kapag ang ganito ka-gwapong lalaki eh nagsisimba! Seryoso nga lang. Pero at least ramdam ko naman sincerity niya.

After the mass, tinanong niya kami kung saan kami didiretso. Sabi ko sa mall. Inihatid niya kami doon. Nakakatawa naman! ANg bait niya ngayon ah! Nakapag-simba lang kasi siguro? Nakunsensiya? Bahala na… At least kahit sa araw lang na ito eh nakita ko siyang mabait at hindi halimaw!

“I gonna wait here okay…”sabi ni Siopao.

Nagkatinginan lang kami ni Belen.

“Eh manonood ho kami ng sine.”si Belen.

“Matagal ‘yon.”dugtong ko.

“Okay, okay, sasamahan ko na kayong manood. What film ba?”

“Unofficially yours eh.”sagot ko agad.

Nagsalubong ang kilay ni Siopao.”Love story?”

Tumango lang ako. Asa pa! Aatras na ito.

“Let’s go.”aya nito sabay labas ng kotse.

NAgulat kami ni Belen, nagkatinginan.

Nagkakatinginan lang kami ni Belen habang naglalakad papuntahang sinehan. Mabilis maglakad ni Siopao at busy lagi sa phone niya. Todo habol tuloy kami ni Belen sa mokong na ito! Parang walang kasama lang!

Naglabas agad ng pera si Siopao. Inutusan niya si Belen na bumili ng tiket. Ako naman, inutusan niya akong bumili ng popcorn.

Nakakawindang oh! Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari! Sa araw na ito, kasama namin si Siopao, manonood ng sine. Love story pa. Nanlibre pa ang halimaw! Ang init ah! Unexpected!

Sa sinehan, lihim akong napapasulyap kay Siopao. Gusto kong Makita expression ng mukha nito habang nanonood ng sine. Magkatabi sila ni Belen, buti na lang. Ayun, busy sa pagte-text at mukhang nababagot pa ito sa ayos ng upo nito.

Pero isang beses, nahuli ko siya! Nakatutok sa pelikula! Pansin ko sa mukha nito ang ngiti at para pa ngang kinikilig! Tumawa ako sa isipan! Grabe! Cute niya pala pag ganoon! Nakangiti at masaya. Sana lagi siyang ganoon!

Natigilan ako! Ngek! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya! Sama na naman tuloy ng tingin niya sa akin! Wah! Kahiya naman oh!

Pagkatapos manood ng sine ay agad kaming dinala ni Siopao sa isang resto para kumain. Tahimik lang kaming kumain, at hanggang ngayon sa sasakyan pauwi, tahimik pa rin.

“S-Sir salamat po sa lahat…”sabi ni Belen na ngumiti.

Hindi sumagot si Siopao. Nagkatinginan lang kami ni Belen.

“Nagustuhan mo ba pelikula, sir?”tanong ni Belen.

“Corny. Baduy!”seryosong sagot agad nito.

“Nakaka-inlove nga eh!”sabat ko.

“Masyadong mababaw ang pelikula. Wala kang mapapala.”si Siopao.

“Meron naman. Love is complicated. Minsan masasaktan ka…”sabi ko.

“That’s stupid.”sabi lang nito.

Nagkibit-balikat na lang ako. Napatingin kay Belen. Wala talagang sense kausap ang halimaw na ito! Wala kang mapapala! Masyado kasing mainit ulo!

     = = = = = = = = = = = = = = == = = = = = 

Relax, Angela! Baka next time makita mo na siyang masaya!

ALEXANDER and ANGELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon