PAST ni ALEXANDER

1.5K 21 0
                                        

Galit na isinara ni Alexander ang pinto ng kanyang kuwarto. Diretso siya sa kanyang kama. Nahiga. Parang batang niyakap ang kanyang unan. Sinimulan na niyang umiyak...

Para sa kanya, perfect na perfect na ang buhay nila ng kanyang pamilya sa Australia. Pero mas naging more than perfect ito ng makilala niya ang kanyang first girlfriend no other than Diana. Diana is a half-Filipino and a Half-British girl. Naging kaklase niya ang dalaga since junior year sa high school. Unang pagkikita pa lamang nila, naging komportable na sila sa isa’t-isa. Yup, 3 weeks niyang niligawan si Diana. Noong sinagot siya nito, sobra siyang naging masaya. People say, they are almost perfect for each other. Maraming natutuwa sa kanilang partnership...

Diana is very sweet, happy and crazy! Kaya nitong makipagsabayan sa lahat ng gusto niya. Marami silang similarities kaya hindi sila nawawalan ng mg HAPPIEST moments. Diana is a talented person also. Magaling itong sumayaw at kumanta. Almost every day ay kinakantahan siya nito...

For over four years, naging matibay ang relationship nila. Bihira ang tampuhan, mas marami ang masasayang moments nila together...

Hanggang one night… Habang masaya silang pauwi galing sa isang birthday party. Siya ang nagmamaneho noon ng kotse nang biglang nakiusap si Diana na siya muna ang magda-drive. Gusto daw kasi ng dalaga na matutong magmaneho. Tumanggi siya noong una dahil alam niyang basic pa lamang ang alam ng girlfriend sa pagda-drive. Ngunit dahil sa paglalambing nito at pamimilit sa kanya, pumayag siya. Ilang minute pa lamang na nagda-drive noon si Diana ng biglang isang mabilis na truck ang sumalpok sa kanilang kotse. Dito na siya nawalan ng malay… Tanging narinig na lamang niya ang mahinang pagtawag sa pangalan niya ni Diana…

Diana is in a critical comatose… Two weeks itong walang malay… Hanggang sa namatay ito na hindi man lamang nakikita ni Alexander…

Sa libing na lamang ng dalaga siya nakapunta… Isang araw na halos hindi niya makayanan. Isang araw na pinakamasakit at pinakamalungkot… Wala na sa kanya si Diana…

Biglang napaupo si Alexander at napasigaw habang umiiyak. Masakit na masakit pa rin sa kanyang alalahanin ang lahat ng nakaraan niya kasama si Diana. Nahagip ng kanyang mata ang larawan nito sa tabi ng kanyang kama… Lalo siyang naiyak….

“Kaya pala Siopao tawag sa kanya, kasi mataba siya lalo na ang kanyang pisngi niya noong bata pa siya at mahilig kumain ng siopao…”kwento ko kay Belen, isa sa mga katulong doon na kasing-edad ko lamang.

“Parang ‘yan din sinabi sa akin noon ni Nana Loleng… Sobrang taba daw talaga niya noong bata pa iyan, tapos namumula pa pisngi.”sabi ni Belen habang naghihiwa ng patatas.

“Hindi naman daw ganyan kasungit si sir Alex sabi ni Tita Sheila… namatay daw kasi girlfriend niya.”

“Ganon? Kawawa naman pala. Kaya pala minsan nakatulala lang iyan saka tahimik. Laging nagkukulong sa kwarto niya.”si Belen.

“Sa tingin mo, ano kaya pwede kong gawin para tulungan siya? Sabi kasi ni Tita Sheila, kelangan lang daw talaga ni Sir Alexander ng taong makakausap at magpapasaya sa kanya… Hindi ko nga alam kung bakit ako kinuha nila. Takot kaya ako sa lalaking iyon! Halimaw nga sa paningin ko iyon eh!”sabi ko.

“Eh gawin mo na lang ang lahat para makatulong ka. Kung halimaw man siya, sa tingin ko magagawa mo siyang maging isang anghel!”sabay tawa ni Belen.

Napatawa na rin ako. Pero sa totoo lang kinakabahan ako… Mahirap ang gagawin ko. Lalo na’t halimaw sa aking paningin ang Alexander na iyon!..  Sa kabilang banda, malungkot din pala naging buhay niya. Kaya pala siya ganon… 

= = = =  = = = =  == ==  = = = = = = 

Let's start the Fight!

ALEXANDER and ANGELAMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon