Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok na si Siopao sa loob ng dining room. Sumimangot agad ito ng mapakita niya ako. Sama ng tingin.Grabe! Taray ah! Parang bakla!
Minadali ko na ang pag-aayos ng mga pagkain sa mesa. Tapos ay mabilis na akong lumabas at dumiretso ng kusina.
Sa wakas! Nakaligtas din ako sa halimaw! Kakatakot!
“Pakidala nitong juice ni Siopao.”
Sabog! Inutusan ako ni Nana Lelong! Oh my God, hindi pwede!
“Hoy, ano ba? Dalhin mo na ito sa kanya?”si Nana Loleng.”Doon ka lang sa loob. Antayin mo siyang matapos kumain, okay?”
Patay na talaga! KAhit labag sa loob ko. Kahit susukluban ako ng takot. Kahit feeling ko kakainin ako ng halimaw na Siopao na iyon… Heto, kinakabahan akong pumasok muli sa loob.
Ayun, tumigil sa pagkain si Siopao ng mapansin niya ako. Tinitigan na naman niya ako ng masama. Gwapo sana kaya lang pumapangit dahil nakasimangot.
Marahan kong ibinaba ang juice sa mesa. Then, pumuwesto na ako sa tabi ng dingding.
Muling nagpatuloy sa pagkain si Siopao. Tahimik ito. Minsan napapatingin sa kanyang cellphone at magtet-text.
Ang swerte naman talaga ng lalaking ito. Masasarap ang kinakain. Iba-ibang uri ng pagkain. Almusal lang iyan ah. Kami nga, sa umaga okay lang kahit na kamoteng kahoy saka kape… Hmm, marami ngang pagkain , wala namang kasama. Hindi tulad sa amin na hindi pwedeng kumain ang isa pag hindi kumpleto. Saka masaya kaya pag marami kayong kumakain, meron kang kasalo at kakwentuhan… Hindi tulad ni Siopao na parang ewan lang… tahimik, boring… Marami ngang pagkain, masasarap pa, pero walang tatalo pag nariyan mga mahal mo sa buhay… Toink! Natigilan ako. Ngek! Masama titig ni Siopao sa akin!
“Are you hungry?!”seryoso at naiinis si Siopao.
“P-Po?”sagot ko na lang. Nakanganga na pala ako at muntik nang tumulo laway ko. Gross!
“Isara mo nga bibig mo. Nakakawalang-gana ka.”
Hindi na ako sumagot. Napayuko na lang ako.
“Give me some water.”
Walang feeling man lamang kung makautos! Kinuha ko ang pitsel at lumapit sa kanya. Dahil super taranta talaga ako sa kanya, bigla kong naibuhos lahat ng tubig at napatapon ito sa kanyang damit at pants.
Patay na naman ako! Ang tanga mo talaga Angela!
Napatayo si Siopao at napatingin sa kanyang damit. Then, galit na naman siyang napatitig sa akin.
“You’re such an idiot! Sinisira mo talaga araw ko! How dare you!”
Aray! Sakit! Hindi ako iyakin pero muntik na akong maiyak talaga. Ngayon ko lang nararanasan ang mga ganitong masasakit na salita.
“Get out of this room!”sigaw ni Siopao.
Hindi ako makakilos. Frozen ako.
“I said get out and get lost! Mahirap bang intindihin iyon?!”galit na talaga si Siopao.
Bumukas ang pinto. Isang babaeng nasa kalagitnaan ang edad ang pumasok kasunod sina Nana Loleng.
“What is happening here?”tanong ng babae.
Kumalma si Siopao. Agad na humalik sa pisngi ng bagong dating na babae.
“Hi, tita!”bati ng binata.
“Loleng, siya ba ang anak ni Ludy?”tanong ng babae na napatingin sa akin.
“Oo. Kadarating lang kahapon.”nakangiting sagot agad ni Nana Loleng.
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
Roman d'amourAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...