“Magre-resign na po ako.”maiksi kong sabi.
Napatigil sa pagkain si Tita Shiela. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Tiningnan ko si Siopao. Wala namang ipinagbago sa ikinilos niya. Tuloy siya sa pagkain.
“Hindi nga? Bakit, anong problema?”nag-aalala ito.
“K-Kukunin ko na lang po ‘yung inaalok n’yong scholarship. Itutuloy ko na lang po pag-aaral ko. Nami-miss ko na po kasi pamilya ko.”hindi ito ang totoong dahilan ko.
Napatingin si Tita Shiela kina Belen at Nana Loleng. Tinitigan niya ako.
“O-Okay. Wala akong magagawa kung ganyan decision mo. Pero nakakalungkot lang na aalis ka na dito.”
“Pwede naman po siguro akong dumalaw dito kahit isang beses sa isang buwan para mabisita ko kayo? Pwede po ba?”
Ngumiti ito.”No problem, Angela. Welcome na welcome ka dito. Kasama ka na sa mga importanteng tao sa bahay na ito.”
Ngumiti ako.”Maraming-maraming salamat po!”
Lumapit si Belen sa akin. Umupo sa tabi ko. Tinigil ko ang pag-aayos ng aking mga gamit. Tiningnan ko siya.
“Sure ka na ba?”malungkot ito.
Ngumiti ako ng bahagya.”Final decision ko na ito. Masakit man sa akin na iwan ka, iwan sila Tita Shiela at nana Loleng, pero kelangan eh. Ayokong hintayin ang pwede pang mangyari sa amin ni Siopao. Gusto ko na siyang iwasan at kalimutan. Mali ang nararamdaman ko…”
Niyakap ako ng mahigpit ni Belen. Hinawakan niya mga kamay ko.”Basta huwag na huwag kang makakalimot sa akin. Sayang nga lang, wala kang cellphone para text-text na lang tayo.”
“Mahal eh. Walang pambili.”
“Dalawin mo na lang kami dito minsan. Sigurado ka bang hindi masakit? Mawawalay ka sa kanya?”
“Premature pa lang ito. Kaya sa tingin ko, kaya ko pa… Saka magiging busy din naman ako sa pag-aaral. Makakalimutan ko siya sigurado.”Ngumiti ako kay Belen. Pero deep inside, masakit na masakit…
Nagkasalubong kami ni Siopao sa pool. Hindi na ako nakaiwas sa kanya. Tulad ng dati, masama na naman titig niya. Nagbalak akong lumayo, pero…
“Ang sama mo. Ang sama-sama mo… Selfish ka!”galit si siopao.
Napahinto ako. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Wala naman akong natatandaang kasalanan ko sa kanya. Nainis ako. Lumapit ako sa kanya.
“Ano bang problema mo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama ah?”inis kong tanong sa kanya.
Umiling si Siopao.
”You know what, you’re so unfair! Bakit ka pa kasi dumating dito? Bakit ka pa dumating sa buhay ko?!”mataas ang tono ng boses niya.
“Ang hirap kasi sa’yo hindi mo pinupunto ang gusto mong sabihin sa akin? Kung may galit ka, sabihin mo. Kung may nagawa akong mali sa’yo, sabihin mo! Hindi ako manghuhula para malaman kung anong problema mo sa akin!”galit na rin ako. Tumaas na tono ko. Sobrang asar na ako sa kanya!
“Mas okay ngang umalis ka na lang dito. Mas magiging panatag ako. Mas magiging masaya ako pag wala ka. Isa ka lang sa mga problema ko!”
Hindi ko alam pero biglang tumulo mga luha ko. Dyahe! Nakita niya akong umiyak! Sakit niya kasing magsalita! Nagmumukha akong kawawa! Ano ba kasi talaga problema?
“S-Sorry… Kung may nagawa man akong kasalanan.”sabi ko na lang. Pinahid ko mga luha ko. Tapos nagmamadali na akong umalis papalayo sa kanya.
Tumalikod si Alexander. Doon, pumikit siya. Hinayaan niyang tumulo mga luha niya.
“I’m so sorry… I hate myself more, Angela… I can’t fight for what I’m feeling for… Ayoko lang masaktan ulit...”
Gulat si Tita Shiela sa kanyang napansin kay Alexander matapos niyang makita ang pamangkin na nakatayo sa pool. Umiiyak ito…
Lumapit siya sa pamangkin.
“What’s wrong, Alex?”pag-aalala ng matanda.
Umiling ito. Pinahid ang mga luha sa mata.”Let her go, Tita. Let her go…”
“Si Angela?”
“I hate myself. I never expected this to happen…. Tita, I-I am falling for her…”umiiyak si Alexander.
Gulat si Tita Shiela sa kanyang narinig. Agad niyang niyakap ang pamangkin.
“Stop crying, Alex… There’s no wrong in loving her…"
Humigpit ang yakap ni Alexander sa kanyang Tita.
MAAGA pa nang magpaalam ako kay Nana Loleng. Pagkatapos ay nagpaalam na rin ako sa iba pa at kay Tita Shiela. Malungkot ang araw na ito. Wala si Siopao. Nakakainis lang kasi aalis akong may samaan kami ng loob.
Si Belen ang maghahatid sa akin papuntang terminal ng bus. Lumabas na kami ng mansion.
Nasa loob ng kuwarto niya si Alexander. Nakadungaw lang ito sa bintana. Nakita niya kanina ang paglabas nina Angela at Belen ng mansion. Sobrang masakit sa kanya ang pag-alis ni Angela…
= = = = = = = = = = =
Kalungkot?
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomantikAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...