Umupo na ako. Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Nandoon na sina Belen at Nana Loleng na nagkukuwentuhan kasama si Nanay habang nag-aalmusal sila. Agad na binigyan ako ni nanay ng kape saka pansit.
“May sakit k a ba? Matamlay ka yata?”usisa ni Nanay sa akin.
Umiling lang ako. Humigop ng mainit na kape.
“Di ka ba nakatulog? Parang puyat ka pa?”si Belen.
Tama si Belen. Hindi nga ako nakatulog. Paulit – ulit na bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa amin ni Siopao doon sa lumang kubo kagabi. Gabing hindi ko alam kung bakit nangyari. Marami akong mga katanungan at marami din akong bagay na hindi makalimutan. Ang mga katagang "I LOVE YOU" na sinabi niya.. At ang pangalawang halik na sadyang buhay na buhay pa sa isipan ko...
“Di ka na makasagot? May problem ka bang bata ka, hah?”si Nana Loleng.
“W-Wala ho. Medyo napagod lang po yata ako.”malungkot kong sagot.
Nagkatinginan na lamang sina Nanay, Belen at Nana Loleng...
Biglang pumasok sa kusina si Tita SHiela. Natataranta itong lumapit sa amin.
“Si Alex, ang taas ng lagnat niya!”sabi nito.
Nagtayuan na kami. Tapos sabay-sabay na kaming lumabas patungo sa kabilang bahay. Nagmamadali kaming pumunta sa kuwarto ni siopao. Doon namin siya naabutan na nakatalukbong ng kumot, niyayakap ang sarili at nanginginig sa higaan nito.
Agad na lumapit sina Nanay at Nana Loleng. Tinanggal nila ang kumot sa mukha nito. Pawis na pawis ito. Nakapikit at nanginginig. Hinimas-himas nina Nanay at Nana Loleng ang noo, leeg at paa ni siopao.
“Anong nararamdaman mo, Alexander?”tanong ni Nanay.
Hindi ito sumagot.
“Angela, tawagin mo si Nanang Susan. Pakisabi may ipapagamot tayo!”utos ni Nanay sa akin.
“H-Hindi ba tayo tatawag ng doctor?”tanong ni tita Shiela.
“Hindi muna. Masyadong napagod lang ang katawan niya, tapos naulanan pa kagabi. Ipapahilot na lamang muna natin kay Nana Susan. Tapos papainumin natin siya ng herbal.”sagot ni Nanay.
“Huwag kang mag-alala, Shiela. Mas magandang gamutin muna natin siya gamit ang mga herbal na dahon. Mas mabisa iyon kesa sa mga gamot diyan sa botika."si Nana Loleng.
After an hour...
Naging okay na rin ang lahat. Tumigil na ang panginginig ni siopao. Nahilot na rin ito at napainom ng mga halamang-gamot. Sabi ni nanay ay kelangan lang itong magpahinga ng mabuti. Nakatulog na rin daw ito matapos na pakainin ni Tita Shiela.
Sinadya kong puntahan siya sa kuwarto matapos kong mapansin na abala na silang lahat sa pagluluto ng pananghalian.
Binuksan ko ang pinto ng kuwarto niya. Natutulog pa rin si siopao. Mapapansin mo na sa kanya na panatag na ito at wala ng iniindang sakit. Umupo ako sa higaan niya. Pinagmasdan ko siya. Masaya ang puso kong maayos na ang kalagayan niya. Hindi ko alam pero ramdam ko ang ligaya pag nasa tabi ko siya...
“Pinag-alala mo ako kanina. Akala ko kung ano na nangyari saiyo. Nainis na naman tuloy ako sa’yo. Buti naman at okay ka na…”mahinang wika ko.
Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay. Mainit pa rin ito.
“Konting tiis na lang… Mahirap magpanggap na hindi kita mahal... Mahirap kang iwasan. Sa palagay ko nga ikaw na ang lalaking magmamahal sa akin ng lubos... Ewan ko ba, siguro takot lang talaga ako. Hindi ko kasi matanggap na si Diana pa rin nasa puso mo… “
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...