CRUCIAL things and DECISIONS

1.2K 20 2
                                    

Abala si Ludy sa paghahanda ng tanghalian katulong sina Nana Loleng at Belen. Inihain na nila ang mga pagkain sa mesa. Kapansin-pansin na tahimik ang lahat. Wala doon si Angela.

“H-Hindi po kakain si Angela, tita?”tanong ni Alexander kay Ludy.

Napatingin muna kina Tita Shiela, Nana Loleng at Belen si Ludy. Tapos ngumiti ito ng bahagya kay Alexander.

“H-Hindi eh. Masama lang daw pakiramdam niya. Mamaya na lang daw siya kakain.”malumanay na sagot nito.

“Baka ho magutom siya. Ano ho bang nararamdaman niya?”nag-aalala si Alexander.

“Ah, Masakit lang yata ang ulo. Pero kakain din naman agad iyon. Huwag kang mag-alala. Mamaya pipilitin kong kumain ang batang iyon. Sige na, kumain na tayo!"

Ngumiti na lang ng bahagya si Alexander. Tapos kumain na ito.

Nagkatinginan lang sina Ludy at Tita Shiela.

Parang ayokong gumalaw sa mga oras na ito. Nakahiga lang ako sa papag.  Nakatitig sa kisame. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong kanina pa tumutulo. Mahirap ang naging desisyon ko. Pero sa tingin ko iyon na ang tamang paraan para kahit papaano ay makalaya na ako sa kalungkutan at sakit na matagal ko nang nararamdaman. Hay, grabe naman talaga! Bakit naging teleserye ang buhay pag-ibig ko?... PArang mahihirapan na akong hanapin ang kaligayahan ko….

Wala na akong magagawa kundi hayaan na lang ang lahat. Umiyak. Mag-isip. Masaktan.

Napansin ni Ludy si Alexander na nakaupo malapit sa punong manga. Tahimik ang binata. Parang may malayong iniisip ito. Lumapit siya dito.

“Mukhang nag-iisa tayo, ah? Siguro boring ka na dito sa amin?”nakangiti si Ludy.

Napatayo agad si Alexander ng makita si Ludy.

“Tita, kayo pala… Wala lang hong magawa kaya tambay muna dito.”nakangiti si Alexander.

“Ayaw mo bang sumama sa tita mo? Pupunta sila ng ilog mamaya. Maglalaba daw sila.”

“Hindi po muna. By the way tita, kumain na po ba si Angela?”

“Hindi pa nga eh. Busog pa raw siya. Mamaya na lang daw.”

“Nasaan po siya ngayon? Okay na po ba kalagayan niya?”

“Kaw talagang bata ka. Masyado kang concern na concern kay Angela. Parang ang swerte-swerte niya tuloy sa’yo.”

Napakamot ng ulo si Alexander at ngumiti. Nahiya siya sa nanay ni Angela.

“Hindi ko alam pero mga kabaliktaran yata ikinuwento ng anak ko tungkol sa’yo. Sabi niya kunut-noo ka daw lagi, parang problemado tapos suplado at magagalitin. Pero sa nakikita ko ngayon, malayo eh.”

“T-Tama naman po talaga sinabi ni Angela tungkol sa akin. I’m the baddest person before…”

“Bakit ka nagbago?”

Matagal na di nakasagot si Alexander.

“Actually po, si Angela ang dahilan kung bakit po ako nagbago.”isang seryong sagot.

Napangiti si Ludy.”Mahal mo ba talaga anak ko?”

“Ho?”muling napakamot ng ulo si Alexander. Namumula na pisngi niya.

“Huwag ka ng mahiya sa akin, kahit papaano nasabi na rin sa akin nila Tita Shiela mo ang lahat.”

“Kainis naman sila, oh.”

Tumawa si Ludy.”Nararamdaman ko rin naman iyon na may pagtingin ka rin sa anak ko.”

“Ganon po? So okay lang po ba ako sa anak n’yo?”

ALEXANDER and ANGELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon