Nagulat ako. Maglilinis sana ako ng pool pero nadatnan ko agad doon si Alexander na naliligo. Aatras sana ako pero napansin na niya agad ako. Kaya heto, kunwari matapang at hindi kinakabahan…
“Good morning sir Siopao?!bati kong nakangiti. Pero deep inside, nangangarag ako! Kinakabahan at minamalat!Si Halimaw nakakatakot pa rin talaga!
Tila hindi ako pinansin ni Alexander. Bigla itong umahon sa pool. Sa hindi ko inaasahan at talaga namang nakakagulat! Naka-swimming trunks lang ito. Grabe! For the first time, ngayon lang ako nakakita ng lalaking naka-brief in person! Natigilan ako at napanganga pa yata.
“What the hell are you looking at?”galit na naman si Alexander.
“H-Ha? Ako ba?”nauutal talaga ako. Hindi ko maipihit ang ulo ko para wag nang titigan ang kanyang katawan. Awkward moment ba???? Truly!
“Get out! I don’t need you here!”nakapamewang na si lalaki.
Napakamot ako ng aking ulo at napalunok. Basta ang init ng nararamdaman ko! Namumula tuloy mukha ko. Ano ba ito? Nakakainis naman! Ganyan ba magnetic effect ng katawan niya? Ni hindi ko maikilos ang ulo ko. Talagang totally nakatitig sa kanyang nakahubad na katawan!
Mabilis na kinuha ni Alexander ang towel at agad na ibinalot iyon sa kanyang katawan.
Nakaramdam na ata si lalaki na pinagsasawaan ko na body niya.
“May pagkabastos ka rin ano? Pinagnanasaan mo katawan ko. How dare you?”seryoso si Alexander.
“P-Pagnanasa ka diyan? Kapal mo ah! Feeling? Saka yabang mo ah... Wala ka namang katawan eh!”pagsisinungaling ko. Hay! Grabe na ito! Nakakahiya! Buking ns buking talaga ang lola mo!
“Liar! I hate liars! Umalis ka na nga dito, nakakaistorbo ka! Sinisira mo talaga araw ko!”naasar na si Alexander.
“Di pwede no! MAglilinis ako dito eh!”
“Common sense naman miss! Kita mo namang naliligo ako di ba?! Hindi ko alam kung may utak ka ba?"
“Pwede naman po sigurong habang naglilinis ako eh naliligo ka rin! Okay po ba iyon?”
Huminga ng malalim si Alexander. Kitang-kita ko ang galit sa mukha nito. Asar. Inis. Talo. Sasabog na yata!
”Papansin ka masyado! Wala ka namang dating!”
Lumakad na si Alexander papalayo sa akin.
Napakagat lang ako ng labi. Tapos sapak sa noo.
Kelangan ba talagang maging ganito ako? Kainis naman oh. Ayoko ng may kaaway! Hindi ko kaya gawin ang ganong bagay… Hay, hirap naman ng trabaho ko…
= = = = = = = = = = = = = = = = == = = =
Ayun. LAgot ka Angela!
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...