Dahan-dahan akong lumakad papalayo sa pinto ng kwarto ni Siopao. Hindi ko alam ang gagawin. Di ko alam kung bakit nangyari iyon. Kung bakit pinabayaan ko. Gusto ko ba? O sadyang may nararamdaman na talaga ako sa mokong na iyon.
Dumiretso ako sa kuwarto. Ini-lock ko ang pinto. Sumandal ako. Marahan kong hinawakan ang labi ko. Muling bumalik sa gunita ko ang nangyaring halikan kanina…. Bakit ganon? Ang gulo ng nararamdaman ko? Parang gusto ko na ayaw? Parang masaya ako na malungkot? Parang tama na mali? Sumasakit ang ulo ko… Lakas pa rin ng tibok ng puso ko..
“Anong nangyari?”
Nagulat ako kay Belen ng biglang bumangon ito mula sa pagkakahiga sa kama.
Lumapit ako sa kanya. Tapos bigla ko siyang niyakap. Pumikit ako.
Gulat naman si Belen.”BAkit? Anong problema mo?”
“Wala. May nagawa lang akong di ko alam if tama o mali. Pero sa tingin ko, nakakahiya siya.”naiiyak na ako.
“Ano ‘yon?”
“Hindi ko kayang sabihin sa’yo ngayon… Basta naguguluhan ako.”umiyak na ako.
“Pwede mong sabihin sa akin lahat, Angela. Baka makatulong ako.”
Umalis ako sa pagkakayakap kay Belen. Tinitigan ko siya.”Nakakahiya talaga. Hindi ko kaya.”
“Ano k a ba… Malay mo, makatulong ako sa’yo di ba? Saka kung talagang secret ito, maaasahan mo ako diyan.”may ngiti si Belen.
“Hinalikan ako ni Siopao...
Mali pala, ginusto ko na halikan niya ako…
Hindi. Ah, naghalikan kami?”namumula pisngi ko.
Natahimik si Belen. Maya-maya ay tumawa ito. Humigang tumatawa at bigla niya akong binato ng unan.
“Adik ka! Ganyan k a ba pag napupuyat?! Lakas ng tinira mo!”muling tumawa.
“Totoo kaya sinasabi ko!”naasar ako sa kanya.
“Sigurado ka?”
“Magsisinungaling ba ako? Lasing kasi kaya nagawa niya, ‘yon.”
“Lasing si Siopao? Nasaan na siya?”
“Hinatid ko sa kwarto niya. Tapos doon na nangyari.”
“Opps! Umamin ka? Hindi lang halik ang nangyari ano?”nakataas kilay ni Belen.
Napakunot ako ng noo.”Huh? Anong ibig mong sabihin?”
Tumawa si Belen.”Maang-maangan pa kunwari. Akala mo conservative pero wild din pala!”
“Hoy, mali ka sa iniisip mo! Hanggang halikan lang. Hindi umabot doon. Dumi ng isip mo. Matulog ka na nga. Hindi ka naman nakakatulong eh!"sigaw ko. Sabay tulak sa kanya.
Nahiga na ako sa aking kama. Nagkumot. Muling nag-isip. Inalala ang nangyari kanina. Ewan ko ba, minsan napapangiti ako. Kinikilig.
UMAGA. Nagpaalam ako kay Nana Loleng na hindi muna ako ang magse-serve ng almusal kina Tita Shiela at Siopao. Nagdahilan ako. Masama ang aking pakiramdam. Ayoko lang na makita si Siopao. Nahihiya ako sa kanya. Hindi ko yata kayang humarap sa mokong na iyon!
![](https://img.wattpad.com/cover/1154030-288-k347666.jpg)
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...