MULI siyang BABALIK

1.3K 26 1
                                        

Naiinis akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Kanina pa ako hindi makatulog. Kahit anong gawin ko ay walang mangyari. Bumaba ako. Tiningnan ko ang orasan. Pasado alas-onse na ng gabi. Kainis! Hindi naman mainit para hindi ako makatulog!

Lumabas ako ng bahay. Umupo malapit sa aming bahay. Napatingin ako sa bahay kubo kung saan naroon sina siopao. Patay na ilaw doon maliban sa bumbilya sa labas ng kubo. Napakamot ako ng aking ulo. Nag-isip. Pumasok sa isipan ko si siopao. Ang nangyari kanina sa ilog. Ang katawan niya. Ang mga ngiti at tawa niya. Hindi ko alam pero kinikilig na talaga ako.

“Sabi ko na nga ba, gising ka pa?”

Nagulat ako sa aking narinig. Napatingin ako sa aking likuran. Si siopao. Napatayo ako.

“Ayan ka na naman, iiwasan mo na naman ako. Wala naman akong nakakahawang sakit ah.”seryosong wika nito na unti-unting lumalapit sa akin.

“N-Nagulat lang ako.”pagsisinungaling ko.”B-Bakit gising ka pa?”

“Eh iniisip mo kasi ako kaya hindi talaga ako makakatulog.”nakangiting sagot nito.

“I-Isip ka diyan? Hindi ah. Mainit, mainit lang sa loob. Kapal mo ah.”gumagawa na naman ako ng white lies.

“Hindi ba may kasabihin na kapag iniisip mo raw ang isang tao, hindi raw ito makatulog. So sa tingin ko, merong someone na keep thinking of me.”nakangiti  siya sa akin.

“Naniwala ka naman doon? Matulog ka na nga.”kunwari naiinis ako. Naiilang na kasi ako sa kanya. Masyado niya akong tinititigan.

“Yeah, I probably do. Naniniwala ako. Kasi I think it's happening now...  You know the reason why you can’t sleep. Right?”may pilyo ang ngiti niya.

Natigilan ako.”A-Anong ibig mong sabihin?”

Ngumiti si Alexander.”I’m thinking of you right now. And I think kelangan kong mag-sorry for that.”sabay kindat.

Ngek! Na-freeze ako. Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko or sasabihin ko sa kanya.

“Angela, I’m missing you so much.”

Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya.

Hala! Wala akong maisip na gagawin. Magsasalita ba ako? Aalis? Ano ba dapat?

Halos tumagal kami sa ganoong posisyon. Parehong nakatayo at nakaharap sa isa’t isa. Walang kibo. Walang anumang ingay.

“I-I need to tell you something.”sabi niya.

“U-Umalis ka na nga. Sana hindi ka na lang sumama dito. Hindi mo lang alam kung gaano mo ginugulo buhay ko…”yeah, I know, masakit mga sinabi ko.

NAgmamadali na akong umalis. Iniwan ko na siya. Isinara ko ang pinto. Sumandal ako dito saka pumikit. Huminga ng malalim. Masakit. Masakit nararamdaman ko. Nasaktan ako sa mga sinabi ko sa kanya… Ayun, biglang tumulo luha ko…

Biglang nagising si Alexander sa mga ingay na naririnig niya mula sa labas ng bahay. Napakamot siya ng ulo at bumangon. Sumilip siya sa bintana. Nakita niya agad doon sina Tita Shiela, Nana Loleng at Belen na masayang kumakain ng buko. Naroon ang nanay ni Angela at ang kapatid nito na nagbubukas ng buko. Ang mga kapatid ni Angela naman ay kumakain ng mga chitchiriang pasalubong nila. Natigilan siya ng mapansin si Angela na nakaupo. Masaya itong kausap ang dalawang babae at isang bakla. Sa tingin niya mga kaibigan ito ng dalaga.

Napansin ko ang paglabas ni Siopao mula sa bahay. Agad siyang sinalubong ng mga kapatid ko. Kinarga niya ang bunso. Nakipaglaro siya sa mga ito ng habulan.

“S-Siya ba ‘yung sinasabi mo?”si Roda.

Tumango lang ako.

“Oh my shit! Ang gwapo naman pala talaga at yummy na yummy!”si Tonyang bakla, na di mapigilang mapatayo ng makita si Alexander.

ALEXANDER and ANGELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon