MEET si SIOPAO

1.6K 33 1
                                    

Maaga akong nagising. Naligo. Abala na sa kusina ang ilang katulong. Darating daw si Mam Sheila mamaya galing ng Taiwan. Ako naman, ang paglilinis sa pool ang naging toka ko. Sayang, gusto ko sana ang pagluluto pero no choice, pang-pool lang talaga ang beauty ko.

Si Nana Loleng, inutusan niya akong i-check kung bukas na ang pinto ng kwarto ni Siopao. Mukhang dumating na raw ito kagabi.

Ano kaya hitsura ni Siopao? Umakyat ako ng hagdan. Tinungo ko ang kwarto ni Siopao. Kumatok ako. Walang nangyari. Kumatok ulit ako. Walang sumagot.

Kumatok pa ako…. Deadma.

Pinihit ko na ang doorknob. Ayun, nabuksan. Toink! Ang dilim naman ng kwarto. Kinapa ko sa dingding ang switch. Presto!

Ini-on ko ang ilaw.

Magulong kwarto ang bumungad sa akin. Nagkalat ang mga damit. Wala akong napansing human.

“T-Tao po!”tawag ko. Ngayon ko lang naitanong sa sarili ko?Babae ba o lalake si Siopao?

Mula sa kama may biglang bumangon mula sa nakatalukbong na kumot.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Lalaking walang damit pang-itaas. Grabe! Parang artista! Ang kinis at ang puti! Sobrang gwapo!

“Who the hell are you?!”sigaw na tanong nito. Pupungas-pungas pa ng mata.

Nagulat ako sa sigaw niya. Agad akong lumabas ng kwarto at isinara muli iyon.

Kinabahan ako. Natigilan. Muling bumalik sa isipan ko ang hubad na katawan at mukha ng lalaki. Yummy ah… Gwapo niya lalo’t bagong gising lang.

“Anong ginagawa mo?”si Nana Loleng.

Nagulat ako. Natigil ang pagpapantasya ko sa lalaki.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Siopao. Lumabas ang binata. Naka-t-shirt na ito at naka-short.

“Sino siya? She entered my room without any permission!”bulalas agad nito.

Kinabahan na ako. Mukhang mawawalan agad ako ng trabaho nito. Wag naman po sana (cross-finger)

“Anak ni Ludy, siya ang kapalit ng nanay niya. Si Angela.”si Nana Loleng.

“Well, I don’t care! She disturbed me!”

“Siopao naman, mainit na naman ulo mo. Calm down. Baguhan lang iyan kaya nagkamaling pumasok sa room mo.”

Napatingin ako sa lalaki. Siopao? Tama ba narinig ko kay Nana Loleng? Siopao ang pangalan ng macho at gwapong taong ito? Ang pangit! Baduy!

“Then she must be orient. Try to tell her that my number one rule here is no one can ever or must enter my room!”galit na itong ‘Siopao na ‘to.

“Ok sige, sige… Matulog ka na ulit. But try to wake up early kasi darating na tita mo.”

Hindi na nagsalita si Siopao. Agad na itong pumasok sa kwarto nito at padabog na isinara ang pinto.

Aw! Sakit naman sa tenga! Ang aga-aga ang bitter!

Seryosong napatingin lang sa akin si Nana Lelong. Nakahinga naman ako ng malalim. Kalorkey naman oo! An aga-aga may mali na agad akong nagawa, kay Siopao pa… Natigilan ako. Nakakatawa naman pangalan niya…

* * * * * * * * * * ** *  **  * * * * *

Sungit naman talaga ni Siopao!!!! Hahahaha!!!

ALEXANDER and ANGELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon