Ibang umaga ang sumalubong sa akin. Sa kusina nadatnan ko doon sina Nanay, Belen, Nana Loleng at Tita Shiela na masayang nagkukuwentuhan tungkol sa kani-kanilang mga kabataan. Natawa ako, topic nila ang love life ng bawat isa.
Agad akong hinainan ni nanay ng kape at puto.
"Nakaalis na kanina si siopao."sabi ni Belen.
Bahagya akong ngumiti. Wala akong sagot. Pero nalungkot ako.
"Pasensiya na daw at hindi na siya nakapag-paalam sa'yo."sabi ni Belen.
"Si Ontoy na ang naghatid sa kanya sa terminal ng bus."si Tita Shiela.
"Nakakalungkot lang na umalis na agad ang batang iyon. Nakaka-miss siya."nanay ko.
"Hayaan na natin... Mukhang may importanteng gagawin eh."si Nana Loleng.
Tumayo ako.
"Saan ka pupunta?"tanong ni Nanay.
"N-Nakalimutan ko lang sa likod 'yung damit ko. Kunin ko lang po muna."paalam ko. I lied.
Nagmamadali akong umalis. Pumunta ako sa likod. Wala na akong magagawa kundi hayaan na lamang na tumulo ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Aray ko! Sobrang sakit naman na hindi ko man lamang siyang nakitang umalis.
Nagbago ang lahat. Ibang umaga. Ibang tanghali. Ibang hapon. Ibang gabi.
Kulang na kulang na ang araw pag wala si siopao. Nakakamiss siya.
Hindi ko lang alam kung makakaya ko pa ito.
Dumating ang fiesta...
Masaya naman.
Tatlong araw pa ang lumipas...
Oras na para magpaalam sina Tita Shiela.
Nakakalungkot lalo na araw.
Nakakaiyak.
Si Nanay nga todo iyak sa pag-alis nina Tita SHiela, Belen at Nana Loleng...
Nadamay lang ako, umiyak na rin ako...
Nadamay din sina Belen at nana Loleng... Umiyak na rin sila...
Nadamay din si Tita Shiela... Umiyak na rin siya...
Iyakan toda maxs...
Dahan-dahang lumakad sina Tita Shiela, Belen at Nana Loleng papalapit sa kuwarto ni Alexander.
"Sa tingin n'yo okay lang kaya ang pamangkin ko?"usisa ni Tita Shiela.
"Sana. Sana hindi siya naging lasenggo. Sana hindi siya naging emo. At sana hindi siya naging addict!"si Belen.
:Grabe ka naman... Huwag naman sana. Hindi naman siguro magagawa ni siopao iyon."si Nana Loleng.
"Alam naman nating umalis siya na broken-hearted di ba? Sana nakayanan niya..."tita Shiela.
Hinawakan na ni Tita Shiela ang door knob. Hindi ito naka-lock. Marahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto. Sumilip.... Wala silang nakitang tao sa loob. Malinis ang kuwarto.
"W-Wala siya?"usisa ni Belen.
"Baka nasa labas nakikip[ag-inuman?"si Belen.
"KUMUSTA!"
Nagulat ang tatlo ng marinig ang sigaw ni Alexander mula sa kanilang likuran.
Napaharap sila. Si Alexander. Nakangiti ito.
"Oh, para yatang nakakaita kayo ng multo?"nakangiting usisa ni Alexander.
"I-Ikaw ba iyan?"tanong ni Tita Shiela.
BINABASA MO ANG
ALEXANDER and ANGELA
RomanceAngela is a maid. Positive and happy. Living a life that is simple and fun. Alexander is a son from a rich family. A happy-go-lucky guy. Serious and sometimes rude. Two different world. Isang mayaman at isang mahirap. Isang promdi at isang city boy...