THE kiss

1.3K 28 3
                                        

May kumatok sa kuwarto namin ni Belen. Si Belen ang bumukas ng pinto. Nagulat siya ng makita si Siopao.

“Where’s Angela?”seryoso niyang tanong.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko.”B-Bakit, Sir?”

“Kelangan mo akong samahan sa labas. Hindi ako papayagan ni Titang umalis hangga’t hindi daw kita kasama.”

“Alas-onse na sir ah? Saan ba lakad?”

“Don’t ask me more questions. Sumama ka na lang pwede?”naiinis na ito.

“Eh magbibihis pa ako.”

“No need na, okay.”

Nagulat ako ng bigla niya akong hilain papalabas ng kuwarto. Wala na akong magawa kundi sumunod na lamang.

Huminto ang kotse ni Siopao sa isang bar.

“Dito ka lang, okay. Antayin mo na lang ako.”

“Hah? Baka tumagal ka, ah. Nakakainip dito.”

Biglang binuksan ni Siopao ang stereo ng kanyang kotse.

“Just listen to the music. Or matulog ka na lang diyan. Hindi bagay na pumasok sa bar nang naka-pajama. Basta wait mo na lang ako dito.”

Wala na akong nasabi. Lumabas na siya ng kotse niya at lumakad na papasok ng bar. Napakamot na lang ako ng ulo sabay hinga ng malalim. Hanggang sa inayos ko na lang sarili ko ng pwesto para makatulog.

Nagising ako bigla ng may biglang bumukas ng pinto ng kotse. Si Siopao. Namumula na pisngi nito. Lasing na ang mokong.

“Hey, doon ka na sa likod. Uwi na tayo.”lasing lang na sabi nito.

Napansin ko ang isang babae sa likuran niya. Lasing na rin ito. Ang iksi ng suot. Maganda din naman siya kaya lang sumubra yata sa make-up. Nagmumukhang  pokpok lang ang dating.

Nagmamadali akong lumipat ng upo sa likod. Sumakay na si Siopao. Maging ang babae ay sumakay din ng kotse. Nagtatawanan pa ang dalawa. Inis na inis naman ako.

Pinatakbo na niya ang kotse diretso sa bahay. Unang bumaba si Siopao. Sumunod ako. Tapos yung babae. Susuray-suray na si Siopao ng lumapit sa babae. Tawanan silang dalawa. Nagulat ako ng biglang yumakap ang babae kay Siopao sabay halik sa leeg ng mokong. Tapos yumakap din si Siopao at sabay halik sa lips ng kasama. Naghalikan silang dalawa. Matagal.

Naasar ako sa aking nakita kaya galit akong lumapit sa dalawa sabay hila kay mokong papalayo sa babae. Galit akong tiningnan nito.  Maging si Siopao galit akong tinitigan.

“B-Bawal yan dito!”ang nasabi ko na lang sabay kamot-ulo.

“Alex, who’s that girl ba?”usisa ng babae.

“She’s our yaya, baby.. Don’t mind her, okay.”

Lalapit pa sana si Siopao sa babae.Pero agad ko siyang hinila papalayon at papasok ng gate. Pinilit kong maipasok si Siopao sa loob. Then  agad kong nilapitan ang babae.

“Umuwi ka na nga! Ke babae mong tao ang bastos mo!”sabi ko.

“What the hell are you saying? Who are you ba? Asan na si Alex?”galit ito.

ALEXANDER and ANGELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon