Elizabeth Marié"I do not understand!" He growled
Napapikit ako ng mariin. I can feel my knees trembling. Ganito ang epekto ni Lyall sa akin. He can easily bend me.
Dumilat ako at matapang siyang hinarap, "Hindi mo ba nakikita, Lyall? Kailanman ay hindi tayo magiging pwede dahil isa akong bampira! I'm your mortal enemy"
"You're my mate!" Giit niya at mas lalo akonh nairita
"Didn't you hear me? I'm a vampire! Dapat nga ay hindi tayo ang nakatakda para sa isa't isa! Hindi kaya nagkamali ka lang, Lyall? Baka naman hindi talaga ako ang nakatakda para sa iyo. Sabihin mo naman oh, na hindi ako ang nakatakda para sa iyo" pakiusap ko
Sana naman ay sabihin na lamang niyang nagkamali siya sa akin. Hindi naman 'to pwede di ba? Hindi dapat ganito ang mga nangyayari!
May mahal ako! Si Morgan ang mahal ko, pano sa iba ako nakatakda? Panong may ibang dapat na magmamamay-ari sa akin gayon sa iba naman nakalaan ang puso ko?
Mahal na mahal ko si Morgan, pero paanong ginugulo ni Lyall ang utak ko ay di ko na kayang intindihin pa.
Humikbi ako at naramdaman ang kamay ni Lyall sa aking pisngi. Napakagentle ng pagkakatitig niya sa akin na tila ba nakakalimutan ko ang paligid.
"Forgive me, Elizabeth but there is no mistaking, you are my mate. Mine"
"The moon goddess brought us together because we should be together"
"Kahit ako naguguluhan kung bakit sa isang bampira pa ako natakda. Kahit kailan ay wala pang nangyari tulad nito. Pero walang makakapagpabago ng tadhana, Elizabeth. At tayong dalawa ang nakatadhana para sa isa't isa" aniya at hindi ko iyon matanggap kaya mas lalo lamang akong napahikbi.
Kung bakit di pa ako pinupuntahan ni Morgan rito ay di ko alam. Di niya ba kami naririnig?
"Is that the reason why you won't accept me? Because you're a vampire?" Biglang tanong niya sa akin na ikinagulat ko
Hindi ko inaasahang maiisip niya ang bagay na iyon at diretsong itatanong sa akin. Umiling ako. Oo at isa nga iyon sa mga dahilan kung bakit di ko matanggap ang mga nangyayaring ito. Alam kong walang pag aalinlangang tatanggapin ako ni Lyall dahil kami ang nakatakda para sa isa't isa, pero pano ang iba pa niyang kalahi? Siguradong di nila ako tatanggapin dahil sa katauhan ko.
Hindi ako sana'y na kamuhian. Isa akong Taylor, at lahat ay humahanga at nagmamahal sa akin. Rumerespeto. Kung sakaling sasama ako sa kanya, hindi ko kakayanin ang kamuhian ako sa isang bagay na di ko naman sinasadya.
Pero higit pa roon, may isa akong pinakadahilan kung bakit ayokong tanggapin ang katotohanang kami ni Lyall ang para sa isa't isa.
Tumayo ako habang siya ang nanatiling nakaluhod sa halamanan. Pinahid ko ang mga takas na luha at diretsong tiningnan siya sa kanyang mata.
"Hindi. Hindi lang iyon. Lyall" I breathe, "May minamahal ako, at hindi ikaw 'yun"
Natigilan siya sa aking sinabi. Tahimik kaming dalawa hanggang sa walang sabi'y tumayo siya at hinablot ang aking braso.
I was pulled towards him and I can feel the heat of his skin to my skin.
Kahit na ganito ang aming sitwasyon ay nanatiling matapang ang ekspresyong ibinibigay ko sa kanya. Dahil nakikita kong di niya nagustuhan ang aking mga sinabi.
Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin. Galit na galit ang kanyang mata. I was expecting for him to shout at me, ang saktan o pagbuhatan ako ng kamay pero di niya ito ginawa.
Humigpit nga lang masyado ang kanyang pagkakahawak sa akin.
"You can't say that to me. I'm your mate" may diin niyang sabi, "Hindi ako magaling sa pagtitimpi kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pasensya ko'ng ito, Elizabeth. Pero isa lang ang masasabi ko konti na lang ay mauubos na ito at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko" banta niya, "I'm an alpha!" He declared, "And as to why am I keeping up with your in denial is beyond me! At habang kaya ko pang pigilan ang sarili kong pwersahin ka'ng sumama sa akin, sana'y matutunan mo nang tanggapin ang kapalaran mong ito. Ang kapalaran mong nakadugtong sa kapalaran ko!" Aniya at saka marahas na binitawan ang aking braso. Impit ako napaiyak sa lakas ng pwersang ginamit niya. Napaupo ako sa lupa at nakatingala sa mukha niya
Nakatitig kami sa isa't isa at kitang kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang dahil sa kung anong nagawa niya sa akin. Mukhang tulad ko ay di niya rin inaasahan ang naging kalabasan ng pag uusap naming ito.
Nagbitaw siya ng isang mura at naihilamos ang kanyang mga palad sa kanyang mukha. Agad siyang nagpalit sa malanyebe niyang anyong-lobo at naglaho sa kadiliman.
Isang butil ng luha ang tumakas mula sa aking mata ng tuluyan siyang mawala hanggang sa sinundan ito ng marami pa.
"Elizabeth" napalingon ako sa boses na tumawag sa akin
"Astrid" I acknowledge her. Sa titig niya pa lang na iyon sa akin ay alam ko nang narinig niya ang pag uusap namin ng taong lobo rito kanina.
Tumakbo siya papalapit sa akin at agad na hinagkan ako sa kanyang mga bisig kung saan ako umiyak na parang bagong silang na sanggol.
BINABASA MO ANG
The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book II
VampireBook Two of The Vampire Prince and the Vampire Hunter written by iamtatia.