Chapter 109

52 2 0
                                    

Diana

Morgan Eleazar

"She was turned" I heard Lyall whispered under his breath. Hindi siya tumigil sa kakatanong sa akin ng tungkol sa pagkatao ni Elizabeth. Wala sa sariling ikinuwento ko ang lahat ng nalalaman ko.

Lutang pa rin ako dahil sa pag aalala. Elizabeth is in transition. Bumaba na ang kanyang temperatura at maayos na namin siyang naipahinga sa kanyang kama. She looked fine already pero hindi ganoon kadali iyon. She's battling for her life for pete's sake! If her blood can't take Malcolm's blood then she will die. She'll die like Diana.

Fuck! It's fuckin' happening again, Morgan. It's happening again.

Ipinikit ko ang aking mata upang ipahinga ang aking utak, ngunit imbes na ganoon nga ang mangyari ay hinihila naman ako upang balikan ang isang alaala mula sa aking nakaraan.

Great War. Firenze. The other creatures declared a war against the three of us. We have no choice left but to fight. Malcolm and Clad turned a lot of human beings to be their vampire army. At ang isa sa mga iyon ay ang babaeng nagngangalang Diana Hemsworth.

She was a former beggar on the streets of Firenze. I took her in.

Makulimlim sa syudad ng Firenze. Maambon at nagbabadya itong lumakas pa. I was walking down the streets, tinitingnan ang danyos ng labanang naganap sa araw na iyon. We've been going on with this so called war for three fucking days pero malaki na ang pinsalang nagawa nito. Malcolm and Clad were turning human beings into vampires and they're a pain in the ass. They're always hungry for blood and they can't seem to get enough.

"Ah!" Napalingon ako sa sumigaw. I saw a girl trying to attack me, may kahoy siyang hawak.

I expertly dodge the attack. At dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo, nawalan siya ng preno at sumubsob sa lupa. I looked at her dirty and torn clothes. At nang lumingon siya ay nagtagpo ang aming mga mata. I was captivated by the emotion those eyes hold. Hatred.

I smirked. Hindi bago sa akin ang mga tingin na iyon pero may kakaiba sa babaeng ito.

Mas tumalim ang tingin niya ng makita ang ngisi ko. Nagulat na lamang ako ng biglang nanginig ang kanyang mga balikat. She was crying. What the hell!

Nagiwas siya ng tingin at yumuko. My mind tells me to just leave her alone but my legs won't move. Bagkus ay napaluhod pa ang mga ito upang daluhan ang dalaga.

"What's your name?" Nagulat ako sa naging tono ng aking pagkakatanong. I almost sounded like I cared for the girl.

"Why do you care?" Singhal niya sa akin at iyak muli

"May mapupuntahan ka ba?"

Seriously? Why am I even asking her?

"Isa akong pulubi. Sa tingin mo ba ay may uuwian ang isang katulad ko?" Muli ay napangisi ako sa kanyang pagiging sarkastiko.

Good thing, Clad and Malcolm are still looking for human beings to be turned. With this girl's attitude, she'll be amazing.

Tumayo ako at tinalikuran siya.

"Come with me. Kung gusto mo ng mauuwian, sumama ka sa akin" ani ko at naglakad na, with Diana tailing behind me.

Pinakilala ko siya kina Malcolm at Clad. Di naglaon ay naging bampira siya at naging kasangga ko sa pakikipaglaban sa digmaan.

I spent 150 years of war with her until she collapsed in front of me. When I held Elizabeth in my arms awhile ago I remembered Diana's warmth. It was boiling hot. She was having delusions too.

Diana was the first turned vampire to go in transition. We didn't know what to do. We didn't know what was happening, at first. And it took me four tries to complete a magic spell to know what was happening to her.

At wala akong magagawa upang tulungan siya.

"Morgan..." I heard her call me in the middle of the night. Dali dali akong bumangon para matugunan ang kung anumang pangangailangan niya.

"Diana, buti naman at gising ka na. Kamusta ang pakiramdam mo?" I asked. Hawak ko ang kamay niya. Pangalawang araw simula mawalan siya ng malay sa gitna ng labanan.

"Anong nangyari? Yung laban?"

"Wag kang mag alala, nakikipaglaban pa rin sina Malcolm at Clad. Nalalagasan na ang bilang ng mga taong lobo at mga kasamahan nila. We will win this war, Diana"

"Mabuti naman kung ganoon" she sighed

"Morgan, hindi pa kita napapasalamatan sa lahat ng ginawa mo sa akin, hindi ba?" She asked out of nowhere na ikinatawa ko

"You don't know how to say thank you or sorry" because she's so stubborn

Tumawa na rin siya. Nang humupa ang tawa niya ay nakita kong kagat kagat niya na ang kanyang labi at naluluha ang kanyang mga mata. Umigting ang aking panga sa aking habang pinapanood ko ang isa sa aking pinakamatalik na kaibigan.

"Salamat, Morgan. Sa lahat, lahat. Binigyan mo ako ng matutuluyan nung mga panahong nanlalamig ako sa kalsada. Kahit muntikan na kitang gawan ng masama ng dahil sa labis na kahirapan at desperasyon ay nagawa mo pa rin akong gawan ng kabutihan. Tinuro mo sa akin ang lahat ng alam ko. Ikaw ang naging sandalan ko, kalasag habang nakikipaglaban ako. At higit sa lahat ikaw ang naging tahanan ko. You promised me a home if I come with you that day pero hindi mo alam na nung kinausap mo ako at nagtanong ka ng mga bagay na kahit minsan ay walang nagtanong sa akin, ikaw Morgan, ang naging tahanan ko. Salamat sa daang taon na pagkupkop mo sa akin. Maraming salamat" she cried at kumuyom ang aking kamay. Gusto kong suntukin at gibain ang pader. Gusto kong magwala. Ngunit pinipigilan ko lamang ang aking sarili dahil ayokong makita niya ito.

"This is not your farewell speech to me, Diana. Hindi ako papayag!"

Nanginginig ang mga nanghihina niyang kamay nang subukin nitong abutin ang aking mukha.

"I can't take it anymore. I'm sorry, but it's time for me to go. Mahal kita, Morgan" aniya at saka bumagsak ang kamay niya mula sa aking pisngi

Nanlalaki ang aking mga mata habang unti unting pumipikit ang sa kanya.

"Diana" hindi siya nagsalita, "Diana!"

"Diana" I whispered, at nilingon ako nina Lyall at Jake.

Akala ko ay narinig nila ang pangalang binanggit ko ngunit inignora lamang nila ito.

"Hindi pa rin siya nagigising, Morgan. Kailan matatapos ang transition na sinasabi mo?" Naiinip na tanong ni Lyall

"Tatlong araw. Pero ang pangalawang araw ang kritikal"

"Kritikal? Bakit ito kritikal?"

"It's the most critical because she might die"

Agad akong kinuwelyuhan ni Lyall kaya napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Agad na pumagitna si Jake sa aming dalawa. I did not even react. I'm too distracted to even give a fuck.

"Anong sinasabi mo!" He roared, "Akala ko ba ay magiging ganap na bampira lamang siya? Bakit" kinagat niya ang kanyang labi, "Bakit sinasabi mo sa akin ngayon na maaring ikamatay niya ito! She can't die, Morgan!"

Nag alab ang galit sa aking dibdib at agad iwinaksi ang kanyang kamay. I didn't like what he just said.

"Sa tingin mo ba ay hahayaan ko iyong mangyari, Lyall?"

"Kung ganoon ay bakit wala kang ginawa at ngayon mo lang ito sinasabi sa akin?"

"Morgan, what can we do to save her?" Jake interrupted

Umiling ako, "Nothing. Nakadepende sa lakas niya kung kakayanin niya ba ang transisyon na ito" sabi ko, "Wether she'll live or die, it's all on her"

Wala kaming magagawa. Wala akong magagawa tulad ng wala akong nagawa noon para kay Diana. And it sucks! Damnit!

The Vampire Prince and the Vampire Hunter Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon